Ngayon pala inaalala ng Simbahan ang Feast of the Chair of
St. Peter. Siya yung unang Pope ng Simbahan. Biglang nakita ng lahat ng
nagsimba kanina sa BPI Chapel yung halaga ng pagdiriwang na ito. Ngayong
nalalapit na ang araw ng pagbibitiw ni Pope Benedict XVI bilang Bishop of Rome
at pinuno ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo.
Kahit ako na hindi pa naman nakita o nakasama ng personal si
Pope Benedict XVI, nakaramdam din ako ng pagkalungkot at pagkagulat sa kanyang
desisyon. Pauwi na ako galing trabaho, nagmamadali para sa Monday Devotion sa
OLA Parish, nang maisipan kong mag-Twitter sa cellphone. May tweet na
nagsasabing magreresign si Pope Benedict XVI sa February 28, 8:00 PM. Nagtweet
agad ako, nagtatanong kung totoo ba yung nabasa kong tweet. Pero lalo lang
nagsunod-sunod ang mga tweets tungkol sa balitang pagbibitiw ng Pope. Nasiguro ko nga noon na totoo pala talaga yung balita. Nalungkot ako sobra kaya tinext
ko agad yung balita sa mga kaibigan ko. Alam na rin pala nila.
Kayhirap ngang maging pinuno. Mas mahirap pa kung hindi mo
naman ginusto na maging pinuno. Lalo pa yung maging pinuno ng bilyong Katoliko
sa mundo. Alam yun ni Pope Benedict XVI. Pero nakitaan siya ng katatagan.
Mahirap maging Pope matapos ang matagal-tagal ding pamumuno sa atin ng
paboritong Pope, si Blessed John Paul II. Charismatic, well-loved at sikat sa
kahit saang bansa. Hindi yun mapapantayan ni Pope Benedict XVI na noong maging
Pope ay edad 78 na. Pero hindi mapapasubalian ninoman ang katalinuhan ni Pope
Benedict XVI. Napaghalo niya ang konserbatibong doktrina ng Simbahan at
neo-liberal na pananaw ngayon ng mga miyembro ng Simbahan. Nagkolehiyo ako sa
Ateneo, kumuha ng mga Theology subjects at tunay nga, sobra akong naliwanagan
sa mga sulat at encyclicals ni Pope Benedict XVI. Mamimiss ko siya pero
dala-dala ko sa puso ang mga pananaw niya ukol sa pamilya, pananampalataya at
maging konsyensya.
Pero kahit magbibitiw siya, hindi ako naniniwala sa mga
hulang huling yugto na ngayon ng Simbahan. Nagkakawatak-watak daw dulot ng mga
isyung ipinupukol dito pero naniniwala akong mawawala ang lahat pero hindi ang
Simbahan. Oo, nagkakamali ang Simbahan pero sa tingin ko’y natural lamang iyon.
Maging ang Simbahan ay hinahanap ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay. I
believe the Church is a Human Church. Being human, it can lead astray. But I
believe that the Church is also divine. Many centuries have gone but the Church
is still alive. Dahil sa Diyos mismo ang nagtatag. Hindi magtatagumpay ang
kasamaan laban sa Simbahan.
Kaya nga dapat lamang na pasalamatan ang Pope. Sapagkat siya
ang unifying agent ng iba-ibang kultura, pananaw at personalidad ng Simbahan.
Hindi siya nagpatalo sa mga nais buwagin ang pagkakaisa natin. Salamat po Pope
Benedict XVI sa pagiging buhay na imahen ni Kristo sa amin. Aalis ka pero hindi
ka iiwan ng Simbahang iyong ginabayan. Ipinakita mo sa lahat na may panahon para mamuno at sumuko. May panahon para makibaka at magpaalam. May panahon para sa lahat, magtiwala at maghintay ka lang.
At naniniwala akong Diyos ang may layon ng lahat. Papasok
tayo sa Marso ng sede vacante, o walang namumunong Pope sa Vatican City.
Magtutungo ang mga Cardinal doon upang pumili ng bagong Pope sa paraang Diyos
ang nagtakda. Hihirangin ang bagong Pope at naniniwala akong pinili siya hindi
ng mga Cardinal kundi ng Diyos mismo. Dahil kahit sa panahong tila walang
maririnig mula sa Diyos, sigurado pa ring kumikilos ang Diyos sa ating lahat.
Pero sa isang banda, without
any bias sa ating bagong Cardinal, Manila Archbishop Chito Tagle, totoong may
chance na siya ang mapili. Kulang na lang ng mabigat na dahilan (o plataporma?)
upang mapansin siya ng mga kapwa niya Cardinal.
Sa palagay ko, kailangan ng Simbahan ng isang Asian Pope.
Naniniwala ako na kailangang palakasin ang puwersa at concentration ng Simbahan
sa Asya. Sapagkat sa Asya naroon ang bilyong-bilyong tao pero 3% lang nito ay Katoliko. Lalo na sa China. At sino ba ang bagay na Pope na makahihikayat sa
China? Sa tingin ko, yung may dugong Tsino. Kahit 50% Chinese lang, parang si
Cardinal Tagle.
Kidding aside, nais kong ipanalangin si Pope Benedict XVI,
ang hihiranging bagong Pope at ang Simbahang kinabibilangan ko.
Lord, source of eternal life and truth, give to Your shepherd, the Pope, a spirit of courage and right judgement, a spirit of knowledge and love.By governing with fidelity those entrusted to his care may he, as successor to the apostle Peter and vicar of Christ, build Your church into a sacrament of unity, love, and peace for all the world.We ask this through our Lord Jesus Christ, Your Son, Who lives and reigns with You and the Holy Spirit, one God, forever and ever. Amen.
No comments :
Post a Comment