Tuesday, December 31, 2013

Kaibigan magpakailanman.



Laging masayang alaala 'yung balikan ko ang banal na gabing iyon na naramdaman kong tinawag ako ng Diyos sa pamamagitan ng isang kaibigan. Kahapon, mas naramdaman ko ang gawaing pinasok ko. Nakakapagod, oo. Mas nakakapagod pa sa parating na tatlong taon! Maraming-marami ang mga gawain. Pero masaya ako. Excited ako. Kasi mula nang sumagot ako ng "Oo" sa imbitasyong mas paigtingin ang debosyon kay Maria, mas nararamdaman ko ang lapit ng presensya ng Diyos. Mas naaakit ako sa buhay na puno ng pananalangin. Mas nakikilala ko ang sarili ko. Nakukumbinsi akong ipagpapatuloy ko talaga ang balak ko. Hindi, ang balak pala ng Diyos sa buhay ko.


Dati, nahanap ko na ang Diyos. Mula noon, hindi ko na mapigilan ang sarili na tahakin lamang 'yung landas na patungo sa Kaniya. Ngayon, nasisiguro ko nang lagi ko lang pala Siyang kasama. 

Nakita na kita. Tinawag ako upang sumunod sa kagustuhan Mo kaya buong puso nga akong susunod sa Iyo.


At ngayong officially installed na kami (noong Disyembre 8 pa nga!), panghahawakan ko na ngayon na isa na nga akong Youth Minister na nakatalagang magpahayag ng Mabuting Balita ng Diyos sa mga kabataang tulad ko at mas mahalin si Maria, ang Ina ng mga Walang Mag-ampon. Panalangin kong unti-unti ko sanang makilala ang mga kapwa ko Youth Ministers sapagkat alam kong



Sila rin ay gagabay sa aking paglalakbay;

Sila rin ang aagapay kapag ako’y nalulumbay;
Sila ang patnubay kapag ako’y pasaway;
Sila man ay  makapagbibigay ng saysay sa aking buhay.
Kaya naman ngayon pa lang, ako ay nagpupugay na dahil sa inyong ipinakitang halimbawa ng walang humpay na pag-alalay at debosyon kay OLA.
Salamat sa Diyos. Salamat sa inyo.
Hangad kong maging kaibigan magpakailanman.



                                       

Isang eksamen sa buhay 2013.

Ang taong 2013 ay tila isang paglalakad sa Emmaus. Gaya ng mga disipulong naglalakad patungong Emmaus sa Ebanghelyo ni San Lukas, mayroon akong mga problema at alalahanin na isinusumbat tungkol sa Diyos, ngunit madalas, hinahati ni Hesus ang Salita sa akin at ipinaliliwanag sa iba't ibang paraan kumbakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Kinailangan kong pahintulutan ang Diyos na punan pa ang aking mga dalahin – ang aking pagtingin sa mga bagay, ang rubdob ng aking pagmamahal at pagtanggap sa tuwa at sakit na kaakibat ng tunay na pagmamahal, ang aking kapasidad sa pagtupad at pagsunod.

Pinararamdam lagi sa akin ng Diyos na minahal Niya ako at sa kabila ng aking kahinaan, minahal Niya ako at gustuhin ko man o hindi ay minahal Niya ako kasama ng iba pa.


Hindi kailanman nagkulang ang Diyos sa regalo, sa biyaya, sa pagpapaalala, sa pagwawasto. Ang isang regalong lagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos ay iyong walang palya Niyang pagpapadala ng mga tao upang lumabas ang kabutihan at kagalingan sa akin. Naniniwala akong tinatahak ko ngayon ang tamang landas na nais ng Diyos na daanan ko nang tawagin Niya akong maglingkod sa Parish Youth Ministry, ng mga taong madalas ko na ring makasama sa buhay – mga kaibigan, na kaakbay ko sa paglalakbay. Lubos akong nagpapasalamat sa kanilang lahat. Tunay na Emmanuel ang Diyos sa akin sa pamamagitan ng mga nakakasama ko.


Lubos din ang pagpaparamdam ng Diyos ng Kanyang presensya sa akin, sa mabunga mang karanasan sa buhay o sa tuyong karanasan ng pagkabasag at pagkatalo. Gustuhin ko man yung mas magagaang karanasan, alam ko na sa mga tuyo, mas masasakit at mas mabibigat na karanasan ako nais dalhin ng Diyos upang tumubo, mamunga at lumago.


Panalangin ko sa Diyos na gawing mas malaki ang aking puso upang mas marami akong mahalin at patuluyin sa aking buhay. Dalangin kong huwag maging iskandalo sa iba. Hiling ko para sa mga kaibigang nilayuan o iniwasan ako dahil sa mga bagay na nagawa ko noon na nagpalayo sa kanila na makatanggap sila ng pagmamahal at pagpapagaling mula sa Diyos na sa isang banda ay hindi ko makakayanang maibigay sa kanila.


Nais kong hingin sa Diyos ang pagpapala para sa mga taong nakasama ko sa paglalakbay sa higit dalawampung taon ng aking buhay. Sa pamilya ko't mga kaibigan, lalo na sa mga kapwa kong kabataan, humihingi ako sa inyo ng pabor na sana sa araw na ito ay mag-alay din kayo ng panalangin para sa akin, isang kawal na kabataan ng Panginoon, tunay na makasalanan ngunit nagsusumikap sundan ang daan ni Kristo na noong una pa'y tumawag at nagmahal na sa atin.


Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos at pagpalain kailan man. Kasama ni Maria, ang Ina ng Diyos, ang Ina ng mga walang mag-ampon, harapin natin ang panibagong taon ng Diyos ng may pag-asa at buong pagpapakumbaba na anomang problema at hamon ng buhay ay kaya nating lampasan.


Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa ating lahat! Dios mabalos! :)


Monday, December 30, 2013

13 Aral na Natutunan Ko Ngayong 2013.

Sabi nila mas tumatalas ang isip mo kapag tumatanda ka. Nag-23 anyos na ako nitong 2013 at pakiramdam ko nagsisimula pa lang akong tuklasin kung para saan ba ang buhay ko. Sobrang pasasalamat sa Diyos, sa aking Dakilang Guro, sa dahan-dahang pagkilos Niya sa buhay ko. At dahil yearend na, nais kong ibahagi ang mahahalagang aral na natutunan ko ngayong taon kasama Siya. 

1. Tupdin ang mga pangako. Pagsikapang maging committed at faithful sa lahat ng binuo, binuno at bubuuing mga relasyon.

2. Makinig nang mabuti. Karamihan kasi ng mga problema ay umuusbong dahil sa kawalan natin ng abilidad na makinig sa sinasabi ng ibang tao sa atin. Kaya't hayaan nating magpahayag sila at buong sinseridad na tanggapin ang kanyang punto, na maaaring tama sila at ikaw ang mali, at ito ang simula ng pagpapakumbaba.

3. Ayos lang ang maging mahina. Tanggapin ang katotohanang hindi mo magagawa ang lahat na mag-isa. Kaya't humanap ng isang tao na puwede mong kausapin nang komportable at mahihingahan ng nasasaloob. Hayaang maging malakas ang iba para sa iyo tuwing napanghihinaan ka ng loob.

4. Piliing maging inspirasyon. Bahagi ng pagiging tao ay ang hikayatin ang kapwa na magpatuloy, ang ipakita sa kanila na may mas higit pa sa buhay, at may ibang perspektibo pa sa pagtingin sa mga bagay-bagay. Ilahad ang iyong istorya at iparamdam sa kapwa na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga laban sa buhay. Huwag iiwanan ang isang tao nang hindi siya napapangiti. Sikaping mabuhay sa kapayapaan kasama ang sinomang makakasalamuha.

5. Walang perpektong tao. Kahit na sino ay may kakayahang inisin ka, kalimutan ka, galitin ka, saktan ka, at maging talikuran ka. Mahalin mo pa rin sila. Napakahirap gawin iyon, sa totoo lang, pero piliin mong magbukas ng mas malaking puwang sa maliit mong puso.

6. Hindi ka pa matanda para sa mga bagong bagay. Luminang ng bagong talento, gumawa ng mga personal na records, magtungo sa mga di pa napupuntahang lugar, magkaroon ng mga bagong kaibigan, at gawin ang mga childhood dreams. Mabuhay nang ayon sa kagustuhan ng Diyos sa iyong buhay. Pinakamagandang paraan ng pagpupuri sa Diyos ay mabuhay nang umaayon sa kagustuhan Niya.

7. Alalahanin palagi ang pagmamahal Niya. Pansinin ang mga handog ng Diyos sa iyo at magkaroon ng panahong magpasalamat sa bawat regalo. Maaring bagay, tao o magagandang karanasan. Pasalamatan ang Diyos para sa iyong pamilyang minamahal ka nang sobra-sobra, para sa iyong mga kaibigang hindi ka iniiwan sa tuwina. Magpasalamat ka sa iyong talento. May kaya kang gawin na tanging ikaw lamang sa mundo ang makagagawa. Alalahanin ang mga karanasang humubog sa iyo sa bawat taon at sipatin ang pagkilos ng Diyos sa mga pangyayaring iyon. Tandaan na minamahal ka Niya kahit hindi ka karapat-dapat mahalin. 

8. Laging magdasal sa bawat pagdedesisyon, malaki man o maliit. Kapag inilalagay mo ang Diyos bilang pangunahing prayoridad---ang Kanyang kalooban at anomang ikinalulugod Niya---ang lahat ng bagay ay mangyayari ayon sa nararapat nitong kalagyan. At kung hindi mangyari ang mga bagay ayon sa plano mo, tandaang nasa Diyos ang huling salita.

9. Magtiwala at maghintay. Kapag tinuturuan ka ng mundo na tumakbo para makamit ang kagustuhan mo, piliing maglakad. Kailanman hindi tayo dapat magmadali. Mahabang panahon ang binuno upang maitayo ang mga kastilyo, hindi ba? Perpekto lagi ang timing ng Diyos.

10. Laging maging konektado sa Kanya. Ang ating kaabalahan ay hindi dapat maging excuse para hindi magdasal. Mas busy tayo, mas maraming oras dapat ang ilaan natin sa Diyos. Huwag natin sabihing ang ating trabaho ay isa na ring anyo ng panalangin. Gayong maaari itong maging tama sa isang banda, ang panalangin ay dapat maging quality time kasama ang Diyos at tayo'y tumatahimik upang mas mapakinggan Siya.

11. Tanggapin ang mga interruptions. Pagbigyan ang Diyos na gambalain ka sa iyong mga plano, na nagtitiwalang Siya ang nakakaalam sa mas mabuti. Hindi Niya ibinibigay ang ating naisin agad-agad upang mapanatili tayo sa focus at makita ang pinakamahalaga. Dakilang halimbawa ay si Maria, na sa edad na 14 ay hindi inakalang siya ang magiging Ina ng Diyos. Isa pang halimbawa si Jose, na marahil nais ang normal at tahimik na buhay-may-asawa. Paminsan-minsan ginagambala tayo ng Diyos, hindi dahil isa Siyang kill-joy kundi dahil may mas mabubuti Siyang plano para sa atin. Pagbigyan natin Siyang kumilos sa ating buhay dahil alam Niya ang Kanyang ginagawa.

12. Magtapos nang mabuti. Huwag bumitaw sa gitna ng mga bagay. Kahit gaano ka pa sugatan, sikaping abutin ang finish line. Kapag sinimulan mo ang isang bagay, piliin mong magpatuloy hanggang sa huli. Huwag kalimutan ang dahilan kumbakit pinili mong gawin ang isang bagay. At huwag kalilimutan ang mga taong tumulong sa iyo sa paglalakbay.

13. Magpatawad gaano man kasakit ang idinulot sa iyo ng ibang tao. Gayong mas madali at mas komportable ang basta na lamang lumimot at magpatuloy, may kakaibang kalayaang matatamo kung pipiliing magpatawad. Nagpapatawad tayo dahil naniniwala tayong may mas mahahalagang bagay pa kaysa sa ating emosyon.

Sunday, December 29, 2013

Profile Picture of the Holy Family.


Looking closely at the way Jesus, Mary, and Joseph lived, we can find striking patterns and parallel lines of self-sacrifice, of self-giving. Mary opened herself to the far greater plan of God, instead of pursuing her own dream of settling down with Joseph in marriage. She did this though she must have been scared of the uncertainty of being an unmarried mother. Joseph wanted to divorce Mary quietly after finding himself in that uncomfortable truth about her. And yet he made a difficult decision to marry her, if only to protect her and her child from whatever harm that could befall them. Jesus carried out the will of the Father to become one like us, setting aside the dignity of his divine origin, living the life of a humble human being, and finally embracing the fearful and gruesome death with the words: “Not my will but yours be done, Father”– and all these for the sake of bringing us salvation!
This is what brought the Holy Family together; and it is the profile picture of both parents and the child who are identified with one sterling quality of being a person given to the other, to others. Life for them – at least the early part – must have been anything but a continuously idyllic and tranquil family life. They had to deal with great challenges. But how do you think Mary and Joseph managed to address the physical demands of traveling to Bethlehem while Mary was pregnant? How did she give birth to Jesus in an animal stable as her makeshift delivery room? And how could they have bravely gone through the dark night of that tremendous threat to the life of their child, ending up in a foreign land, and having to relocate again afterwards to Nazareth? How did they go through all these heroically, if not for that willingness to give themselves to a higher cause, for the sake of something far greater than themselves?
At a time when many families are breaking up and breaking down, the Holy Family presents itself as our source of great hope and consolation. There is perhaps no other way to keep each family intact and moving onwards except through the virtue of sheer self-sacrifice and self-giving for each other in the family.
May the Holy Family intercede for all families that they may remain one and united in the years ahead!

Friday, December 27, 2013

Ang Diyos at ang mabagal Niyang pagkilos.

Naramdaman mo na rin ba iyon? Kung paanong mabagal ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay. At sa tuwing naiinip na ako, lumuluhod lang ako at humihingi sa Kanya ng grasya ng pagtanggap. Masakit man, alam kong may magandang plano pa ang Diyos at laging perpekto ang Kanyang pagkilos. 

Hindi mabilis ang pagdating ng mga sagot. Kahit pa lagi akong nagtatanong. At nagpupumilit sa Kanya ng sagot. Salamat dahil tinuruan Niya ako ng isang tanging bagay, ang maghintay. 

Higit sa lahat, ang magtiwala sa mabagal na pagkilos ng Diyos. 

Natural ang pagkamainipin natin sa lahat upang makamit ang isang bagay nang walang pagkaantala. Iniiwasan na natin ang mga kasunod na hakbangin. Doon na agad tayo sa dulo. Doon sa may katiyakan. Mainipin tayo sa isang bagay na hindi tayo sigurado, sa bagay na bago sa atin. 

Hindi ba’t sa bawat progreso ay dumadaan muna sa kawalang-katiyakan o instability na madalas inaabot ng mahaba-habang panahon? 

Kaya nga nasa atin: ang ating mga ideya ay unti-unting magma-mature---hayaang magbunga, hayaang mahubog, sa tamang panahon. Huwag madaliin na makuha ngayon ang dapat ay makukuha sa kinabukasan. 

Tanging Diyos lamang ang makapagsasabi kung ano iyong bagong espiritung nabubuo sa ating sarili. Bigyan natin ang Diyos ng pagkakataong magabayan tayo ng Kanyang kamay sa nais Niyang marating natin at tanggapin ang nararamdamang anxiety, suspense at incompleteness sa mga bagay na hindi tayo tiyak. 


Saturday, December 14, 2013

Panunuluyan 2013.



***

"Magalak tayo't magdiwang! Kaligtasa'y natagpuan. Halina't ating puntahan ang Kristong Panginoon sa sabsaban!"

Mga kapatid kay Kristo, inaanyayahan po namin kayo sa tradisyonal na pagganap ng Parish Youth Ministry sa Panunuluyan bilang pag-alala sa pagdating ng ating Mesiyas na si Kristo Hesus. Magkita-kita po tayo sa Dambana ng Ina ng Walang Mag-ampon sa ganap na ika-9 ng gabi, bago ang Christmas Eve Mass. 


Thursday, December 12, 2013

The drama on the first Christmas.


The first Christmas was happy. It was glorious indeed. But it was so emotionally intense to grasp at. It was hard for Mary to comprehend the annunciation of the Angel that she was about to conceive a child not from a man but through the power of the Holy Spirit. Who will accept a reason like that? In Filipino, harsh term could be “disgrasyada.” For Joseph, it was hurtful to accept Mary in that difficult situation. Feelings of Joseph and Mary were so much complicated during the first Christmas. It might not be told in the nativity story, but one could feel what Joseph or Mary felt then. Can you accept that kind of feeling? That heaviness of heart? That uncertainty which lies on them ahead? That drama on the first Christmas? 

Many things are hard but right. Many things are hurtful but necessary. Many things are bitter but essential. This could be the essence of Christmas. A God who chose hardship, hurt, and bitterness because He knew these are right, necessary, and essential. 


Friday, December 6, 2013

Lord's healing love.

In the Gospel today, we find Jesus healing two blind men. Two images from this story:
The first is the image of the two blind men: Fumbling, unsure, desperate, in a hurry to catch up with Jesus. At the same time, they are determined and hopeful that Jesus would stop for them. How did they know that Jesus was near? They must have felt that Jesus was walking in front of them and so they desperately tried to catch up with him and called out loud for help. One senses that beneath their seemingly helpless lot was their hope and trust in Jesus to heal.
The second image is that of our Lord taking time to stop and listen to them. He knew what was in their hearts and asked them if they believed he could do what they asked from him. Jesus looked at them with love, and moved with compassion, he healed them. They believed, and he made them whole.
Many times in our own lives, we find ourselves in situations similar to that of the two blind men: Darkness, despair and uncertainty. But, like the two blind men, we are invited to trust and hope in Jesus, to call out to him unceasingly because he wants to take us out of our darkness and comfort us in our difficulties and pain. He looks to us with love and compassion and wants to make us whole.
My Lord, grant me the grace to trust and hope in you whatever the circumstances of my life. Keep me close to your heart and grant me the grace to be faithful to you. Make me whole, Lord, and grant me the courage to proclaim your healing love.

Saturday, November 30, 2013

Fishers of men

Why did Jesus choose fishermen as his apostles? It certainly was not for their educational background or their training in scripture. Learned men would be found in the synagogues, not by the seashore. The apostles were chosen not because they were pious men at the start, but good men deep down. And Jesus saw their potential.
For the next three years, they would observe Jesus teach, preach, and heal. They would then see him crucified but rise from the dead and ascend into glory. After receiving the power of the Holy Spirit on Pentecost, these fishermen would embark upon their own mission to catch people for Christ. They too would heal, preach, and share with others their hope of eternal glory.
Jesus also sees our potential. And he sends his Spirit to us, too. We now are called by Jesus to live for him, not just earn a livelihood. We are invited to leave behind our old securities and launch out with Jesus onto the larger sea of life. In other words, we are called to be witnesses for Jesus and fishers of men and women for him. And we fulfill our ministry whenever we reach out in love to heal others by words of comfort in their times of sorrow or gestures of encouragement in their moments of crisis.
We witness to Jesus whenever we proclaim the indestructibility of hope by bouncing back from our own losses or by starting anew after a tragedy. We draw others closer to the Lord whenever we pray together as a family or forgive one another’s offenses. To be fishers of men and women is more than a figure of speech. It is a mission from Christ, through Christ, and in Christ.

Tuesday, November 26, 2013

Discernment.

Ang discernment* ay isang habambuhay na paglalakbay, kaya ang pagpili kong huwag munang pumasok sa ngayon ay hindi nangangahulugang isinasarado ko na ang pintuan para sa posibilidad na iyon.

Totoo at naniniwala akong may mas malaking mundo sa loob. Oo, isang maliit na espasyo ng mundo ang seminaryo, subalit masasabi kong sa pamamagitan ng klase ng buhay ng mga taong naroon, bawat isa sa loob ay alam ang kahulugan ng responsibilidad  isang malaking salita, para sa mga matatanda. Ang kamay ng mga seminarista ay kailanman hindi natitigil sa pagkilos. Lagi at lagi silang abala sa kahit na ano at sa lahat ng ano mang gawain, basta lagi silang malinis at malayo sa kasalanan.

Ang buhay sa loob ng seminaryo ay payapa ngunit puno ng adventure. Pero kung papasok ako ngayon, palagay ko hindi ko makakayanan ang maka-survive. May mga bagay pa rito sa labas na hindi ko pa maiwan-iwan. Kung papasok ako ng seminaryo ngayon, para akong isdang inalis mula sa tubig. Sa ngayon, isa lang ang sigurado ako tungkol sa pagpasok ko sa loob, babalik ako kapag nagkaroon na ako ng baga.

Tanglawan Mo ang daan, Panginoon. Maghari Ka nawa sa aking buhay, at patnubayan ako. Pahintulutan Mo akong malaman ang tunay na plano Mo para sa akin.


*hango sa usapan namin ng isang Paring Salesiano matapos akong mangumpisal

Sunday, November 24, 2013

Lord, remember me when you come into your kingdom.

We have for our Gospel today the story of the crucifixion. It is rather strange that the scene of the crucifixion is one of the best ways to understand Jesus’ kingship.

When Jesus stands shackled and beaten before the people, clad in a purple mantle, crowned with thorns, and holding a mock scepter of reed, Pilate says, “Here is your king.” Without being aware of it, Pilate speaks the truth. Jesus confirms this truth, “Yes, I am a king. For this I was born and for this I came into the world.” Again without knowing it, all those who mock him give the right answer when they say, “He saved others.” But when they add, “He cannot save himself,” they are utterly mistaken. Jesus does not have to save himself. In royal freedom, he has declared his solidarity with all people who suffer, with all who are humiliated and beaten, with all who are marginalized. It is to save these people that he came. This is how he shows himself as the Son of God.

We know how Jesus’ life ends. It would seem as if Jesus has taken a gamble and lost. The world rejects him. Of course, we know differently. We know that only some reject him and that even their rejection is turned to the advantage of the whole of humanity. If this great feast of Christ the King is a recapitulation of our fundamental beliefs about Jesus, we have, in the touching encounter between the man we call the good thief and Jesus, a beautiful expression of what we should really want to say to him, “Jesus, remember me when you come into your kingdom.”

If we were to make no other prayer to Jesus, we could not do better than to make these words of the good thief our very own, “Lord, remember me when you come into your kingdom.” And in a message of hope, Jesus responds to the good thief, “Today, you will be with me in paradise.” In uttering these words, Jesus confirms his kingship. The kingship of Jesus consists in forgiving sin and in granting eternal life.

Jesus testifies that his kingship is not of this world. But it can begin in this world, and it is capable of changing society to its very foundations. This kingdom begins wherever people begin to live according to the style of life of Jesus. As today’s Preface says, it is a kingdom of truth and life, a kingdom of holiness and grace, a kingdom of justice, love and peace. All these we greatly need today.

It is no mistake that the Church chooses the words “Today you will be with me in paradise” to be the very last words of the Gospel on the very last Sunday of the liturgical year. These words which are the fulfillment of all we could ever want, all we could ever hope for, ring in our ears. May we also cry out with the very same words of the people who welcomed Jesus into Jerusalem, “Hosanna in the highest, blessed is he who comes in the name of the Lord. Hosanna in the highest!”

Thursday, November 14, 2013

Mas malakas si Maria kay Yolanda!

Ito ang unang pagbabalak kong mag-blog matapos ang bagyong Yolanda na dumaan sa Pilipinas noong nakaraang Biyernes. Habang pinapanood ang mga balita sa telebisyon at nakikita ang mga litrato at video sa internet at Facebook, nahirapan talaga akong sumulat ng blog dala ng kabigatan sa pakiramdam para sa mga kababayan ko. Paano makakaligtas sa ganoong delubyo? Paano makakayanan ng isang naulila ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay at makitang grabe ang pagkasira ng mga naipundar na ari-arian? Hindi ka talaga makakapaniwalang anim na beses nag-landfall si Yolanda. At mayroon pang mga lugar na hindi naaabot ng gobyerno dahil nasira ang komunikasyon at hindi madaanan ang mga kalsada. Ilan sa mga malalayong lugar sa Leyte ay halos mabura na sa mapa. Hindi ka talaga makakapaniwala kung gaano kadesperado ang mga tao, "ninanakawan" na ang ilan sa mga tindahan upang may makain at matawid ang gutom bawat araw. Sinisiguro ng gobyerno sa mga tao na may sapat na pagkain para sa mga apektado ngunit ang problema ay napakabagal ng pagdating ng mga tulong. Humigit-kumulang tatlong araw pa matapos ang pananalasa ng bagyo saka nadaanan ang mga kalsada. Ang tanging natira sa Tacloban Airport ay yung runway na nagsisilbing daungan ng mga C130 planes na nagdadala ng mga pagkain o relief goods para sa mga biktima.
Isang bagay siguro na mabuting malaman natin ay kahit saanman ngayon, nag-uumapaw ang tulong at hangaring makatulong ng bawat isa, dito sa loob maging sa labas ng bansa. Kahit na anong tulong ay mahalaga. Ito yung dahilan kung bakit nasasabi ng lahat na tayo ay makakabangon muli matapos ang pagdaan ng mga kalamidad sa ating buhay.
Malulungkot na alaala ang hatid ng bagyong Yolanda sa akin. Lalo pa't apat na taon pa lamang ang nakalipas nang isa ring mapaminsalang bagyo ang dumaan mismo sa Kamaynilaan, ang bagyong Ondoy. Ang bahay namin ay halos limang dipa ang pagkakalubog sa tubig-baha at marami, kung hindi man lahat, ng aming mga gamit ay nasira. Mabuti pa rin sa amin na may bahay kaming nabalikan kahit kailangang ayusin muli. Nasagi na ba sa imahinasyon mo yung ganong klaseng pakiramdam at tanging magagawa mo lang ay umiyak sa gitna ng ganitong pagkasira? Yung tanging magagawa mo lamang ay magdasal at kumapit sa mga kamag-anak dahil hindi ka sigurado kung bukas o sa isang araw ay magkikita pa kayo?
Mayroon kaming isinasagawang pangangalap ng tulong para sa mga biktima ng bagyo. Kaisa ng Parish Youth Ministry, nagpapasalamat ako sa lahat ng may mabubuting kalooban na handang magbigay at tumulong para sa mga kapatid nating nangangailangan. Sa bawat araw, idinadalangin ko sa Ina ng mga Walang Mag-ampon na sana'y gamitin niya ang bawat isang deboto bilang instrumento ng pag-ibig ng Diyos. Patuloy ang buhay kasama ang Diyos, sapagkat Siya ay Emmanuel, sumasaatin palagi. 
At noon ngang Sabado, kaming mga kabataan ng OLA ay nagtungo sa Simbahan ng San Mateo upang makiisa sa Episcopal Coronation ng Our Lady of Aranzazu sa pangunguna ni Antipolo Auxillary Bishop Francis de Leon. Paulit-ulit hanggang ngayon sa isip ko yung naisigaw ng kanilang Kura Paroko sa pagtatapos ng Misa. Sabi ni Fr. Larry Paz, "Mas malakas si Maria kay Yolanda!" Tunay nga, wala tayong sukat ikapangamba kapag si Maria ang sinisinta. Sapagkat sa pamamagitan ng Mahal nating Ina, makalalapit tayo kay Kristo Hesus.





Narito ang isang panalangin na maaari nating dasalin sa panahong gaya nito.

Compassionate Lord, we pray for those who have been devastated by the typhoon in our country.

We remember those who have lost their lives so suddenly. We hold in our hearts the families changed forever by grief and loss. Bring them consolation and comfort. Surround them with our prayers for strength.

Bless those who have survived and heal their memories of trauma and devastation. May they find courage to face the long road of rebuilding ahead.

We ask your blessing on all those who have lost their homes, their livelihoods, their security and their hope.

Bless the work of relief agencies, social action ministries of all dioceses and parishes, and all those providing emergency assistance. May their work be guided by the grace and strength that comes from you alone.

Help us to respond generously, Lord, in prayer, in assistance, in aid to the best of our abilities. Keep our hearts focused on the needs of those affected, even after the crisis is over.

We pray in Jesus' name. Amen.


Our Lady of the Abandoned, pray for us.
Our Lady of Aranzazu, pray for us.
Saint Pedro Calungsod, Patron of the Visayas, pray for us.


*Larawan kuha mula sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu Facebook page.

Sunday, November 3, 2013

Ang Kuwento ng Danggit.

Pagmumuni-muni ko ukol sa Daang Pinili kong Tahakin.


Paglapag ko ng eroplano sa Mactan, dali-dali kong sinabi sa social media na ako'y naroon na sa Cebu upang dumalo sa National Thanksgiving Mass alay sa bagong Pilipinong Santo, si San Pedro Calungsod. Noong mga oras ding yaon, gising pa ang aking kaibigang si Jo Idris na nasa Marikina kaya't nagpadala ng comment na pasalubungan ko raw siya kahit na danggit. May ilan pang nagsabi ng pasalubong kaya't inobliga ko ang sariling makabili ng pasalubong bago umuwi.

Sa Cebu, nalibot ko ang Basilica Minore del Señor Sto. Niño, Metropolitan Cathedral of Cebu at ang bagong simbahang alay kay San Pedro Calungsod sa may baybayin ng Cebu City. Sa dalawang araw na pagbabakasyon at pagbisita sa mga simbahan, naidulog ko sa Imahen ng Sto. Niño at kay San Pedro Calungsod ang hangarin kong makapaglingkod sa bayan ng Diyos. Hindi ko pa alam noon kung paano. Basta humingi ako sa kanila ng tulong upang matahak ko yung tamang landas. Hindi ako nagkamali ng pinagdasalan. Sapagkat pagbalik ko ng Marikina, may naihanda na palang daan ang Diyos na hinihintay Niyang piliin ko't tahakin.

Bitbit ang supot ng danggit at dried mangoes, tinungo ko ang bahay nina Jo Idris. Sa pagkakaalala ko, kinailangan kong bumaba sa plaza ng Kapitan Moy dahil kakatagpuin ko rin ang kaibigang si Abi. Mula roon saka kami tutungo sa San Roque. Di pa kalayuan ang nalalakad, nakatanggap ng text si Abi mula kay Jo Idris na nagsasabing wala sila sa bahay. Naroon sila sa Simbahan ng OLA, dun lamang sa tapat ng Kapitan Moy. Kaya pumihit kami ng paglalakad pabalik sa simbahan. Doon namin nakasalubong ang kaibigan din naming si Jerome, pauwi na yata ng bahay. Niyaya namin siya ni Abi na sumama rin sa amin, kapalit ng paghahati-hatian nila ang pasalubong kong danggit. Pagpasok sa simbahan, naroon nga si Jo Idris, ang kapatid niyang si Matthew at mga kasamahan nila sa Obreros de la Nuestra Señora de los Desamparados, isang organisasyon ng mga kabataang lalaki na nangangalaga at nagpapalaganap ng debosyon kay OLA, ang Birhen ng Marikina. Iaabot lang sana namin ang supot ng pasalubong nang sabay yayain kami ni Jo Idris na sumama sa kanila sa pagrorosaryo. Araw iyon ng Lunes, magsisiyam na ng gabi. 

Wala kami noong dalang rosaryo kaya't pinahiram nila kami. Sumabay kami sa pagsagot, halinhinan sila sa pagbasa ng dasal o dalit sa Ina ng mga Walang Mag-ampon. Pagkatapos ng pagdarasal ng rosaryo, nagsiuwian na rin kami. Niyaya nila kami ulit na sumama sa pagrorosaryo sa susunod na Lunes. 

Sumunod na Lunes, kagagaling ko naman sa Baguio, nagdala ulit ako ng pasalubong na peanut brittle at strawberry jam kina Jo Idris, Jerome at Abi. Ganun ulit ang nangyari. Sa simbahan ko sila natagpuan, sumama kami sa pagrorosaryo. Noon din iba na ang pagyaya ni Jo Idris. Hindi lang sa susunod na Lunes kundi sa lahat na ng susunod na Lunes. Noon kami nagdesisyon na sasama na nga kami sa bawat Lunes. Ito yung ikinuwento ko rin sa pinakaunang blog post ko rito. 

Bakit kuwento ng danggit? Galing ako noon sa panahong nakaranas ako ng spiritual dryness. Noong bago magtapos sa kolehiyo, umalis ako't hindi na nakapagparamdam sa Cathechetical Ministry ng aming kapilya. Hindi na ako nakapagserve sa kapilya at nagsisimba na lamang ako. Hanggang sa puntong pati pagsisimba ay kinatamaran ko na. Nabighani ako sa ibang mga bagay. Nalimutan ko nang magsimba tuwing Linggo. Ito yung mga panahong natuyo ang aking pagmamahal at pagsisilbi sa Diyos. Parang danggit.

Nakakaloko ang Diyos, naisip ko. Dahil sa danggit, na inihahambing ko sa aking karanasan, napabalik muli ako sa Kanya. Nahikayat ko pa ang ilan pa sa mga kaibigan. Doon nagsimula ang panibago Niyang pagtawag. Mas malakas. Mas nakakapukaw sa aking isip. Doon ako napabalikwas. Ito yung punto ng panibagong conversion. At malaya ko muling pinili ang inihanda Niyang daan.

Pero minsan akala ko tama na yung daan na inilatag Niya. Akala ko iyon na ang daan na ipinapanalangin ko sa Kanya. Hindi pa pala. Akala namin ni Jerome makakasali na kami sa Obreros. Gusto namin makasali dahil maganda ang kanilang ginagawang paglilingkod. Bukod sa naroon ang aming kaibigan. Hindi pa pala iyon ang nais ng Diyos. Hindi Niya ibinigay, e. Kasi may iba pa palang daan na gusto Niyang tahakin namin. Nung mga panahong wala pa kaming organisasyong masapian sa simbahan, hindi kami nawalan ng ganang magdasal at maglakbay sa piling ng Diyos. Hanggang sa dumating nga itong bagong organisasyon. Hindi nga iyon bago e. Hindi lang basta organisasyon. Isang ministeryong hawig sa ministeryong sinimulan ni Hesus noon. Ministeryong para sa mga kabataan. 

May daan akong tinatahak ngayon dahil minsan sa nakaraan ay nagdesisyon akong piliing tahakin ito. Dahil ito ang sa tingin ko ay daang inilatag ng Diyos para sa akin. Kung tatanungin ako ngayon kung masaya ba ako sa daang tinatahak ko ngayon, ang isasagot ko ay oo. Sapagkat importanteng masaya ka sa daang tinatahak mo. Dahil kung masaya ka, lahat ng bagay na gugustuhin mo ay makakamit mo. Siyempre ibibigay iyon ng Diyos dahil alam Niyang nararapat iyon para sa iyo. At kung tatanungin ako ngayon kung gusto ko bang manatili sa daang yaon o nais ko nang lumihis o mag-iba ng daan, ang isasagot ko ay hindi. Dahil kung masaya ka na sa daang yaon, hindi mo na pipiliing mag-iba pa ng daan. Sapagkat mabulag man tayo minsan sa paglalakad gaya ng dalawang alagad na naglalakad sa Emmaus, naroon pa rin si Kristo - kapiling natin kahit anong oras at kahit saang lugar. Ito na yung daang pinipili ko, kasama ng mga kaibigan ko at mga bagong kakilala. Dahil nagtitiwala ako sa Diyos na sasamahan Niya ako, kaming lahat, sa daang hindi man kami sigurado sa madaratnan ay sigurado naman na Diyos ang aming kasama at patutunguhan.

Marami kaming makakasalubong, makakasama at makakasalamuhang kabataang nakakaranas ng mala-danggit na pananampalataya. Sila ang panata ko - na sa tulong ng Ina ng mga Walang Mag-ampon at sa pananalangin ng mga kabataang Santo gaya ni San Pedro Calungsod - maipapakita ko rin sa kanila ang hiwaga at dakilang misteryo ng pagmamahal ni Kristo. 


P.S. Hindi ko alam kung ano pa ang nais ng Diyos para sa akin. Ano man iyon, dalangin kong iyon ang matupad. Hindi ko naman po tinatalikuran ang tawag Niya para sa hamon ng bokasyon. Sa ilang gabi ko ng pagninilay, tinatanggap ko muna ang pagtawag Niya sa akin sa Parish Youth Ministry. Ilang taon po muna akong maglalaan ng oras at buhay ko sa Ministry na ito. Saka ko sasagutin ang iba pa Niyang tawag. Umaasa akong maiintindihan Niya ako. 

The "new evangelization" is necessary: young people need to encounter God in a personal way, experience a conversion of mind and heart rooted in the ways and teachings of Jesus, and express this choice freely, personally, and consciously. Thus, the most urgent task of youth ministry today is to enable our young people to come to a personal, conscious, and free decision of faith and conversion.


(Mas mahaba kong journal entry ito matapos ang tatlong araw na planning, orientation at team building activities ng aming Parish Youth Ministry na ginanap sa Pililla, Rizal. Maraming salamat sa aking mga kasamahan lalo na si Chairman Paolo, kina Padre Nante at Padre Rommel, at siyempre kay Tita Baby!)

Saturday, November 2, 2013

Why pray for the dead?

Today’s Feast of All Souls gives us answers to questions we have inside of us. Why pray for the dead? Why offer Mass intentions for them? Why visit graveyards? These make sense only if we believe the foundational truth of Christianity: “Just as Christ was raised from the dead by the glory of the Father, we too, might live in newness of life.” As Jesus is raised into newness of life, there is hope for us to enter into fullness of life.
John’s Gospel echoes that truth: “It is the will of my Father that everyone who sees the son and believes in him may have eternal life.” Primarily, that raising up is God’s action in our lives. It is the raising up of our hopes and dreams and sadness and tears. It is that end time summation of all we are and hope to be. The will of the Father is to have us with Him. But there is a second raising up that we celebrate today. It is the raising up of our prayers for the deceased.
Because we love them, because they have been so much a part of our lives, we raise them up in prayer to God, hopeful that just as our love made a difference in their living, just as our care raised them up to “all that they could be” on this earth, so our love will raise them up to union with God. It becomes not just Jesus’ desire that he should lose nothing of what God gave him, but our desire that God should lose nothing of what we surrender back to him. So we visit cemeteries, we offer Masses, we pray the rosary. We “raise up to God” the gift of our family members, friends, and neighbors.
So today and during this month that is dedicated to remembering and praying for the dead, spend some time in prayer lifting up those who have gone before you. Spend time being lifted up by their lives and love. Let their continuing care for you lift you up to all that you can be.

Friday, November 1, 2013

Blessed are the poor in spirit.

Anything worth having is worth making sacrifices for. And the more that thing is worth, the greater the sacrifices we are willing to make for it. Buying one’s dream luxury car entails waiting, working very hard, saving, and scrimping on other expenses just to be able to buy one’s ideal ride. If people are willing to make such great sacrifices to gain things that they cannot keep after death, shouldn’t they be more willing to make even greater sacrifices for something eternal? But many people do not even think of eternal happiness because they are already enjoying their worldly happiness too much – their vast wealth and the perks that go with it. They are not interested or motivated to go to heaven.
“Blessed are the poor in spirit for theirs is the kingdom of Heaven.” Most of us have to admit that we are not doing much to live according to the Beatitudes. We really don’t think much about the excellence of the gift – eternal happiness – that Jesus offers us.
Let us pray today for the grace to desire eternal life more ardently and be willing to do anything, whatever it takes, to get there.

Wednesday, October 30, 2013

The Christian.

The Christian is a person who has received a personal call from God to be his adopted son or daughter. The Christian experiences failures and has weaknesses, but the Christian leans on God. The Christian walks on a path of salvation with Jesus as guide and Mother Church as support. The Christian puts career, riches, and ambition in their place, and God is always put at the center.
Every day God invites the Christian to enter by the narrow door, to take the path less taken, the path of discipleship. The Christian remains faithful to God in times of trial and temptation, and with God’s help, comes out triumphant through all these. The Christian enters into daily battle with the devil, meaning the evil that pervades in society and in other people, and vanquishes evil using the weapons of light – goodness, kindness, compassion, fortitude, soberness, chastity, right living, and courage.
Even before life comes to an end, the Christian is already enjoying eternal life.

Tuesday, October 22, 2013

How can I be ready?

Be ready! How can I be ready? I am a person that is never ready. I am late for school, late for work, and the best I have done in the area of promptness is to just be on time, never too early. I am not good at planning ahead. I am laid-back, happy-go-lucky, a sleepy head, a “que-sera-sera type.” How can I be ready?
Will I be ready for Jesus Christ? If I take Jesus Christ to be my bridegroom, waiting for his return, then, my desire to be ready increases. His coming will be a joyous occasion — one that I do not have to drag my feet to prepare for. It will be so special to find a person truly loving me for what I am. Keeping this in mind, I think it can be easier to be ready. I desire to be a faithful servant waiting for the master to return.
What about you? Are you ready? How can you be ready? How can you be more excited for Jesus?

Saturday, October 19, 2013

As the Year of Faith ends.

Seemingly endless series of aftershocks still comes even days after the sudden earthquake. These give me occasions to think more deeply on this disaster. I know God has his mysterious ways that are always full of wisdom, goodness and mercy. Most of them are beyond our perception and understanding. But how can I transmit this message?

Many of the good things that come our way are usually taken for granted. We seldom take the bother to thank him for the air we breathe, the food that we eat, the water that we drink, the many dangers that were kept from us, many of them unknown to us, etc.

It's when disasters, like the recent earthquake, happen when we sometimes ask God why do they have to happen? Can't you, God, not have prevented them?

Though we still like to stick to our faith, we seem unable to resist from questioning, if not from complaining. I suppose that's part of our human condition. God understands all this umavoidable predicament of ours.

But we should learn the lessons of Job whenever disasters erupt. Heavily tested, suffering all kinds of misfortune, he persisted in his faith and love for God. "Naked I came from my mother's womb, and naked I will depart. The Lord gave and the Lord has taken away; may the name of the Lord be praised."

As the Year of Faith ends, let's always react with faith in all events of our life, whether good or bad.

Friday, October 18, 2013

Bakit ka nagdarasal ng rosaryo?


Kung ako ang tatanungin mo, ito marahil ang aking isasagot. 

1. Ang rosaryo ay isang debosyon sa buhay-katoliko. Ipinapaalala sa akin ng rosaryo ang kasaysayan ng aking pananampalataya. Gaya ito ng nangyaring conversion sa buhay ni San Pablo. Sa totoo lang, hindi masyadong relihiyoso ang pamilya ko. Hindi deboto ang aking mga magulang. Habang lumalaki kaming magkakapatid, dumadalang ang pagsama nila sa pagsisimba. Hinahayaan na lang nila kaming magsimba ng kanya-kanya. Ang mga kapatid ko ay dating miyembro ng Legion of Mary sa kapilya, dating miyembro ng Children’s choir at Marian/Mayflower Committee. Pero hindi kami pinalaking nagpupunta sa mga mahahabang nobena. Kung may isang maaalala ako tungkol sa pag-ibig ng aking pamilya sa Diyos, iyon ay ang tuwinang pagdarasal ng rosaryo ng aking yumaong tita. Tuwing dapithapon, bago maghapunan, sumasama kami sa pagdarasal. Nagpapatuloy ito hanggang ngayon. 


2. Ang rosaryo ay hango sa Banal na Kasulatan. Ang rosaryo ay isang mahalagang gamit namin noong nasa elementarya at hayskul ako. Naaalala ko yung mga living rosaries na isinasagawa noon tuwing Oktubre. Malaking bahagi ng binibigkas sa rosaryo ay mekanikal: paulit-ulit na Aba Ginoong Maria at Ama Namin, at ang pagkakabisado sa tatlong Misteryo (wala pang Liwanag; tanging Tuwa, Hapis at Luwalhati pa lamang ang misteryo noon). Kung meron mang bagay na natutunan ako sa mga pag-uulit-ulit na ito, iyon ay ang makabisado ko ilang bahagi ng Bibliya. Ang Aba Ginoong Maria ay hinango sa Lukas 1:28 mula sa pagbati ng Anghel Gabriel at sa Lukas 1:42 mula sa salita ni Elisabet, ang pinsan ni Maria. Ang Ama Namin ay galling naman sa Lukas 11 at Mateo 6. Gayundin, ang panalanging Luwalhati ay dasal sa Santisima Trinidad. At higit sa lahat, nakabisado ko ang buhay ni Kristo. Kapag nakabisado mo ang mga misteryo ng Santo Rosario, makakabisado mo ang buhay ni Kristo. Hindi ito nalalayo sa kasaysayan. Noong panahon ng Middle Ages, ang edukasyon ay tanging pribilehiyo ng mga monghe. Malaking bahagi ng populasyon ay walang natatamasang edukasyon. Upang maintindihan nila ang mensahe ng salita ng Diyos, itinuro sa kanila ng mga monghe ang Aba Ginoong Maria, Orasyon (Angelus) at Pater Noster (Ama Namin). Ang rosaryo ay ginamit noon sa edukasyong pangkateketikal.


3. Ang rosaryo ay isang meditasyon sa buhay ni Hesus. Tinuruan ako ng rosaryo na pahalagahan ang buhay ni Hesus. Mas madalas kong dinarasal ang rosaryo  tuwing nagbibiyahe. Inaamin ko, magandang paraan iyon upang hindi mainip sa kawalan ng Gawain sa pagbibiyahe. Madalas, nakakatulog ako. Pero ang gusto ko sa pagdarasal ng rosaryo ay ang maraming paraan kung paano ito dasalin. Pwede mong dasalin ang buong misteryo, o maaari mong dasalin lamang ang unang misteryo at magkaroon ng meditasyon sa particular na aspeto ng buhay ni Kristo, o dasalin lang ito upang sa pagtulog ay Diyos ang iyong huling gunita. Mabuting matulog sa yakap ng Diyos. 

