Matagal din pala ang siyam na araw na bakasyon. Ang nagdaang mga araw sa bahay ay tila mga araw ng retreat, ng pagtahimik sandali sa mga sistema at pakikinig sa nakabibinging katahimikan sa lugar kung saan ako lumaki: sa bahay.
Napakahalagang magpahinga. At higit na makapagpapahinga sa loob ng bahay. There is really no place like home. Walang tatalo sa paghiga lamang sa kama sa loob ng mahabang oras nang walang ginagawa kundi ang magpahinga.
Habang nasa bahay at walang ginagawa, nagmuni-muni ako tungkol sa bahay. Na-miss ko ang bahay. Kung sakaling makapagkukuwento ito ng mga istorya, ilalahad nito kung paano ako lumaki, ipapaalala nito ang mga panahong ako'y nadapa at tinulungang makabanagon, panahong nagkasala at nakapagsisi, ilalahad nito ang kuwento ng aking bakasyon.
Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong magnilay nitong nakalipas na siyam na araw; iyong isa ay tungkol sa pagpapatawad ng Diyos. Bakit kaya hinahayaan ng Diyos na magkasala ang tao at patatawarin din naman? Bakit hindi na lamang Niya gawing mapayapa ang mundo para sa lahat? Marami akong napagnilayang sagot. Ito ang pinakabuod: Nirerespeto ng Diyos ang ating kalayaang pumili at magdesisyon, isang regalong hindi babawiin ng Diyos dahil hindi Niya sinisiil ang anomang Kanyang nilikha. Hindi contradicting ang Kanyang pagka-Diyos. Siya ang Perpekto sa lahat ng perpekto.
At ngayong Sabado de Gloria, na-realize kong lahat tayo ay nasa estado ng paghihintay. Sa iba, ito'y pinaka-boring sa lahat ng gawain. Sino'ng hindi mababagot sa paghihintay? Pero may ibang punto ang Diyos ukol sa paghihintay. Tayo ay tinatawag Niya upang maghintay sa napakagandang araw, sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Kung magtitiwala tayo sa pag-asang hatid ng bawat nating paghihintay, siguradong may magandang plano ang Diyos. Maghihintay akong may buong pag-asa, gaya ng pag-asang pinanghawakan ko noon ilang buwan na ang nakaraan. Maghintay ako sa paghinog nitong hinahawakan kong pag-ibig.
Magtitiis ako sa paghihintay.
Showing posts with label Holy Week. Show all posts
Showing posts with label Holy Week. Show all posts
Saturday, April 19, 2014
There is no place like home.
Labels:
bahay
,
conversation
,
essay
,
Holy Saturday
,
Holy Week
,
pagmumuni-muni
,
reflection
Saturday, March 30, 2013
We Live in Holy Saturday.
We Live in Holy Saturday
Most of our lives are spent in Holy Saturday. In other words, most of our days are not filled with the unbearable pain of a Good Friday. Nor are they suffused with the unbelievable joy of an Easter. Some days are indeed times of great pain and some are of great joy, but most are…in between. Most are, in fact, times of waiting, as the disciples waited during Holy Saturday. We’re waiting. Waiting to get into a good school. Waiting to meet the right person. Waiting to get pregnant. Waiting to get a job. Waiting for things at work to improve Waiting for diagnosis from the doctor. Waiting for life just to get better.
But there are different kinds of waiting. There is the wait of despair. Here we know--at least we think we know--that things could never get better, that God could never do anything with our situations. This may be the kind of waiting that forced the fearful disciples to hide behind closed doors on Holy Saturday, cowering in terror. Of course they could be forgiven; after Jesus was executed they were in danger of being rounded up and executed by the Roman authorities. (Something tells me, though, that the women disciples, who overall proved themselves better friends than the men during the Passion, were more hopeful.) Then there is the wait of passivity, as if everything were up to “fate.” In this waiting there is no despair, but not much anticipation of anything good either.
Finally, there is wait of the Christian, which is called hope. It is an active waiting; it knows that, even in the worst of situations, even in the darkest times, God is at work. Even if we can’t see it clearly right now. The disciples’ fear was understandable, but we, who know how the story turned out, who know that Jesus will rise from the dead, who know that God is with us, who know that nothing will be impossible for God, are called to wait in faithful hope. And to look carefully for signs of the new life that are always right around the corner--just like they were on Holy Saturday.
James Martin, SJ (America Magazine)
Labels:
essay
,
Holy Saturday
,
Holy Week
,
prayer
,
reflection
Friday, March 29, 2013
Grabe, Grabe, Grabe, Maria!
Habang pumapasok at lumalapit sa simbahan, sa Katedral ng Antipolo, kung saan naroon ang Basilika ni Maria bilang Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje, todo-todo ang pagdarasal ko ng Aba Ginoong Maria. Napakahirap ang unang karanasan ko sa Alay Lakad. Pero sigurado akong pinadali ni Maria sa pamamagitan ng aking mga kaibigang kapanalig. Matapos ang saglit na pagkakalapit sa harapan ng simbahan, wala na akong masabi. Basta na lang tumulo ang luha ko. Pumasok sa isip ko: Grabe, Grabe, Grabe, Maria!
Tatlong grabe ang naisip ko tungkol kay Maria na nais kong pagnilayan sa pagkakataong ito.
Una, grabe ang paglalakad ng mahigit dalawampung kilometro mula sa bayan ng Marikina patungong bundok sa Antipolo. Mabuti't gabi. Mabuti't may mga kasama akong karamay sa paglalakad. Mabuti't may pagkakataon kaming tumigil sumandali, kumain o uminom. Hindi katulad noong naglakad si Maria sa gitna ng umpok ng mga tao patungong Golgotha. Maikli lang dapat ang lakarin, wala pang isang kilometro. Pero grabe ang tagal, grabe ang hirap. Dinanas ng Mahal kong Ina ang sakit na siya lamang ang makakayanang indahin. HIndi ko nga alam kung nakayanan nga niya. Pero ayon sa tala, tinanggap niyang lahat ng mga ito bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Gayon na lamang kagrabe ang dinanas ni Maria. Gayon kagrabe ang pagmamahal niya sa Diyos.
Ikalawa, grabe ang debosyon ng mga tao kay Maria bilang Ina ng Diyos. Kung saan-saan pa nagmula ang mga tao na nag-Alay Lakad ngayong taon. Sa unang pagkakataon, namalas ko 'yung kakaibang presensya ng Diyos sa oras na iyon. Lahat ay Kaniyang ginabayan upang makarating sa Katedral ng Antipolo. Dakila ang pag-ibig ng Diyos kung kaya't lahat ay naaakit sa Kaniyang presensya. Grabe ang dagsa ng tao, maging sa mga nag-aabang na sa pagbubukas ng simbahan pagputok ng bukang-liwayway. May kani-kaniya silang dahilan ng pagpunta sa Katedral. Hindi gaya ko na walang dahilan kundi dahil nayaya lamang ng mga kaibigan. Kayhirap tanggihan dahil paulit-ulit kong sinasabi rito na ang pag-iimbita nila Jo at Matthew ay nakikita ko bilang pag-iimbita na rin ng Diyos at ni Mama OLA. At sa paghahagis ko ng barya bilang pakikiisa sa pasasalamat sa kabutihan ng Diyos, dalawa ang hiniling ko. Na anumang kahilingan ng mga taong naghagis ng barya katulad ko ay matupad sana. At, na sa bawat araw hindi magsasawang magdasal at magpasalamat ang mga taong nakipagsisiksikan para lamang makalapit sa dambana ni Mariang Birhen ng Antipolo. Sana matupad. Sana kalugdan ng Diyos.
Ikatlo, grabe ang enerhiya na aking naramdaman nung makalapit na ako sa harapan ng simbahan. Napaiyak ako at napasabi sa sarili: Grabe, Maria! Punong-puno ka ng grasya. Minamahal ka ng Diyos at nais kong mahalin din kita. Ipinagkaloob mo ang iyong buong buhay sa nais ng Diyos. Nailigtas kami sa kasalanan sa pamamagitan ni Kristo dahil may isang ikaw na sumagot ng "oo" at tumalima sa kalooban ng Diyos. Grabe ang enerhiya mo saanmang sulok ng simbahan. Ikaw yung isa sa nagpapabanal ng lugar. Ikaw yung isa sa nagpapabanal sa bawat tao. Tanging pagluha na naman ang nagawa ko.
Naisip ko, saan kami tutungo matapos ang Alay Lakad? Gusto na nilang umuwi. Gusto ko na rin namang umuwi. Pero gusto kong maiuwi ang grabedad na aking namalas sa simbahan. Gusto kong umuwi kasama ni Hesus. Dahil Siya lang ang tanging hantungan. Hinihiling ko at ipinapanalangin ang lahat ng ito ngayong Biyernes Santo at sinasariwa ng mga Katoliko ang karangalan ng Krus ni Hesus.
P.S.
Salamat mga kaibigan sa patuloy na pagpapatatag sa ating samahan. Sana sa pagtatag ng ating samahan, tumatag din at lumalim ang ating pananampalataya at debosyon kay Maria. Salamat talaga nang maraming-marami Jo, Matthew, Abi, Jerome, Giezel, Mhafe, Maxy, at Arvin.

alay lakad
,
antipolo
,
friends
,
Holy Week
,
Mhafans
,
penitential walk
,
Virgin Mary
Saturday, March 16, 2013
Via Crucis
Bahagi ng pagsariwa sa pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay ng Diyos na si Hesus ang pagdarasal ng Daan ng Krus tuwing Kuwaresma at Mahal na Araw. Kaya naman nagkayaan kaming bagong tuklas na magkakaibigang magkakapanalig kay Kristo na magtungo sa Via Dolorosa sa Pinagmisahan Street, Brgy. Dela Paz, Antipolo, Rizal. Kilala ang lugar na ito bilang White Cross sapagkat may isang napakalaking puting krus sa tuktok ng bundok dito. Bukod kina Jo Idris, Matthew, Jerome at Arvin, isinama namin ang aming mga Pedrito.
Nagsimula kami sa pagdarasal ng rosaryo. Isa-isang namuno sa bawat misteryo ng Tuwa. Habang nagdarasal, patawad pero hindi namin mapigilang kunan ng litrato si Pedrito. Talaga nga naman kasing kahit saang anggulo, maganda ang kinalalabasan ng kuhang litrato sa kanya.
Ang Via Crucis sa White Cross ay matarik. Sabi nga ni Arvin, bukod sa napakatarik ng hagdan at pabago-bago ang panahon nung nagtungo kami dun, pawis na pawis pa kami. Pero kahit na, konting tiis man lang bilang pakikiisa sa paghihirap ni Hesus noong Siya ang nagpasan ng Krus para sa ikaliligtas ng sanlibutan.
Narito ang mga kuhang litrato ng mga istasyon ng Via Crucis. Sa totoo lang, bawal kumuha ng litrato doon. Kasalanan namin na hindi kami sumunod sa regulasyon. Naisip ko, ibahagi rito upang sa mga makakakita nito, mas maengganyo silang hanapin at puntahan din ang Via Dolorosa sa Antipolo. Sulit po ang pagtungo doon. Walang bayad, basta bumili ka lang ng kandila bilang donasyon.
![]() |
| Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan |
![]() |
| Ikalawang Istasyon: Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan ng Getsemani |
![]() |
| Ikatlong Istasyon: Si Hesus sa Harapan ng Sanedrin |
![]() |
| Ikaapat na Istasyon: Ang Paghahampas at Pagpuputong ng Koronang Tinik |
![]() |
| Ikalimang Istasyon: Ang Pagtanggap ni Hesus sa Krus |
![]() |
| Ikaanim na Istasyon: Si Hesus ay Nadapa sa Bigat ng Krus |
![]() |
| Ikapitong Istasyon: Tinulungan ni Simon na taga-Sirene si Hesus na Pasanin ang Krus |
![]() |
| Ikawalong Istasyon: Nasalubong ni Hesus ang mga Kababaihan ng Jerusalem |
![]() |
| Ikasiyam na Istasyon: Si Hesus ay Inalisan ng Damit at Ipinako sa Krus |
![]() |
| Ikasampung Istasyon: Si Hesus at ang Nagtitikang Magnanakaw |
![]() |
| Ikalabing-isang Istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus |
![]() |
| Ikalabindalawang Istasyon: Si Hesus ay Namatay sa Krus |
![]() |
| Ikalabintatlong Istasyon: Si Hesus ay Inilibing |
![]() |
| Ikalabing-apat na Istasyon: Si Hesus ay Muling Nabuhay |
Matapos ang pagdarasal ng Via Crucis, tinungo namin ang White Cross at doon nagtagal sa pagkuha ng litrato sa aming mga sarili, kasama pa rin si Pedrito. At naroon ang dalawampung pulgadang imahen ng Birhen ng Antipolo, ang Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje. Kung kaya't naisipan na rin naming pagkalabas ng Via Dolorosa ay magtungo na rin sa Katedral ng Antipolo.
Sana marami pang ganitong paglalakbay kaming gawin. Basta sama-samang nagdarasal at nananatiling tapat sa debosyon kay Maria. Sa pagsisimula ng Mahal na Araw sa isang linggo, hangad ko ang matupad ang hangarin ng mga kaibigan ko. Sa bawat pagdarasal ko ng rosaryo kada papasok at uuwi mula sa trabaho, at sa tuwing may Monday devotion, iniaalay ko ang panalangin para sa mga kaibigan ko. Na sana sama-sama kaming tuklasin pa at paigtingin ang pananampalatayang Kristiyano. Na sana'y maging sentro ng buhay namin palagi si Hesus. At mas tumindi ang debosyon kay Maria.
Sa oras na isinusulat ko ito, naghahanda rin ako sa aming pagpunta sa Caleruega. Madadagdagan na naman ang inililista kong simbahang napuntahan sa taong ito ng pananampalataya (2013 Year of Faith). Hindi lang sa dahilang gusto kong makapunta sa 100 simbahan sa Pilipinas kundi upang mas mapalalim ko ang relasyon ko sa Diyos.
Sa bawat paglalakbay, dadalhin ko ang krus bilang aking gabay. Sabi nga sa isa sa paborito kong awitin:
We carry the saving crossthrough the roads of the world.
Through alleys of poverty and misery.Marching to a dawning dayto freedom and victory,to God's life and endless glory.
Panalangin:
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo.
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang mundo.
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang mundo.
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,
namatay at matagumpay na muling nabuhay ang Iyong Bugtong na Anak
para iligtas kami sa aming mga kasalanan.
Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na nananampalataya
upang makiisa sa kanya sa buhay na walang hanggang sa langit,
kung saan nabubuhay siya at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Lent
,
Mhafans
,
prayer
,
Station of the Cross
,
Via Crucis
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)