Showing posts with label church. Show all posts
Showing posts with label church. Show all posts

Monday, April 27, 2015

Pagninilay tungkol sa Mabuting Pastol




Ang isang lider na nagmamalasakit ay hindi lamang tinatawag na lider. Sa Simbahang Katolika, ang tawag sa kanya ay Pastol. Kapag sinabi mong pastol...ang pastol ay nangangalaga sa kanyang mga tupa. Ano ba'ng pagkakaiba ng tupa sa ibang hayop? Ang isang tupa ay medyo may 'katangahan'. Alam ninyo kumbakit? Sapagkat lagi silang magkakasama at nagkakatipon ng mga kasama niyang tupa. Maya-mayang kaunti, maghahanap siya ng 'greener pasture' at lalayo pa ng kaunti at merong makikita sa bandang dulo, tumitingin siya sa mga kasama, nandoon pa rin sila at malilibang siya.

At kapag siya ay nalibang, siya'y mawawala at kapag hindi niya nakita ang mga kasamahan niyang tupa, hindi siya maghahanap. Ang isang tupang nawawala ay iikot nang iikot, hindi katulad ng aso. Kapag ang aso ay nalibang at nawala, walang hanggang amuyan papunta sa kanyang tahanan. Ang tupa ay iikot nang iikot lamang.

Alam niyo ang gagawin ng pastol? Ang pastol ay iiwan ang 99 na tupa at hahanapin iyong nag-iisa. Kapag hindi iyon nahanap, ang tupang iyon ay mamamatay sa kaiikot. Nakita niyo na ba, na kapag ang isang tupa ay natagpuan ng pastol, hindi ito hinahatak. Ito'y binubuhat sa kanyang balikat sapagkat karaniwan ang tupa ay hilong-hilo na. At iyan ang isang pastol...may malasakit sa kanyang mga tupa.

Hinahanap ng tupa ang tinig ng kaniyang pastol, at silang lahat ay sumusunod sa kanya. Ang ating Santo Papa, kasama ng mga Obispo at buong kaparian, ay mga pastol. Pinakikinggan natin sapagkat sila'y nagsasalita at nangungusap. Sa pamamagitan ng kanilang katungkulan, binibigkas nila ang salita ng tunay na Pastol, si Hesukristo.

Ikaw, bilang tupa, nakikinig ka ba sa iyong Pastol?

Sunday, June 8, 2014

Dahilan kumbakit pumupunta ako ng simbahan.

Hindi ako pumupunta ng simbahan dahil pinilit ako. Hindi ako pumupunta ng simbahan dahil natatakot ako sa impyerno kapag hindi ako pumunta. Hindi ako pumupunta dahil feeling ko banal o relihiyoso ako.

Pumupunta ako ng simbahan dahil gusto kong bigyang-dangal ang Diyos na pinananaligan ko. Para sa akin, talagang naririto ang Diyos gaya ng talagang naririto't nakikita natin ang araw; sa pamamagitan Niya, nakikita natin ang lahat ng bagay. Mararamdaman ang presensya ng Diyos sa marahang ihip ng hangin, sa paboritong kanta, kahit sa biglang sumusulpot na advertisement sa YouTube (pero hindi nakakainis ang Diyos). Pumupunta ako sa simbahan upang manalangin at magpuri sa Diyos kasama ang ibang tao, dahil hindi ako nag-iisa sa paglalakbay ko sa buhay. Iba't ibang edad, lahi, mukha at mga paniniwala sa buhay ang pinagsasama't pinag-iisa ni Hesus, na siyang tunay na nagmamahal maging sino man tayo.

Higit sa lahat, pumupunta ako ng simbahan upang tanggapin ang Eukaristiya - ang Katawan at Dugo, Espiritu at Kabanalan ni Hesus. Inaalala ko ang pagmamahal ni Hesus, maging hanggang sa kanyang kamatayan. Sobrang hinahangad ko laging makatanggap ng Komunyon; hindi lang siya basta wafer kundi tunay na presensya ni Hesus sa anyo ng tinapay. Sa pagdiriwang ng Banal na Hapunan laging nasa ating piling ang Diyos.

Inaanyayahan ko kayo, maging Katoliko man o hindi, na magtungo ngayong Linggo sa inyo-inyong simbahan. Hayaan ninyong kausapin kayo ng Diyos, sa pinakakakaibang paraan. Mahalin natin ang mga paniniwala't tradisyon ng mga Kristiyano. Tayo'y mga anak ng iisang Diyos. At dahil sa pagpapadala ng Diyos sa Banal na Espiritu, tayo ngayon ay napagsasama't napag-iisa.

Maligayang Araw sa Banal na Simbahang Katolika! Ang kaisa-isa, tunay na apostolikong Simbahang itinatag mismo ni Hesus.

Saturday, August 24, 2013

Proud Katoliko kahit ang Simbahan ko'y nasa iskandalo.


Upang makaengganyo ng marami-raming miyembro sa kanilang kongregasyon, marami sa mga denominasyon ng simbahan ngayon ang ina-advertise ang kanilang sarili, ipinakikita ang pinakamagandang imahe ng kanilang kongregasyon. Pero merong Simbahan na magkasabay na nadadagdagan at nababawasan ng miyembro, na hindi madalas nagsasalita para sa kanyang sarili, at mas maraming masasamang publisidad ang nakukuha kaysa magaganda, hindi ba? Kunsabagay, siya ay Simbahan ng mga makasalanan.

Ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat ko ang pagiging Katoliko. Bilib ako sa Simbahan na nadedekorasyunan ng napakaraming kabalintuan. Hangga't hindi siya titingnan ng isang matang sumasampalataya, hindi nila siya maiintindihan. Kaya nga ang misteryo ay ipinakikita sa mga simple lamang.

Muli at muli, ang Simbahan at kanyang mga lider/miyembro ay nasasangkot na naman sa iskandalo. Naguguluhan ang mga mananampalataya kung paanong ang mga gagabay sa moralidad ng lipunan ay makagagawa ng, o makikibahagi sa, ganitong iskandalo. Nagsisimula silang magtanong, kung importante pa ba ang Simbahan ngayon gayong hindi niya maisabuhay ang kanyang mga ideolohiya? Importante pa ba ang Simbahan ngayon gayong may mga bago at mas nakapupukaw na ideolohiya ang namamayani sa lupaing sekular at paganong pananampalataya? Mahalaga pa kaya ang kanyang mga turo at utos gayong ito'y napakahirap samantalang ang mga alternatibo ay mas madadali?

Nagsisimulang mawalan ng pananampalataya ang mga tao, at sa kawalan ng pananampalataya ay nawawalan na rin sila ng pag-asa hanggang sa mahulog sila sa bitag ng kawalang-katiyakan o pagdududa, at hindi na mapahalagahan ang tama at totoo. Ang tunay at totoong Simbahan ay, siya ay Simbahan ng mga makasalanan. Simula ng maipanganak siya hanggang sa ngayon, siya ay makasalanan. Ang kaniyang mga miyembro ay nahuhulog bawat araw sa mismong mga bagay o pangyayari na ipinupukol nila sa kanilang Simbahan. May bahid siya ng kasalanan, mahina, at nakalilimot sa kung paanong ganon din ang ginagawa ng kaniyang mga miyembro. Oo, hindi perpekto ang aking Simbahan.

Kaya nga siya ang madalas pukulin ng mundong nagmamalaki ng kanyang balikong pagpapahalaga. Tinitingnan siya bilang tradisyonal at lumang relikya ng nakaraan na dapat maalis sa post-moderno at masalimuot na mundo. Iniinsulto siya bilang ganid, pangit at kalaban ng kaginhawahan. Gayon ang trato sa kanya ng mga tao dahil nakikita nila ang repleksyon ng kanilang tunay na mukha sa Simbahan. Pinapaalala kasi ng Simbahan ang kanilang kapangitan gayong kumbinsido na sila sa kanilang bagong mukha at pilit nilang kinakalimutan ang kapangitan at pagkamakasalanan.

Kahit madilim ang mga kuwentong bumabalot sa aking Simbahan, nananatili pa rin siyang maganda. Hindi lang dahil sa kanyang ginagawa, kundi dahil siya ang pinili. Hindi siya umiral dito dala ng kanyang sariling kagustuhan o ng pagkamasigasig ng labindalawa. Gaano man siya kamakasalanan, dinamitan siya ng pinakamalinis at pinakamaputing damit pangkasal upang maging kabiyak. Kahit galing siya sa putik at dumi, si Kristo mismo ang pumili sa kanya upang maging asawa.

Oo, tayo ay Simbahan ng mga makasalanan. At oo, yung tinatawag nating mga Santo at Santa ay makasalanan din at ang iba pa'y makasalanan din, mula sa pinakamakapangyarihang tao sa tuktok ng hirarkiya hanggang sa pinakamaliit at hindi kilalang miyembro. Ngunit heto ang Simbahan ng mga makasalanan na iniligtas, inililigtas, at ililigtas ng isang Dakilang Mangingibig na inibig siya hanggang sa Kanyang huling hininga. Sapagkat ang pagkamakasalanan ng Simbahan ay walang-wala kung ikukumpara sa pagmamahal na mayroon Siya para sa atin.

Sa kanyang imperpeksyon ginawa siyang perpekto. Sapagkat kung noon pa'y perpekto na siya, hindi na niya kakailanganin ang kanyang Kristo. Hindi na niya kakailanganin ang Pag-ibig subalit lubos niya itong kailangan sapagkat ang pinakamalalim na sugat ng sangkatauhan ay naghuhumiyaw para sa kanyang paggaling. Kaya kinuha ng Groom ang kanyang bride sa karumihan at nilinis. Binasbasan Niya ito sa Kanyang kagustuhan at ginawang maganda. Ang pribilehiyong ito, hindi man karapat-dapat tanggapin, ay hindi malalampasan ninuman at siyang dahilan ng inggit ng mundong ayaw nang makibahagi sa pag-iisang-dibdib na ito.

Tinatawag nila tayong makasalanan at totoo naman ito. Ngunit nakikita ba nila tayong nagsusumikap bumangon muli? Nakikita ba nila ang ating ginagawa upang maabot ang nakadipang mga kamay ni Kristo na humihiling sa ating bumalik sa ating mga paa, sa dati nating dignidad? Hindi, nakikita lang nila tayong nahuhulog at gusto nilang makita tayong mahulog sapagkat napakagandang balita iyon para sa kanila. Kaya nga nagagalak tayo sa ating kahinaan. Ngunit hindi nila malalaman na sa ating kahinaan ginagawa tayong malakas ng Diyos na Siyang ating lakas. Diyos ang pumili sa atin. We are the bride of Christ. 

Katoliko ako. Hindi ako perpekto ngunit nagsusumikap akong magiging perpekto sa pamamagitan Niya na Siyang aking lakas.

Tuesday, July 2, 2013

Altar of Secrets.

Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil regalo itong tinanggap ko sa aking mga magulang. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil dito ko nahahanap ang paraan ng pagpapabuti ng pagkatao: sa Salita ng Diyos, sa Banal na Eukaristiya, sa sakramento ng pakikipagkasundo, sa mga turo at aral ukol sa maraming isyu ng buhay. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil sa kabutihang idinudulot niya sa buong mundo sa pamamagitan ng kaniyang mga institusyon: sa edukasyon, kagalingang panlipunan at kalusugan. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil sa mga lalaki’t babaeng, lahat ng nabubuhay at maging mga yumao na, nagbigay ng kahulugan ng pagiging-tao para sa ibang tao. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil sa mga katulad ko ring pilgrims--mga kapatid ko sa pananampalataya--na naging mabubuting halimbawa at inspirasyon ko; na ang kahinaan nila ay nagpaalala sa akin ng kahinaan ng tao pero minamahal ng Diyos.

Hindi perpekto ang Simbahang Katolika. Hindi ito kailanman magiging perpekto sapagkat mga tao ang nagpapatakbo sa kanya. Subalit hindi siya katulad ng ibang institusyon sapagkat may divine intervention sa bawat pagkilos niya. Binubuo ang Simbahang Katolika ng mga tao, pamayanan ng mga mahihina, mahihirap at nagkakasalang mga tao. Ang bawat isa ay naglalakbay patungo sa hinahanap na kahulugan ng kani-kaniyang buhay.

Nasasaktan ako kapag nasasaktan ang Simbahang Katolika dahil sa mga iskandalo at kawalan ng pagkakaisa. Nakakasakit ng damdamin kapag, minsan, hindi ang criteria ng Ebanghelyo ang ginagamit nating criteria sa ating mga pagpili. Nakakasama ng loob kapag inaatake ang Simbahang Katolika, madalas ay hindi patas, ng mga puwersang nasa labas niya. Pero mas nasasaktan ako kapag napahihina ang Simbahang Katolika ng mismong kapalaluan o kayabangan ng miyembro nito.

Masakit mabasa ang mga paglalahad sa librong Altar of Secrets. Pero mahal ko ang Simbahang Katolika at hindi magigiba nito ang pananampalataya ko.

Sumasampalataya ako sa Simbahang Katolika sapagkat personal ang aking pagdanas dito ng presensya ng Diyos sa marami’t ordinaryong paraan. Iyon ang sa tingin ko ay mahalaga. Hindi lang mga pamantayan, ritwal, at programa ang mahalaga, kundi ang madanas ang presensya ng tunay na Diyos sa mga pamantayan, ritwal at programa ng Simbahang Katolika.

At ito ang isa pang dahilan kumbakit mahal ko ang Simbahang Katolika. Tinutulungan niya akong huwag gumawa at sumamba ng diyos na naaayon sa sarili kong pamantayan. Tinutulungan niya akong huwag mahulog sa patibong na sambahin ang sarili.

Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil iyon ang ibinilin ni Hesus. Itinatag Niya ito upang makasama’t maalala natin Siya kahit noon pa Siya bumalik sa Ama. Kahit dahil lang dito, sapat na ang mahalin ko ang Simbahang Katolika.


Sunday, June 30, 2013

Usapang Pamilya.

Akala ko Vespers ang gumising sa akin kaninang umaga. Kanta pala ni Rey Valera, pinatutugtog ni Papa na naunang nagising kaysa sa akin. Sapagkat Linggo at wala naman akong pasok. Nagising ako at nagdasal: "kung ano mang dahila'y hindi mahalaga, basta't sinasamba kita."

Medyo puyat ako pero na-excite akong gumising sapagkat may bibisitahin akong simbahan. Nagyaya si Jo Idris at niyaya ko rin naman si Abi na magpunta sa Our Lady of the Abandoned Church sa Sta. Ana, Manila. Maganda yung simbahan at doon na kami nagmisa. Naalala ko nung bata pa ako at mayroon laging Children's Mass sa aming kapilya. Sapagkat sa unang misa sa hapon doon, mga bata ang nanguna at nagsidalo. Nag-feeling bata na lang din kami.

Habang nasa misa, napansin kong maaaring akyatin ang likod ng retablo at mahawakan ang manto ni OLA. Hindi kami nagkamali kaya't hindi namin pinalampas ang pagkakataong makaakyat at makahalik sa manto. Nakapagrosaryo pa kaming tatlo sa likuran ng Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon.

May night out ang pamilya ni Jo Idris kaya't nagsiuwian kami bago pa gumabi. Sa OLA Marikina kami bumaba. At bago magkahiwa-hiwalay, tuwang-tuwa si Abi sapagkat unang beses niyang nakapag-bless kay Bishop Francis, ang Auxillary Bishop ng Antipolo at Kura Paroko ng OLA Parish. Biro ko pa sa kanya na huwag munang maghilamos ng noo ng isang linggo dahil sa pagbless ni Bishop. Iba talaga sa pakiramdam kapag yung gusto mo't kinasasabikan mong paring magmisa ay nahawakan ka sa noo. Nakakalundag sa tuwa---gaya ng ginawa ni Abi kanina.

At di pa roon natapos ang araw ko. Nagkayayaan pa kami ni Abi na manood ng sine. Four Sisters and a Wedding. Kaya't usapang pamilya ang pamagat ng blog post kong ito. Sapagkat tungkol sa dinamismo ng bawat miyembro ng pamilya ang buod ng kuwento ng pelikula. Nahagip ng pelikula ang bawat detalyeng sumasalamin sa mga isyung pampamilya. Hindi lang tawa ang hatid, nakakaantig at nakakaiyak ang mga linya.

Naisip ko tuloy ang aking pamilya. Yung mga pinagdaanan namin mula noong bata pa kaming magkakapatid, hanggang sa mag-aral na't makatapos at ngayo'y malalaki na nga. Naalala ko sina Mama at Papa na nakitaan ko ng katatagan ng loob at buong pagtitiwala sa Diyos na malalampasan ng aming pamilya, lalo na nila, ang mga problema. Naiyak ako sa komprontasyon sa pelikula. Hindi ko alam kung sakaling mangyari rin iyon sa aking pamilya. Naalala ko tuloy yung Gospel. Na sumunod sa Diyos agad-agad, walang lingunan at buong pagtitiwalang susunod sa daan ng krus. Ng buhay. At yung pangarap kong mapaglingkuran din ang Diyos. At paano ko ipaliliwanag ito sa aking pamilya. Paano kung may mangyari ring ganitong komprontasyon? Iyakan. Kabigatan ng pakiramdam. Hindi ko alam ang mangyayari. Gusto kong magtiwala at maghintay sa panahong inilaan ng Diyos.

Nalaman kong anniversary pala ng mga magulang ni Jo Idris. At sa buwan naman ng Hulyo ang anibersaryo ng aking mga magulang. Doon siguro dapat ako ma-excite ngayon. Kung paano ko sila i-treat. Kung paano ko maipaparamdam na minamahal ko sila.



O, mahal naming Ina ng mga walang mag-ampon, sa kupkop mo kami ay sumasalilong. Nawa'y ibulong mo sa iyong minamahal na Anak, na amin ding kapatid, na mapagtagumpayan ng aking pamilya at ng pamilya ng aking mga kaibigan at lahat ng pamilyang Pilipino ang mga usapin at isyu sa loob ng aming pami-pamilya. Kayo San Jose, Maria at Hesus ang halimbawa ng banal na pamilyang kinalugdan ng Diyos. Maging gabay nawa namin kayo sa aming bahay. Amen.

Sunday, March 3, 2013

I see God's presence in my friends.

Hindi ko akalaing makakayanan ko pa ang pagod ngayong patapos na ang weekend. Salamat sa Diyos sa lakas na ibinigay Niya sa akin ngayong napakasayang weekend. Tunay nga, marami akong dapat ipagpasalamat sa Kaniya. At hindi ko na mahintay ang Lunes para kausapin si Mama OLA sa Monday devotion.

