Alam mo ba ang kuwento ni Jonas?
Marahil alam mo.
Siya yung ipinadala ng Diyos
upang magpahayag ng kanyang utos sa mga taga-Nineveh, ngunit ginawa niya ang
lahat upang makatakas sa plano ng Diyos. Sumakay siya sa isang barko at
naglakbay palayo sa Nineveh. Subalit bago niya napansin, nabalahaw ang barko at
umikot patungo sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng bagyo. Napilitang itapon
ng mga sakay ng barko ang kanilang mga dalahin upang gumaan ang sasakyang
pandagat. Nang maisip ni Jonas ang kanyang kamalian, inamin niya ito sa kanyang
sarili at nagboluntaryong maitapon din sa dagat kasama ng mga gamit. Sa
pagkakataong iyon naisip niyang nagalit ang Diyos sa kanya. Sa pagkakataon ding
iyon gumawa ang Diyos ng paraan upang mabago ang takbo ng buhay ni Jonas.
Nagpatuloy ang kuwento ni Jonas
sa pagkakakain sa kanya ng malaking isda, hindi nasaktan at napatapon sa
baybayin ng Nineveh. Doon siya naniwala na ano mang pagtatago ang gawin niya sa
Diyos, hahanapin pa rin siya ng Diyos kahit saan hanggang sa mapagtanto niya na
dinadala siya sa lugar kung saan siya tinatawag ng Diyos.
Sinubukang tumakas ni Jonas.
Ngunit natagpuan pa rin siya ng Diyos. Mula roon, sinunod na niya ang utos ng
Diyos. Pinili niyang maging instrumento ng Diyos para sa mga taga-Nineveh.
Tumatakas din tayo sa maraming
pagkakataon. At kapag nakakatakas tayo, akala natin ay maayos na ang lahat para
sa atin. Ngunit hindi pala talaga tayo nakalalayo. Malayo pa tayo sa inaasam na
kaayusan at kapayapaan. Dahil hahanapin tayo ng Diyos saan man tayo magtungo.
Hanggang sa tumimo sa ating isip at damdamin kung nasaan na tayo, kung para
saan tayo ipinanganak, at kung para kanino ang bigay sa ating buhay.
Tama yung sinabi ng isang pari sa
akin. Na hangga’t wala sa akin ang kapayapaan, na hangga’t walang kapanatagan
sa aking kalooban, hindi ko maipapamahagi ang Salita ng Diyos sa iba. Gaya ni
Jonas.
One always has to know when a stage comes to an end. If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness and the meaning of the other stages we have to go through.
Closing cycles, shutting doors, ending chapters – whatever name we give it, what matters is to leave in the past the moments of life that have finished.
Did you lose your job? Has a loving relationship come to an end? Did you leave your parents’ house? Gone to live abroad? Has a long-lasting friendship ended all of a sudden? You can spend a long time wondering why this has happened.
You can tell yourself you won’t take another step until you find out why certain things that were so important and so solid in your life have turned into dust, just like that. But such an attitude will be awfully stressing for everyone involved: your parents, your husband or wife, your friends, your children, your sister. Everyone is finishing chapters, turning over new leaves, getting on with life, and they will all feel bad seeing you at a standstill.
Things pass, and the best we can do is to let them really go away. That is why it is so important (however painful it may be!) to destroy souvenirs, move, give lots of things away to orphanages, sell or donate the books you have at home.
Everything in this visible world is a manifestation of the invisible world, of what is going on in our hearts – and getting rid of certain memories also means making some room for other memories to take their place.
Let things go. Release them. Detach yourself from them. Nobody plays this life with marked cards, so sometimes we win and sometimes we lose. Do not expect anything in return, do not expect your efforts to be appreciated, your genius to be discovered, your love to be understood. Stop turning on your emotional television to watch the same program over and over again, the one that shows how much you suffered from a certain loss: that is only poisoning you, nothing else.
Nothing is more dangerous than not accepting love relationships that are broken off, work that is promised but there is no starting date, decisions that are always put off waiting for the “ideal moment.”
Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back. Remember that there was a time when you could live without that thing or that person – nothing is irreplaceable, a habit is not a need. This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.
Closing cycles. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life. Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust. Stop being who you were, and change into who you are.
(A version of this article circulates in internet having Paulo Coelho as its author. In fact, he did not write it, but he made a few corrections and decided to republish it in his blog.)
Sabi nila mas tumatalas ang isip mo kapag tumatanda ka. Nag-23 anyos na ako nitong 2013 at pakiramdam ko nagsisimula pa lang akong tuklasin kung para saan ba ang buhay ko. Sobrang pasasalamat sa Diyos, sa aking Dakilang Guro, sa dahan-dahang pagkilos Niya sa buhay ko. At dahil yearend na, nais kong ibahagi ang mahahalagang aral na natutunan ko ngayong taon kasama Siya.
1. Tupdin ang mga pangako. Pagsikapang maging committed at faithful sa lahat ng binuo, binuno at bubuuing mga relasyon.
2. Makinig nang mabuti. Karamihan kasi ng mga problema ay umuusbong dahil sa kawalan natin ng abilidad na makinig sa sinasabi ng ibang tao sa atin. Kaya't hayaan nating magpahayag sila at buong sinseridad na tanggapin ang kanyang punto, na maaaring tama sila at ikaw ang mali, at ito ang simula ng pagpapakumbaba.
