Ginanap sa kasalukuyang Bikol, masugid na deboto si Mando (Paulo Avelino) ng Birhen ng Penafrancia. Naging debosyon niya iyon para sa ikararami ng kanyang ani. Dahil hindi pa panahon ng anihan, kumikita si Mando sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga orchids sa gubat at ipinagbibili niya ito sa kabayanan. Isang araw, nakakita siya ng napakagandang orchid. Nang subukan niyang kunin iyon, nawalan siya ng balanse at nahulog mula sa puno.
Tinulungan siya ni Saling (Mara Lopez), isang mabait ngunit misteryosang dalaga na mag-isang nakatira sa gubat. Dahil sa kanilang pagkagusto sa musika, pareho silang nabitag ng kanilang pag-ibig. Kahit sinsero ang pagmamahal ni Mando kay Saling, nanatiling misteryosa ang dalaga. Pagtagal-tagal ng kanilang pagkakakilala, ipinakita na ni Saling ang misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao na nagdulot ng pagdistansya nila mula sa isa't isa. Hindi matanggap ni Mando na umiibig siya sa isang engkantada. Kay Oryol na sa sinaunang kuwentong Bikolano ay ang babaing isinumpang maging ahas.
Napatanong ako sa sarili nung pinanonood ang pelikula: iiwan na ba talaga ni Mando si Saling? O pipiliin niya ang pag-ibig kaysa pagdistansya. Ang pelikulang Debosyon ay hindi lang kuwento ng pagmamahal ng maraming beses at pagkasakit dahil sa pag-ibig, kundi isa ring salamin ng malalim na obserbasyon sa kultura at debosyong Filipino.
Ang Debosyon ay kuwentong naririnig natin mula sa mga taong nasa laylayan. Sa mga gilid gaya ng gubat, taniman at tabing-dagat. Ito'y tila nabasa ko na noong bata pa ngunit may kung anong lalim at bigat ang tema. Hindi ako makapaniwala sa katapusan ng eksena at para sa akin ay hindi dapat doon natapos iyon. Pero naunawaan ko naman pagkatapos na maganda rin naman pala ang katapusan ng pelikula. Binigyang-diin at bigat ang pagpapalitan ng salita nina Mando at Saling. Nakakaantig sa puso, at kaalinsabay niyon, napag-iisip kang talaga.
Sa katapusan ng pelikula, tinanong ni Saling si Mando kumbakit binalikan pa siya ng binata. Simple pero may lalim ang sagot ni Mando. Nakita niya ang mga mata ni Saling sa mga mata ng Ina ng Penafrancia. May nais sabihin ang Debosyon. Na ang pag-ibig ni Saling ay tumatalab sa puso ng binata. Hindi sumpa ang ibigin si Saling. Isa itong biyaya. Iyon ang mga matang maawain, maalam at matamis ng Mahal na Ina.
Gaya ni Mando, nahuhumaling na rin ako sa aking pagdedebosyon sa Mahal na Ina. Hindi sa Ina ng Penafrancia kundi sa Ina ng Walang Mag-ampon. Yung makita lang siya sa altar ng simbahan tuwing Lunes (para sa pagrorosaryo sa Monday Devotion) ay talagang nakagagaan ng pakiramdam. Tila ba binibigyan ako ng lakas para sa mga susunod na araw ng pagbibiyahe at pagtatrabaho. At nang sa pagbabalik ulit ng Lunes ay sabik akong muli na umuwi mula sa trabaho, nagmamadali upang makahabol sa pagrorosaryo at pagdarasal sa Mahal na Ina.
At naniniwala ako na ang bawat puso ng mga Pilipino ay may nakalaang puwang para sa mga Ina. Sa mga inang nag-aruga sa atin mula pagkabata, at sa namumukod-tanging Ina sa lahat ng mga ina.
Showing posts with label movie. Show all posts

Thursday, August 8, 2013
Debosyon.
Labels:
Debosyon
,
movie
,
ola
,
Penafrancia
,
reflection
,
Virgin Mary
Sunday, June 30, 2013
Usapang Pamilya.
Akala ko Vespers ang gumising sa akin kaninang umaga. Kanta pala ni Rey Valera, pinatutugtog ni Papa na naunang nagising kaysa sa akin. Sapagkat Linggo at wala naman akong pasok. Nagising ako at nagdasal: "kung ano mang dahila'y hindi mahalaga, basta't sinasamba kita."
Medyo puyat ako pero na-excite akong gumising sapagkat may bibisitahin akong simbahan. Nagyaya si Jo Idris at niyaya ko rin naman si Abi na magpunta sa Our Lady of the Abandoned Church sa Sta. Ana, Manila. Maganda yung simbahan at doon na kami nagmisa. Naalala ko nung bata pa ako at mayroon laging Children's Mass sa aming kapilya. Sapagkat sa unang misa sa hapon doon, mga bata ang nanguna at nagsidalo. Nag-feeling bata na lang din kami.
Habang nasa misa, napansin kong maaaring akyatin ang likod ng retablo at mahawakan ang manto ni OLA. Hindi kami nagkamali kaya't hindi namin pinalampas ang pagkakataong makaakyat at makahalik sa manto. Nakapagrosaryo pa kaming tatlo sa likuran ng Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon.
May night out ang pamilya ni Jo Idris kaya't nagsiuwian kami bago pa gumabi. Sa OLA Marikina kami bumaba. At bago magkahiwa-hiwalay, tuwang-tuwa si Abi sapagkat unang beses niyang nakapag-bless kay Bishop Francis, ang Auxillary Bishop ng Antipolo at Kura Paroko ng OLA Parish. Biro ko pa sa kanya na huwag munang maghilamos ng noo ng isang linggo dahil sa pagbless ni Bishop. Iba talaga sa pakiramdam kapag yung gusto mo't kinasasabikan mong paring magmisa ay nahawakan ka sa noo. Nakakalundag sa tuwa---gaya ng ginawa ni Abi kanina.
At di pa roon natapos ang araw ko. Nagkayayaan pa kami ni Abi na manood ng sine. Four Sisters and a Wedding. Kaya't usapang pamilya ang pamagat ng blog post kong ito. Sapagkat tungkol sa dinamismo ng bawat miyembro ng pamilya ang buod ng kuwento ng pelikula. Nahagip ng pelikula ang bawat detalyeng sumasalamin sa mga isyung pampamilya. Hindi lang tawa ang hatid, nakakaantig at nakakaiyak ang mga linya.
Naisip ko tuloy ang aking pamilya. Yung mga pinagdaanan namin mula noong bata pa kaming magkakapatid, hanggang sa mag-aral na't makatapos at ngayo'y malalaki na nga. Naalala ko sina Mama at Papa na nakitaan ko ng katatagan ng loob at buong pagtitiwala sa Diyos na malalampasan ng aming pamilya, lalo na nila, ang mga problema. Naiyak ako sa komprontasyon sa pelikula. Hindi ko alam kung sakaling mangyari rin iyon sa aking pamilya. Naalala ko tuloy yung Gospel. Na sumunod sa Diyos agad-agad, walang lingunan at buong pagtitiwalang susunod sa daan ng krus. Ng buhay. At yung pangarap kong mapaglingkuran din ang Diyos. At paano ko ipaliliwanag ito sa aking pamilya. Paano kung may mangyari ring ganitong komprontasyon? Iyakan. Kabigatan ng pakiramdam. Hindi ko alam ang mangyayari. Gusto kong magtiwala at maghintay sa panahong inilaan ng Diyos.
Nalaman kong anniversary pala ng mga magulang ni Jo Idris. At sa buwan naman ng Hulyo ang anibersaryo ng aking mga magulang. Doon siguro dapat ako ma-excite ngayon. Kung paano ko sila i-treat. Kung paano ko maipaparamdam na minamahal ko sila.
O, mahal naming Ina ng mga walang mag-ampon, sa kupkop mo kami ay sumasalilong. Nawa'y ibulong mo sa iyong minamahal na Anak, na amin ding kapatid, na mapagtagumpayan ng aking pamilya at ng pamilya ng aking mga kaibigan at lahat ng pamilyang Pilipino ang mga usapin at isyu sa loob ng aming pami-pamilya. Kayo San Jose, Maria at Hesus ang halimbawa ng banal na pamilyang kinalugdan ng Diyos. Maging gabay nawa namin kayo sa aming bahay. Amen.

church
,
family
,
Four Sisters and a Wedding
,
friends
,
movie
,
ola
,
prayer
,
reflection
,
sta. ana
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)