Simple lang ang kasiyahan ng tao, pinakukumplikado lang ng mga kagustuhan at materyal na bagay. Kaya ko nasabi iyan dahil sa naranasan ko ngayong weekend. Nakakapagod, pero napakasayang karanasan. Salamat sa pamilya nina Jo at Matthew sa pag-imbita sa akin na sumama sa Visita Iglesia. (Unang beses kong nakabisita sa pitong simbahang napuntahan: San Isidro Labrador Parish, Biñan, Laguna; Sta. Rosa de Lima Parish, Sta. Rosa, Laguna; St. John the Baptist Parish, Calamba, Laguna; Our Lady of Guadalupe Parish, Pagsanjan, Laguna; Saint Paul the Hermit Cathedral, San Pablo, Laguna; Nuestra Señora del Pilar Parish, Alaminos, Laguna; at, Saint Padre Pio of Pietrelcina Shrine, Sto. Tomas, Batangas.) Marami akong natutuhan sa pakikipag-usap sa magkapatid. Sana makasama ko pa kayo sa mga pagharap sa hamon ng Diyos, at malay natin, sa hamon ng bokasyon. May saya pala sa simpleng pagpunta sa simbahan, pagdarasal at kahit sa pagsasalo-salo sa pagkain. May saya sa simpleng pag-uusap at pagkukuwentuhan. Kayang matalo ng saya ang lungkot, stress at mga pangamba. Gaya nga ng natanggap kong isang text, "Maiintindihan ka Niya pero hindi lahat ng tao." Maiintindihan Niya yung nararamdaman mo kahit ano pa 'yan. At sa relasyon mo sa ibang tao, humuhugis ng wangis ang Diyos upang ipadama sa atin na nariyan lamang Siya. Nasa tabi, nasa harap, nasa gilid at maging sa likuran ng bawat nating paglalakbay.

Nakakataba ng puso 'yung ma-appreciate ng mga kaibigan mo yung mga simpleng bagay. Sa paglalaro ng badminton tuwing Sabado ng gabi, kayrami kong natututuhan sa mga kaklase ko. Hindi lang sa paglalaro ng badminton, pati rin sa paglalaro sa buhay. Sa literal at hindi literal na paraan.

May wangis ng Diyos akong nakikita sa tuwing nakakasama ko sila. Nakakatouch yung sabihan ka nila ng pasasalamat sa mga nagawa mo sa kanila. Hindi lang nila alam na ako rin mismo ay nagpapasalamat sa kanila. Pinasaya nila ang aking tahimik noong buhay. Pinalalim nila ang dati'y di kalalimang pagtingin ko sa buhay. Gaya ni Hesus, gusto kong sabihin nang taos sa puso ko, mula ngayon kayo'y aking kaibigan. Sana mas marami pa tayong pagsamahan. Yung mas iigting ang (covalent) bond natin sa isa't isa. Yung mas makikilala natin ang bawat isa. (Para may chemistry!) Yung magdala tayo ng saya sa tuwing magkakasama. Salamat sa inyo mga kaibigan ko. (Special mention sa inyo Abi, Giezel, Arvin, Jerome, Mhafe, Jek, Jo at Matthew.) I see God in every joy I feel. I really see His presence when I am with you.

At kahit pagod na sa tuwing matatapos ang badminton session, masaya ako sa pag-uwi. Baon ang bagong pagkatuto, maghahanda sa susunod na pagkikita at maghahanda ng panibagong kuwento na maiaambag sa inyo. Salamat sa pinagsamahan at sa mga pagsasamahan pa natin. From the bottom of my heart, GBU.

***
Reflectio:
Joy is a very Christian value. It is one of the fruits of the Holy Spirit. The joy of the early Christians was magnetic; it attracted many people into the Church. We have hundreds of joyful saints. The most famous of them is St. Francis of Asisi. 
These joyful saints tell us that: joy makes the road to heaven easier. Joy is like the air in a balloon - it always makes the balloon go upwards. Joy is like the sail on a canoe: it gets you places without any work on your part. Joy keeps temptation away from you. Joy makes it easier to be good. Joy keeps the mind clear and the heart restful. No joyful person ever had ulcers, or committed suicide.
As one saint put it, "Religion without joy is no religion." Another saint said, "Joy is God's housekeeper; sadness is the devil's nurse." We are children of God so we have a divine right to joy. Joy is made for us, and we for joy.

Wednesday, February 27, 2013

How strong will the Church be with two Popes?

We will now have two Pontiffs, the ruling Pontiff and the Pontiff Emeritus. The last time we had two Popes was at a time of weakness, a time of schism. This is completely the reverse. Instead of two Popes competing with each other, weakening each other, and cancelling each other out as in the 14th century, here we have the absolute and complete opposite.

With the implicit backing of the Pontiff Emeritus, the new Pontiff will be doubly strong to deal with the evils attacking the Church, both from within and from without. Nothing in the history of the Church happens for nothing.

The Church showed that she was capable of surviving the storm of two competing Popes. If she can survive that, just think how strong she will be with two Popes, one former and one acting, who will support each other in brotherly love. 


Let us continue to pray for Pope Benedict XVI, all the Cardinals and the Church of God. 

***


The full text of Pope Benedict XVI's final address:
Venerable Brothers in the Episcopate and in the Priesthood! 
Distinguished Authorities! 
Dear brothers and sisters! 
Thank you for coming in such large numbers in this last General Audience of my pontificate. 
As the Apostle Paul in the biblical text that we have heard, I feel in my heart to have to especially thank God that guides and builds up the Church, which is sowing his Word and thus nourishes the faith in his people. At this moment my heart expands to embrace the whole Church throughout the world, and I thank God for the “news” that in recent years the Petrine ministry I could receive about faith in the Lord Jesus Christ, and the love that circulates in the body of the Church and to live in love, and hope that it opens and directs us towards the fullness of life, towards the heavenly homeland. 
I feel I bring all in prayer, in a present that is of God, where I collect every meeting, every trip, every pastoral visit. Everything and everyone gather in prayer to entrust them to the Lord, because we have full knowledge of His will in all wisdom and spiritual understanding, and why we behave in a manner worthy of Him and His love, bearing fruit in every good work (cf. Col 1 0.9 to 10). 
At this time, there is great confidence in me, because I know, all of us know, that the word of the truth of the Gospel is the power of the Church, it is his life. The Gospel purifies and renews, bears fruit, wherever the community of believers hears and receives the grace of God in truth and lives in charity. This is my belief and this is my joy. 
When, on April 19, almost eight years ago, I agreed to take on the Petrine ministry, I always had the certainty that has always accompanied me. At that time, I had already stated several times, words that have been spoken in my heart were: Lord, what do you ask of me? The weight that you place on my shoulders is very great, but if you ask me, at your word I will let down the nets, confident that you will guide me. And the Lord has really driven, I was close, I could feel his presence every day. It ‘was a part of the journey of the Church that had moments of joy and light, but also moments that were not easy. I felt like St. Peter and the Apostles in the boat on the Sea of Galilee. The Lord has given us many days of sunshine and gentle breeze. Days when the fishing is plentiful, and there were also times when the water was rough and there was a head wind, as in the whole history of the Church and it appeared to us that the Lord appeared to be sleeping. But I always knew that the boat is in the Lord and I always knew that the boat of the Church was not mine, not ours, but was his and not let her sink, it is he who leads it, certainly through men that he had chosen, because it wanted it to be so. This was and this is a certainty that nothing can tarnish. And that’s why today my heart is filled with gratitude to God because he did not ever let the Church lack in any way especially his consolation, his light, his love. 
We are in the Year of Faith, which I wanted to strengthen our own faith in God in a context that seems to put it more and more into the background. I would like to invite everyone to renew their firm trust in the Lord, to trust like children in the arms of God, resting assured that those arms support us and are what allow us to walk every day, even when this requires effort. I would like everyone to feel loved by the God who gave his Son for us and showed us his love without boundaries. I want everyone to feel the joy of being Christian. In a beautiful prayer to be recited daily in the morning, we pray: “I adore you, my God, I love you with all my heart. Thank you for creating me and for making me Christian … did. “Yes, we are happy for the gift of faith is the most precious thing. No one can take from us! We thank God for this every day, with prayer and with an authentic Christian life. God loves us, but waits for us and expects that we love him! 
But it is not only God that I want to thank at this time. A Pope is not alone in the leading the ship of Peter, even if it is your primary responsibility, and I have not ever heard only bring joy and weight of the Petrine ministry, the Lord placed many people next to me, with generosity and love for God and the Church, have helped me and I have been close. First of all you, dear Brother Cardinals: your wisdom, your advice, your friendship was precious to me, my collaborators, starting with my Secretary of State who accompanied me faithfully over the years, the Secretariat of State and the whole of the Roman Curia, as well as all those who, in various fields, give their service to the Holy See: there are many unseen faces which are not arise, remain in the shade, but in the silence, in their daily work, in a spirit of faith and humility, they have been a safe and reliable support to me. A special thought to the Church of Rome, my diocese! I can not forget the Brothers in the Episcopate and in the Priesthood, consecrated persons and the entire People of God in the pastoral visits, in meetings, at the audiences, travel, I always received great care and deep affection, but I too have loved each and every one, without exception, with that pastoral charity which is the heart of every pastor, especially the Bishop of Rome, the Successor of the Apostle Peter. Every day I carried each of you in my prayers, the heart of a father. 
I want my greetings to reach out to all of you, everywhere: the heart of a Pope extends to the whole world. And I would like to express my gratitude to the Diplomatic Corps accredited to the Holy See, which makes up, this, our great family of nations. Here I also think of all those who work for good communication system and I thank them for their important service. 
At this point I would like to thank with all of my heart the many people around the world in recent weeks who have sent me touching tokens of attention, friendship and prayer. Yes, the Pope is never alone, now I experience it again in a way that is great and touches the heart. The Pope belongs to everyone and a lot of people feel very close to him. In the truth that I receive letters from the world’s largest – by the Heads of State, religious leaders, representatives of the world of culture and so on. But I also received many letters from ordinary people who write to me simply from their heart and make me feel their affection born out of experience with Christ Jesus, in the Church. These people do not write to me as they write to a prince or a great one does not know. They write as brothers and sisters, sons and daughters, with the sense of family ties very affectionate. Here you can touch what is really the Church – not an organization, not an association for religious or humanitarian goals, but a living body, a community of brothers and sisters in the Body of Jesus Christ, who unites us all. We experience the Church in this way and could almost be able to touch it with your hands; the very power of his truth and love is a source of joy, in a time when many people speak of it in its decline. 
In recent months, I felt that my strength had decreased, and I asked God earnestly in prayer to enlighten me with his light to make me take the right decision not for my sake, but for the good of the Church. I have taken this step in full awareness of its severity and also new, but with a deep peace of mind. Loving the Church also means having the courage to make tough choices, suffering, having always before the good of the Church and not themselves. 
Allow me to return once again to April 19, 2005. The severity of the decision was precisely in the fact that from that moment on I was always and forever committed for the Lord. Always – those who assume the Petrine ministry no longer has any privacy. Always and totally belongs to everyone, the entire Church. His life is, so to speak, totally deprived of the private sphere. I experienced, and I am experiencing it right now that one receives life just as He gives. I said before that a lot of people who love the Lord also love the Successor of Saint Peter and are very fond of him. I’ve said before that the Pope has truly brothers and sisters, sons and daughters all over the world, and that he feels in the embrace of their communion, because it no longer belongs to himself, instead he belongs to everyone, everywhere. 
The “always” is also a “forever” – there is a return to the private sector. My decision to forgo the exercise of active ministry does not revoke this fact. I am not returning to private life, to a life of travel, meetings, receptions, conferences and so on. I am not abandoning the cross, but I am remaining at the foot of the Crucified Lord. I will no longer vest the power of the office for the government of the Church, but in the service of prayer rest, so to speak, in the yard of St. Peter. St. Benedict, whose name I bare as Pope, is a great example of this. He showed us the way to a life which, active or passive, belongs wholly to the work of God I thank each and everyone for your respect and understanding with which you have welcomed this important decision. I will continue to accompany the journey of the Church through prayer and reflection, with dedication to the Lord and to his Spouse, with which I have tried to live up to now every day and which I want to live forever. I ask you to remember me before God, and above all to pray for the Cardinals, who are called to such an important task, and the new Successor of Peter, the Lord accompany him with the light and the power of his Spirit. 
Let us invoke the maternal intercession of Mary, the Mother of God and of the Church that she may accompany each of us and the whole ecclesial community, to her, as we trust, deep trust.
Dear friends! God guides His Church, holds always, and especially in difficult times. Let us never lose this vision of faith, which is the only true vision of the Church and the world. In our heart, in the heart of each one of you, may there always be the joyous certainty that the Lord is near, do not abandon us, near us and surrounds us with his love. Thank you!

Friday, February 22, 2013

May panahon para sa lahat.


Ngayon pala inaalala ng Simbahan ang Feast of the Chair of St. Peter. Siya yung unang Pope ng Simbahan. Biglang nakita ng lahat ng nagsimba kanina sa BPI Chapel yung halaga ng pagdiriwang na ito. Ngayong nalalapit na ang araw ng pagbibitiw ni Pope Benedict XVI bilang Bishop of Rome at pinuno ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo.

Kahit ako na hindi pa naman nakita o nakasama ng personal si Pope Benedict XVI, nakaramdam din ako ng pagkalungkot at pagkagulat sa kanyang desisyon. Pauwi na ako galing trabaho, nagmamadali para sa Monday Devotion sa OLA Parish, nang maisipan kong mag-Twitter sa cellphone. May tweet na nagsasabing magreresign si Pope Benedict XVI sa February 28, 8:00 PM. Nagtweet agad ako, nagtatanong kung totoo ba yung nabasa kong tweet. Pero lalo lang nagsunod-sunod ang mga tweets tungkol sa balitang pagbibitiw ng Pope. Nasiguro ko nga noon na totoo pala talaga yung balita. Nalungkot ako sobra kaya tinext ko agad yung balita sa mga kaibigan ko. Alam na rin pala nila.

