Ang discernment* ay isang habambuhay na paglalakbay, kaya ang pagpili kong huwag munang pumasok sa ngayon ay hindi nangangahulugang isinasarado ko na ang pintuan para sa posibilidad na iyon.
Totoo at naniniwala akong may mas malaking mundo sa loob. Oo, isang maliit na espasyo ng mundo ang seminaryo, subalit masasabi kong sa pamamagitan ng klase ng buhay ng mga taong naroon, bawat isa sa loob ay alam ang kahulugan ng responsibilidad – isang malaking salita, para sa mga matatanda. Ang kamay ng mga seminarista ay kailanman hindi natitigil sa pagkilos. Lagi at lagi silang abala sa kahit na ano at sa lahat ng ano mang gawain, basta lagi silang malinis at malayo sa kasalanan.
Ang buhay sa loob ng seminaryo ay payapa ngunit puno ng adventure. Pero kung papasok ako ngayon, palagay ko hindi ko makakayanan ang maka-survive. May mga bagay pa rito sa labas na hindi ko pa maiwan-iwan. Kung papasok ako ng seminaryo ngayon, para akong isdang inalis mula sa tubig. Sa ngayon, isa lang ang sigurado ako tungkol sa pagpasok ko sa loob, babalik ako kapag nagkaroon na ako ng baga.
Tanglawan Mo ang daan, Panginoon. Maghari Ka nawa sa aking buhay, at patnubayan ako. Pahintulutan Mo akong malaman ang tunay na plano Mo para sa akin.
*hango sa usapan namin ng isang Paring Salesiano matapos akong mangumpisal
Tuesday, November 26, 2013
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment