Naramdaman mo na rin ba iyon? Kung paanong mabagal ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay. At sa tuwing naiinip na ako, lumuluhod lang ako at humihingi sa Kanya ng grasya ng pagtanggap. Masakit man, alam kong may magandang plano pa ang Diyos at laging perpekto ang Kanyang pagkilos.
Hindi mabilis ang pagdating ng mga sagot. Kahit pa lagi akong nagtatanong. At nagpupumilit sa Kanya ng sagot. Salamat dahil tinuruan Niya ako ng isang tanging bagay, ang maghintay.
Higit sa lahat, ang magtiwala sa mabagal na pagkilos ng Diyos.
Natural ang pagkamainipin natin sa lahat upang makamit ang isang bagay nang walang pagkaantala. Iniiwasan na natin ang mga kasunod na hakbangin. Doon na agad tayo sa dulo. Doon sa may katiyakan. Mainipin tayo sa isang bagay na hindi tayo sigurado, sa bagay na bago sa atin.
Hindi ba’t sa bawat progreso ay dumadaan muna sa kawalang-katiyakan o instability na madalas inaabot ng mahaba-habang panahon?
Kaya nga nasa atin: ang ating mga ideya ay unti-unting magma-mature---hayaang magbunga, hayaang mahubog, sa tamang panahon. Huwag madaliin na makuha ngayon ang dapat ay makukuha sa kinabukasan.
Tanging Diyos lamang ang makapagsasabi kung ano iyong bagong espiritung nabubuo sa ating sarili. Bigyan natin ang Diyos ng pagkakataong magabayan tayo ng Kanyang kamay sa nais Niyang marating natin at tanggapin ang nararamdamang anxiety, suspense at incompleteness sa mga bagay na hindi tayo tiyak.
Friday, December 27, 2013
Ang Diyos at ang mabagal Niyang pagkilos.
Labels:
essay
,
faith
,
God
,
pagmumuni-muni
,
philosophy
,
reflection
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment