Napakabuti sa akin ng Diyos. Hindi man ako karapat-dapat sa Kanyang kabutihan, pero ipinararamdam pa rin Niya sa akin ang kabutihan. Napakaraming biyaya ang ibinibigay Niya, mga biyayang hindi ako karapat-dapat tumanggap; mga kaibigan, na hindi ako karapat-dapat magkaroon; ng pamilya, na hindi ko karapat-dapat matanggap; ng buhay, na hindi ako karapat-dapat magkaroon. Gayunpaman, ibinigay itong lahat sa akin ng Diyos. May isang kaibigan na nagsabi sa akin, “Nasa iyo na ang lahat ng bagay sa buhay mo!” Pero nasa akin na nga ba talaga? Ibig ba niyang sabihin na may mga taong hindi pa nakukuha ang lahat ng bagay sa kanyang buhay? Kung ganon iyon, hindi patas ang Diyos. Nagbigay Siya sa ilan, at ipinagkait naman sa iba.
Pero ganito makita ng tao ang mga ito. Paano ba makita iyon ng Diyos? Naniniwala akong walang makakasapat sa pangangailangan ng puso ng tao. Mas maraming bagay ang nasa tao, mas maraming bagay pa siyang gusto; mas konting bagay ang nasa tao, mas konting bagay pa siyang gusto. Ang pangangailangan ng tao ay nakababahala. Nakakapagdulot ng panganib. Para itong apoy na habang lumalaki ay mas lumalaki pa ang gustong makonsumo.
Sino ang mas banal ngayon? Ang taong mayroon o ang taong may gusto? Yung taong puno ng pagkaganid dahil nasa kanya na ang lahat o yung taong wala nang kailangan dahil wala naman siyang pinanghahawakan?
Parang may mali sa takbo ng utak ko ngayon. Hindi ko alam kumbakit ganito ang naiisip ko. Pero sino ba ang makakaunawa sa iniisip ng Diyos? Sino ba ako, kundi isang taong nagsusumikap mahalin at maintindihan ang Diyos…
Tuesday, October 8, 2013
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment