Hindi ko akalaing makakayanan ko pa ang pagod ngayong patapos na ang weekend. Salamat sa Diyos sa lakas na ibinigay Niya sa akin ngayong napakasayang weekend. Tunay nga, marami akong dapat ipagpasalamat sa Kaniya. At hindi ko na mahintay ang Lunes para kausapin si Mama OLA sa Monday devotion.
Simple lang ang kasiyahan ng tao, pinakukumplikado lang ng mga kagustuhan at materyal na bagay. Kaya ko nasabi iyan dahil sa naranasan ko ngayong weekend. Nakakapagod, pero napakasayang karanasan. Salamat sa pamilya nina Jo at Matthew sa pag-imbita sa akin na sumama sa Visita Iglesia. (Unang beses kong nakabisita sa pitong simbahang napuntahan: San Isidro Labrador Parish, Biñan, Laguna; Sta. Rosa de Lima Parish, Sta. Rosa, Laguna; St. John the Baptist Parish, Calamba, Laguna; Our Lady of Guadalupe Parish, Pagsanjan, Laguna; Saint Paul the Hermit Cathedral, San Pablo, Laguna; Nuestra Señora del Pilar Parish, Alaminos, Laguna; at, Saint Padre Pio of Pietrelcina Shrine, Sto. Tomas, Batangas.) Marami akong natutuhan sa pakikipag-usap sa magkapatid. Sana makasama ko pa kayo sa mga pagharap sa hamon ng Diyos, at malay natin, sa hamon ng bokasyon. May saya pala sa simpleng pagpunta sa simbahan, pagdarasal at kahit sa pagsasalo-salo sa pagkain. May saya sa simpleng pag-uusap at pagkukuwentuhan. Kayang matalo ng saya ang lungkot, stress at mga pangamba. Gaya nga ng natanggap kong isang text, "Maiintindihan ka Niya pero hindi lahat ng tao." Maiintindihan Niya yung nararamdaman mo kahit ano pa 'yan. At sa relasyon mo sa ibang tao, humuhugis ng wangis ang Diyos upang ipadama sa atin na nariyan lamang Siya. Nasa tabi, nasa harap, nasa gilid at maging sa likuran ng bawat nating paglalakbay.
Nakakataba ng puso 'yung ma-appreciate ng mga kaibigan mo yung mga simpleng bagay. Sa paglalaro ng badminton tuwing Sabado ng gabi, kayrami kong natututuhan sa mga kaklase ko. Hindi lang sa paglalaro ng badminton, pati rin sa paglalaro sa buhay. Sa literal at hindi literal na paraan.
May wangis ng Diyos akong nakikita sa tuwing nakakasama ko sila. Nakakatouch yung sabihan ka nila ng pasasalamat sa mga nagawa mo sa kanila. Hindi lang nila alam na ako rin mismo ay nagpapasalamat sa kanila. Pinasaya nila ang aking tahimik noong buhay. Pinalalim nila ang dati'y di kalalimang pagtingin ko sa buhay. Gaya ni Hesus, gusto kong sabihin nang taos sa puso ko, mula ngayon kayo'y aking kaibigan. Sana mas marami pa tayong pagsamahan. Yung mas iigting ang (covalent) bond natin sa isa't isa. Yung mas makikilala natin ang bawat isa. (Para may chemistry!) Yung magdala tayo ng saya sa tuwing magkakasama. Salamat sa inyo mga kaibigan ko. (Special mention sa inyo Abi, Giezel, Arvin, Jerome, Mhafe, Jek, Jo at Matthew.) I see God in every joy I feel. I really see His presence when I am with you.
At kahit pagod na sa tuwing matatapos ang badminton session, masaya ako sa pag-uwi. Baon ang bagong pagkatuto, maghahanda sa susunod na pagkikita at maghahanda ng panibagong kuwento na maiaambag sa inyo. Salamat sa pinagsamahan at sa mga pagsasamahan pa natin. From the bottom of my heart, GBU.
***
Reflectio:
Joy is a very Christian value. It is one of the fruits of the Holy Spirit. The joy of the early Christians was magnetic; it attracted many people into the Church. We have hundreds of joyful saints. The most famous of them is St. Francis of Asisi.
These joyful saints tell us that: joy makes the road to heaven easier. Joy is like the air in a balloon - it always makes the balloon go upwards. Joy is like the sail on a canoe: it gets you places without any work on your part. Joy keeps temptation away from you. Joy makes it easier to be good. Joy keeps the mind clear and the heart restful. No joyful person ever had ulcers, or committed suicide.As one saint put it, "Religion without joy is no religion." Another saint said, "Joy is God's housekeeper; sadness is the devil's nurse." We are children of God so we have a divine right to joy. Joy is made for us, and we for joy.
Isa lang ang alam kong sigurado ako. Pag naging Pari ka, magiging Obispo ka. :)
ReplyDeleteNatatakot ako Bro sa pipiliin kong bokasyon. Alam kong mahirap. Natatakot ako pero magtitiwala ako sa kakayahan ko na danasin yung hirap.
ReplyDeleteKahit ako malaki rin ang takot ko. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang at dapat isakripisyo. Pero ang sabi nga sa'kin dati sa seminaryo, walang masama kung susubukan mo, ang masama, yung alam mong tinatawag ka, pero hindi mo susubukan.
ReplyDeleteIba kang sumagot a. May lalim. Salamat, Bro.
ReplyDeleteSusubukan ko kahit hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Hahayaan kong gabayan ako ng kalooban ng Diyos. Sana sa pagkakataong tatanggapin ko na ang hamon, makayanan ko. At makayanan ng mga nagmamahal sa akin!