Tuesday, December 31, 2013

Kaibigan magpakailanman.



Laging masayang alaala 'yung balikan ko ang banal na gabing iyon na naramdaman kong tinawag ako ng Diyos sa pamamagitan ng isang kaibigan. Kahapon, mas naramdaman ko ang gawaing pinasok ko. Nakakapagod, oo. Mas nakakapagod pa sa parating na tatlong taon! Maraming-marami ang mga gawain. Pero masaya ako. Excited ako. Kasi mula nang sumagot ako ng "Oo" sa imbitasyong mas paigtingin ang debosyon kay Maria, mas nararamdaman ko ang lapit ng presensya ng Diyos. Mas naaakit ako sa buhay na puno ng pananalangin. Mas nakikilala ko ang sarili ko. Nakukumbinsi akong ipagpapatuloy ko talaga ang balak ko. Hindi, ang balak pala ng Diyos sa buhay ko.


Dati, nahanap ko na ang Diyos. Mula noon, hindi ko na mapigilan ang sarili na tahakin lamang 'yung landas na patungo sa Kaniya. Ngayon, nasisiguro ko nang lagi ko lang pala Siyang kasama. 

Nakita na kita. Tinawag ako upang sumunod sa kagustuhan Mo kaya buong puso nga akong susunod sa Iyo.


At ngayong officially installed na kami (noong Disyembre 8 pa nga!), panghahawakan ko na ngayon na isa na nga akong Youth Minister na nakatalagang magpahayag ng Mabuting Balita ng Diyos sa mga kabataang tulad ko at mas mahalin si Maria, ang Ina ng mga Walang Mag-ampon. Panalangin kong unti-unti ko sanang makilala ang mga kapwa ko Youth Ministers sapagkat alam kong



Sila rin ay gagabay sa aking paglalakbay;

Sila rin ang aagapay kapag ako’y nalulumbay;
Sila ang patnubay kapag ako’y pasaway;
Sila man ay  makapagbibigay ng saysay sa aking buhay.
Kaya naman ngayon pa lang, ako ay nagpupugay na dahil sa inyong ipinakitang halimbawa ng walang humpay na pag-alalay at debosyon kay OLA.
Salamat sa Diyos. Salamat sa inyo.
Hangad kong maging kaibigan magpakailanman.



                                       

No comments :

Post a Comment