3. Ayos lang ang maging mahina. Tanggapin ang katotohanang hindi mo magagawa ang lahat na mag-isa. Kaya't humanap ng isang tao na puwede mong kausapin nang komportable at mahihingahan ng nasasaloob. Hayaang maging malakas ang iba para sa iyo tuwing napanghihinaan ka ng loob.
4. Piliing maging inspirasyon. Bahagi ng pagiging tao ay ang hikayatin ang kapwa na magpatuloy, ang ipakita sa kanila na may mas higit pa sa buhay, at may ibang perspektibo pa sa pagtingin sa mga bagay-bagay. Ilahad ang iyong istorya at iparamdam sa kapwa na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga laban sa buhay. Huwag iiwanan ang isang tao nang hindi siya napapangiti. Sikaping mabuhay sa kapayapaan kasama ang sinomang makakasalamuha.
5. Walang perpektong tao. Kahit na sino ay may kakayahang inisin ka, kalimutan ka, galitin ka, saktan ka, at maging talikuran ka. Mahalin mo pa rin sila. Napakahirap gawin iyon, sa totoo lang, pero piliin mong magbukas ng mas malaking puwang sa maliit mong puso.
6. Hindi ka pa matanda para sa mga bagong bagay. Luminang ng bagong talento, gumawa ng mga personal na records, magtungo sa mga di pa napupuntahang lugar, magkaroon ng mga bagong kaibigan, at gawin ang mga childhood dreams. Mabuhay nang ayon sa kagustuhan ng Diyos sa iyong buhay. Pinakamagandang paraan ng pagpupuri sa Diyos ay mabuhay nang umaayon sa kagustuhan Niya.
7. Alalahanin palagi ang pagmamahal Niya. Pansinin ang mga handog ng Diyos sa iyo at magkaroon ng panahong magpasalamat sa bawat regalo. Maaring bagay, tao o magagandang karanasan. Pasalamatan ang Diyos para sa iyong pamilyang minamahal ka nang sobra-sobra, para sa iyong mga kaibigang hindi ka iniiwan sa tuwina. Magpasalamat ka sa iyong talento. May kaya kang gawin na tanging ikaw lamang sa mundo ang makagagawa. Alalahanin ang mga karanasang humubog sa iyo sa bawat taon at sipatin ang pagkilos ng Diyos sa mga pangyayaring iyon. Tandaan na minamahal ka Niya kahit hindi ka karapat-dapat mahalin.
8. Laging magdasal sa bawat pagdedesisyon, malaki man o maliit. Kapag inilalagay mo ang Diyos bilang pangunahing prayoridad---ang Kanyang kalooban at anomang ikinalulugod Niya---ang lahat ng bagay ay mangyayari ayon sa nararapat nitong kalagyan. At kung hindi mangyari ang mga bagay ayon sa plano mo, tandaang nasa Diyos ang huling salita.
9. Magtiwala at maghintay. Kapag tinuturuan ka ng mundo na tumakbo para makamit ang kagustuhan mo, piliing maglakad. Kailanman hindi tayo dapat magmadali. Mahabang panahon ang binuno upang maitayo ang mga kastilyo, hindi ba? Perpekto lagi ang timing ng Diyos.
10. Laging maging konektado sa Kanya. Ang ating kaabalahan ay hindi dapat maging excuse para hindi magdasal. Mas busy tayo, mas maraming oras dapat ang ilaan natin sa Diyos. Huwag natin sabihing ang ating trabaho ay isa na ring anyo ng panalangin. Gayong maaari itong maging tama sa isang banda, ang panalangin ay dapat maging quality time kasama ang Diyos at tayo'y tumatahimik upang mas mapakinggan Siya.
11. Tanggapin ang mga interruptions. Pagbigyan ang Diyos na gambalain ka sa iyong mga plano, na nagtitiwalang Siya ang nakakaalam sa mas mabuti. Hindi Niya ibinibigay ang ating naisin agad-agad upang mapanatili tayo sa focus at makita ang pinakamahalaga. Dakilang halimbawa ay si Maria, na sa edad na 14 ay hindi inakalang siya ang magiging Ina ng Diyos. Isa pang halimbawa si Jose, na marahil nais ang normal at tahimik na buhay-may-asawa. Paminsan-minsan ginagambala tayo ng Diyos, hindi dahil isa Siyang kill-joy kundi dahil may mas mabubuti Siyang plano para sa atin. Pagbigyan natin Siyang kumilos sa ating buhay dahil alam Niya ang Kanyang ginagawa.
12. Magtapos nang mabuti. Huwag bumitaw sa gitna ng mga bagay. Kahit gaano ka pa sugatan, sikaping abutin ang finish line. Kapag sinimulan mo ang isang bagay, piliin mong magpatuloy hanggang sa huli. Huwag kalimutan ang dahilan kumbakit pinili mong gawin ang isang bagay. At huwag kalilimutan ang mga taong tumulong sa iyo sa paglalakbay.
13. Magpatawad gaano man kasakit ang idinulot sa iyo ng ibang tao. Gayong mas madali at mas komportable ang basta na lamang lumimot at magpatuloy, may kakaibang kalayaang matatamo kung pipiliing magpatawad. Nagpapatawad tayo dahil naniniwala tayong may mas mahahalagang bagay pa kaysa sa ating emosyon.