Saturday, January 4, 2014

Panalangin ko bago umakyat ng bundok.

Ito ang panalangin ko bago umakyat ng bundok. Sapagkat nagbabalak, ay! nagbabalak muli kaming magkakaibigan na umakyat ng bundok ngayong buwan. 


O Hesus,

Gabayan mo ako sa matarik at mabatong landas na dadaanan ko. Una Kang maglakad sa akin at maging aking giya upang buong katapangan at buong kasiyahan kong maibigay ang aking sarili sa paglalakbay na ito, nang hindi nag-iiwan ng anomang marka sa daraanan, nang hindi nagrereklamo, nang hindi sumusuko.

Pahintulutan mo akong mamangha sa panginorin ng paligid upang hindi mawala ang aking paningin sa Iyong likhang kariktan. At upang taimtim din akong makapaghintay at maging giya ng aking mga kaibigang naglalakad din sa daang aking tinatahak. Upang mapanatili silang ligtas, matulungang itaas ang kanilang moral, at matuto kasama nila. Amen.






No comments :

Post a Comment