Kayhirap ngang maging pinuno. Mas mahirap pa kung hindi mo naman ginusto na maging pinuno. Lalo pa yung maging pinuno ng bilyong Katoliko sa mundo. Alam yun ni Pope Benedict XVI. Pero nakitaan siya ng katatagan. Mahirap maging Pope matapos ang matagal-tagal ding pamumuno sa atin ng paboritong Pope, si Blessed John Paul II. Charismatic, well-loved at sikat sa kahit saang bansa. Hindi yun mapapantayan ni Pope Benedict XVI na noong maging Pope ay edad 78 na. Pero hindi mapapasubalian ninoman ang katalinuhan ni Pope Benedict XVI. Napaghalo niya ang konserbatibong doktrina ng Simbahan at neo-liberal na pananaw ngayon ng mga miyembro ng Simbahan. Nagkolehiyo ako sa Ateneo, kumuha ng mga Theology subjects at tunay nga, sobra akong naliwanagan sa mga sulat at encyclicals ni Pope Benedict XVI. Mamimiss ko siya pero dala-dala ko sa puso ang mga pananaw niya ukol sa pamilya, pananampalataya at maging konsyensya.

Pero kahit magbibitiw siya, hindi ako naniniwala sa mga hulang huling yugto na ngayon ng Simbahan. Nagkakawatak-watak daw dulot ng mga isyung ipinupukol dito pero naniniwala akong mawawala ang lahat pero hindi ang Simbahan. Oo, nagkakamali ang Simbahan pero sa tingin ko’y natural lamang iyon. Maging ang Simbahan ay hinahanap ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay. I believe the Church is a Human Church. Being human, it can lead astray. But I believe that the Church is also divine. Many centuries have gone but the Church is still alive. Dahil sa Diyos mismo ang nagtatag. Hindi magtatagumpay ang kasamaan laban sa Simbahan.

Kaya nga dapat lamang na pasalamatan ang Pope. Sapagkat siya ang unifying agent ng iba-ibang kultura, pananaw at personalidad ng Simbahan. Hindi siya nagpatalo sa mga nais buwagin ang pagkakaisa natin. Salamat po Pope Benedict XVI sa pagiging buhay na imahen ni Kristo sa amin. Aalis ka pero hindi ka iiwan ng Simbahang iyong ginabayan. Ipinakita mo sa lahat na may panahon para mamuno at sumuko. May panahon para makibaka at magpaalam. May panahon para sa lahat, magtiwala at maghintay ka lang.

At naniniwala akong Diyos ang may layon ng lahat. Papasok tayo sa Marso ng sede vacante, o walang namumunong Pope sa Vatican City. Magtutungo ang mga Cardinal doon upang pumili ng bagong Pope sa paraang Diyos ang nagtakda. Hihirangin ang bagong Pope at naniniwala akong pinili siya hindi ng mga Cardinal kundi ng Diyos mismo. Dahil kahit sa panahong tila walang maririnig mula sa Diyos, sigurado pa ring kumikilos ang Diyos sa ating lahat.

Pero sa isang banda,  without any bias sa ating bagong Cardinal, Manila Archbishop Chito Tagle, totoong may chance na siya ang mapili. Kulang na lang ng mabigat na dahilan (o plataporma?) upang mapansin siya ng mga kapwa niya Cardinal.

Sa palagay ko, kailangan ng Simbahan ng isang Asian Pope. Naniniwala ako na kailangang palakasin ang puwersa at concentration ng Simbahan sa Asya. Sapagkat sa Asya naroon ang bilyong-bilyong tao pero 3% lang nito ay Katoliko. Lalo na sa China. At sino ba ang bagay na Pope na makahihikayat sa China? Sa tingin ko, yung may dugong Tsino. Kahit 50% Chinese lang, parang si Cardinal Tagle.

Kidding aside, nais kong ipanalangin si Pope Benedict XVI, ang hihiranging bagong Pope at ang Simbahang kinabibilangan ko.

Lord, source of eternal life and truth, give to Your shepherd, the Pope, a spirit of courage and right judgement, a spirit of knowledge and love.
By governing with fidelity those entrusted to his care may he, as successor to the apostle Peter and vicar of Christ, build Your church into a sacrament of unity, love, and peace for all the world.
We ask this through our Lord Jesus Christ, Your Son, Who lives and reigns with You and the Holy Spirit, one God, forever and ever. Amen.