Kung ihahambing ko ang buhay ko ngayon kay Kristo, kailangan ko ang paulit-ulit na meditasyon sa buhay Niya. Isang bagay na dapat klaro sa ating lahat: hindi natin sinasamba si Maria---tanging ang Diyos na Santatlo ang ating sinasamba. Ngunit binibigyan natin ng pinakamataas na pagpapahalaga si Maria.  Sa maraming imahen ni Maria, bawat galaw o hilig ng katawan (gesture) ay may kahulugan. Halimbawa ang sa Ina ng mga Walang Mag-ampon. Isa sa gestures niya ang pagtingin sa batang Hesus. Ipinapakita niyang sa paglalim ng ating debosyon kay Maria, naihahatid niya tayo sa kanyang anak na si Hesus. Hindi aksidente lang na tinatawag din natin ang rosaryo bilang debosyon. Ang pagdedebosyon ay nagpapalalim sa ating pagmamahal, pagtitiwala at pananabik sa isang tao, gawain o bagay. Sa ganang akin, ang pagdedebosyon kay Maria ang magpapalakas ng ating pagmamahal sa kanyang Anak na ating Diyos.


4.
Nag-uulit tayo upang maalala; umaalala tayo upang mag-ulit. Kapag tinanong kumbakit paulit-ulit ang rosaryo, hango kasi ito sa totoong buhay. May namamayaning kultura ngayon na gustong-gusto ng pagbabago. Ang kahit na anong nag-uulit ay boring. Ngunit mag-isip muli. Maraming bagong bagay ang nagmula sa pag-uulit. Ang isang siyentipikong imbensyon ay bunga ng paulit-ulit at madalas ay palpak na eksperimento. May mga bago at dagdag na ideya dahil sa paulit-ulit na pag-aaral ng mga batis. Nahahasa ang ating talento at kakayahan dahil sa paulit-ulit na ehersisyo at disiplina sa sarili. Lumalalim ang pag-ibig dahil sa paulit-ulit na pagbigkas sa salitang "I love you," at maraming paraan upang ipakita ito: araw-araw na paghahanda ng nanay sa hapag-kainan, araw-araw na pagpapadala ng text messages, regular na dates at selebrasyon. Lahat ito'y paulit-ulit. walang magaganap na pagbabago hangga't hindi paulit-ulit itong gagawin. Kung nais mong mahalin si Hesus, paulit-ulit mong ulit-ulitin ang Kanyang buhay. Hindi ka lang nagkakaroon ng habit, ikaw mismo ang magiging habit. Dasalin mo ang buhay ni Hesus, at magiging tulad mo siya. 

Iyan ang rosaryo para sa akin. Ito ang mga dahilan kumbakit dinarasal ko pa rin ito hanggang-ngayon.


Post Scriptum
At ngayong buwan ng Oktubre, mapalad akong maging kabahagi ng huling proyekto ng Parish Youth Ministry, ang Living Rosary. Nawa'y maging matagumpay ang pagdaraos namin nito bukas sa Patio ng OLA Parish Church dito sa Marikina. 




On the Occasion of the Month of the Holy Rosary and the Year of Faith. 


The Our Lady of the Abandoned Marikina Parish Youth Ministry invites all of you to be with us in the recitation of the Joyful Mystery.

October 19,2013
7:00PM; OLA Patio

Friday, October 11, 2013

The human heart.

The human heart can be likened to a house. Indeed, the heart is not only a place where we keep the things we treasure; it can also be a home where we welcome and abide with those we cherish.
In today’s Gospel, Jesus reminds us to be wary about whom we allow to enter our house. There are those who come in but only to conquer and consume. They stay and wreak havoc, armed with our own consent. When they depart, they leave us empty and helpless. Yet, there are also those who come and fill our house with their light. When they depart, they leave us feeling a little brighter and fuller. Jesus is the perfect guest who comes into our hearts to free us from darkness. If we ask him to stay, he will fill our hearts with lasting peace, joy, and love.
Lord Jesus, abide in us!

Tuesday, October 8, 2013

Parang may mali sa takbo ng utak ko ngayon.

Napakabuti sa akin ng Diyos. Hindi man ako karapat-dapat sa Kanyang kabutihan, pero ipinararamdam pa rin Niya sa akin ang kabutihan. Napakaraming biyaya ang ibinibigay Niya, mga biyayang hindi ako karapat-dapat tumanggap; mga kaibigan, na hindi ako karapat-dapat magkaroon; ng pamilya, na hindi ko karapat-dapat matanggap; ng buhay, na hindi ako karapat-dapat magkaroon. Gayunpaman, ibinigay itong lahat sa akin ng Diyos. May isang kaibigan na nagsabi sa akin, “Nasa iyo na ang lahat ng bagay sa buhay mo!” Pero nasa akin na nga ba talaga? Ibig ba niyang sabihin na may mga taong hindi pa nakukuha ang lahat ng bagay sa kanyang buhay? Kung ganon iyon, hindi patas ang Diyos. Nagbigay Siya sa ilan, at ipinagkait naman sa iba. 

Pero ganito makita ng tao ang mga ito. Paano ba makita iyon ng Diyos? Naniniwala akong walang makakasapat sa pangangailangan ng puso ng tao. Mas maraming bagay ang nasa tao, mas maraming bagay pa siyang gusto; mas konting bagay ang nasa tao, mas konting bagay pa siyang gusto. Ang pangangailangan ng tao ay nakababahala. Nakakapagdulot ng panganib. Para itong apoy na habang lumalaki ay mas lumalaki pa ang gustong makonsumo. 

Sino ang mas banal ngayon? Ang taong mayroon o ang taong may gusto? Yung taong puno ng pagkaganid dahil nasa kanya na ang lahat o yung taong wala nang kailangan dahil wala naman siyang pinanghahawakan? 

Parang may mali sa takbo ng utak ko ngayon. Hindi ko alam kumbakit ganito ang naiisip ko. Pero sino ba ang makakaunawa sa iniisip ng Diyos? Sino ba ako, kundi isang taong nagsusumikap mahalin at maintindihan ang Diyos…

Sunday, October 6, 2013

We need saints.



We need saints without cassocks, without veils - we need saints with jeans and tennis shoes. We need saints that go to the movies that listen to music, that hang out with their friends. We need saints that place God in first place ahead of succeeding in any career. We need saints that look for time to pray every day and who know how to be in love with purity, chastity and all good things. We need saints - saints for the 21st century with, a spirituality, appropriate to our new time. We need saints that have a commitment to helping the poor and to make the needed social change.

We need saints to live in the world, to sanctify the world and to not be afraid of living in the world by their presence in it. We need saints that drink Coca-Cola, that eat hot dogs, that surf the internet and that listen to their iPods. We need saints that love the Eucharist, that are not afraid or embarrassed to eat a pizza or drink a beer with their friends. We need saints who love the movies, dance, sports, theater. We need saints that are open, sociable, normal, happy companions. We need saints who are in this world and who know how to enjoy the best in this world without being callous or mundane. 


We need saints.


Saturday, October 5, 2013

Make me a channel of your peace.

Make me a channel of your peace. 
Where there is hatred let me bring your love.
Where there is injury, your pardon, Lord
And where there's doubt, true faith in you.

Oh, Master grant that I may never seek
So much to be consoled as to console
To be understood as to understand
To be loved as to love with all my soul.


Make me a channel of your peace
Where there's despair in life, let me bring hope
Where there is darkness, only light
And where there's sadness, ever joy.



***
Ang kontribusyon natin sa kapayapaan ay nagsisimula sa Diyos. Kaya't sa Kanya tayo humingi ng kapayapaan—kapayapaan mula sa kaloob-looban. Hilingin natin sa Diyos na alisin sa atin ang mga bagay at inklinasyong hindi naman natin kailangan, dahil ito ang mga pader na nabubuo natin sa ating mga puso. Kung may mga pader, may pangangailangan sa ating depensahan ito, at kadalasa'y sa pamamagitan ng puwersa o lakas. 

Hilingin natin sa Diyos na bigyan tayo ng mga matang makakakita ng rikit sa iba't ibang kulay at ingay na nagmumula sa mga taong nakakasalamuha natin sa bawat araw. Kung nakakasalamuha natin ang ibang tao, nagtatayo tayo ng tulay. Kung may tulay, mas malawak ang posibilidad at abot-tanaw ng pagkakaibigan. 

Nawa'y makabahagi tayo sa pagbuo ng mundong payapa lalo na para sa mga susunod pa sa ating henerasyon. Sumaatin nawa ang kapayapaang hatid ni Kristo Hesus na ating Diyos!

Tuesday, October 1, 2013

Breath of God.

Breathe on me, breath of God,
Fill me with life anew,
That I may love the things you love,
And do what you would do.

Breathe on me, breath of God,

Until my heart is pure,
Until with you I have one will,
To live and to endure.

Breathe on me, breath of God,

My soul with grace refine,
Until this earthly part of me
Glows with your fire divine.

Breathe on me, breath of God,

So I shall never die,
But live with you the perfect life
In your eternity.

Sunday, September 29, 2013

The rich man and the poor Lazarus.

There are various lessons from the parable of the rich man and the poor Lazarus. First is the reality of God’s justice. The just will be rewarded with eternal happiness, with “the kingdom prepared for them from the beginning of the world.” Those in sin will be sent into eternal hell fire: “Go, cursed people, out of my sight into the eternal fire which has been prepared for the devil and his angels.”

Second is the importance of our listening to and reflecting on God’s word to assist us in this life. God’s word is given to us in the Scriptures, in the teachings of the Church (in formal Church documents, in homilies and exhortations and, guided by the Spirit, in our own reflections on the Scriptures) “They have Moses and the prophets. Let them listen to them.”

Third is the special care the Lord has for the poor and the poor in spirit and his warnings about riches: “Fortunate are those who have the spirit of the poor, for theirs is the kingdom of heaven.” “Do not store up treasure for yourselves here on earth where moth and rust destroy, and where thieves steal. Store up treasure for yourself with God, where no moth or rust can destroy nor thief come and steal it.” “Yes, believe me: it is easier for a camel to go through the eye of a needle than for the one who is rich to enter the kingdom of heaven.”

Thursday, September 26, 2013

Ang pumili ay pag-ibig.

Pagpili. Binibigyang depinisyon ang buhay sa mga pagpili. Mayroon tayong mga pagpipilian dahil malaya tayo. May kapasidad tayong pumili dahil mayroon tayong kalayaan, kaalaman at pag-unawa sa alin ba ang dapat. Nailalarawan tayo sa ating mga pagpili. Ang mga pinili natin ay nagpapakilala ng ating mga pagpapahalaga, ng ating mahigpit na pinanghahawakan, ng tinitingnan nating mas mahalaga, ng sa isip natin at pinagkakatiwalaang para sa ating kabutihan. 

Ngunit ang buhay ay hindi lamang pagpili sa pagitan ng mabuti at masama, tama o mali, importante o walang halaga. Mas madalas ang ating mga pagpipilian ay sa pagitan ng dalawang mabuti, dalawa-at-parehong makabubuting realidad. Ito marahil ang pinakamahirap na pagpili dahil sa huli kailangan may piliin kang isa. May isang aalis. Kailangang maging imposible ang isa upang makamit ang posibilidad ng isa. At sa totoo lang, mahirap pakawalaan ang isang bagay, lalo na kung isang tao, na naging bahagi ko na o sana’y magiging kabahagi ko pa ng aking buhay. Ito’y pagpiling kailangang maisakatuparan dahil ang bawat pangyayari sa buhay ay may dahilan o kapalit. 

Matagal na mula noong huli tayong nagkita, nagpalitan ng mga mensahe sa isa’t isa, nagkaroon ng mahaba ngunit interesanteng pagpapalitan ng ideya ukol sa buhay, pag-ibig, at sa hinaharap. Matagal na mula nang makita kita, mula nang magkasama tayo, mula nang gugulin natin ang oras ng bawat isa na tayo lang ang magkasama. Matagal na nga, at sa pagitan noon at ngayon ay marami nang pagbabagong naganap. Ipinagpatuloy mo ang iyong aspirasyon sa buhay, pinanindigan mo ang iyong pinili, nakakita ka ng taong mamahalin, nagpatuloy ka sa pagtahak ng iyong pangarap. Gayon din naman ako. Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng ating mga pagpili, ng ating mga pagpapahalagang pinanghahawakan, ng ating mga pangarap na sinubukang tahakin. Nirespeto natin ang pinili ng bawat isa. Hinangad natin walang iba kundi yaong makabubuti sa bawat isa. Kaya isa sa naging epekto ay 
yung pakawalan natin ang bawat isa - pakawalan ang posibilidad, panahong magkakasama, oportunidad na magbahagi, ang kinabukasang maaari sana nating buuin. Ganoon talaga, kasama yun sa dapat pagdaanan.

Saan ka man ngayon, ano man ang iyong ginagawa, sino man ang kasama mo, sigurado akong masaya ka. Nasa tamang landas ka ng pagtahak sa iyong pangarap, ang gawing realidad ang mga ito. Upang buuin ang kinabukasan kasama ng iyong mahal. Ako rin naman ay nagbabalak na tumahak din ng buhay na naglilingkod at nagmamahal sa Diyos. At sa magkaiba nating landas, pareho nating hangad ang ikabubuti at ikaliligaya ng bawat isa.

Lumalabo na ang mga ilaw, nasusunog na ang mga tulay, at sa paglisan natin, hindi na tayo makakabalik.

"Ang umibig ay paghahangad sa kabutihan ng kapwa." Kung tama ang pag-alala ko sa aralin dati sa pilosopiya, si Sto. Tomas de Aquino ang nagsabi nito. Lagi at lagi, hangad ko ang kaligayahan mo. Nagbabago ang panahon, may dumarating at may umaalis, nauupos ang damdamin, ngunit ang hangad ko para sa iyo ay hindi nagbabago. Hanggang sa muli nating pagkikita. 

Sunday, September 15, 2013

The Parable of the Prodigal Son

The Parable of the Prodigal Son is definitely one of the most famous stories in Sacred Scripture. In the father in this story, we get a glimpse of our God as Father. He is indeed a prodigal father – prodigal not in the sense of being wasteful (as was his younger son), but prodigal in the sense of being extravagant with his generous and unconditional love. This he showed for his sons even though they had taken him for granted, and worse, insulted him.
We see in the story how the younger son asked for his share of the inheritance even though his father was still very much alive. But the good father granted the request of his son. He could have lambasted this erring son for what he requested was like saying that he could not wait for his father to die. Yet this did not deter the father from pouring out totally and fully his love and understanding to his erring son.
The older son who was equally loved by the father also failed. He failed to see himself as a son. He only saw himself as a servant who did not get what was due him, who did not have everything that the father had. He had to be reminded: “All that I have is yours.” There are times when we do not look at ourselves as children of our parents. We do so many things in order to feel deserving of their love for us. In the same way, we do not feel deserving of God’s love for us. We do not see how blessed we are that our Father in heaven is more than willing to grant us what we can never ever deserve.
Like the sons in this parable, we, to a greater or lesser degree, experience what it is to be lost due to our weaknesses. We forget that we are loved and valued by God. But there is the desire to be found. And when we allow ourselves to be found, the natural consequence is to rejoice. We are blessed that we have a Father who has unconditional love for us and is simply happy when we, His erring children, go back to Him. Let us then be grateful for having a Father Who is always on the lookout for our eventual return to Him.