Celestial Music
Louise Glück
I have a friend who still believes in heaven.
Not a stupid person, yet with all she knows, she literally talks to God.
She thinks someone listens in heaven.
On earth she’s unusually competent.
Brave too, able to face unpleasantness.
We found a caterpillar dying in the dirt, greedy ants crawling over it.
I’m always moved by disaster, always eager to oppose vitality
But timid also, quick to shut my eyes.
Whereas my friend was able to watch, to let events play out
According to nature. For my sake she intervened
Brushing a few ants off the torn thing, and set it down
Across the road.
My friend says I shut my eyes to God, that nothing else explains
My aversion to reality. She says I’m like the child who
Buries her head in the pillow
So as not to see, the child who tells herself
That light causes sadness–
My friend is like the mother. Patient, urging me
To wake up an adult like herself, a courageous person–
In my dreams, my friend reproaches me. We’re walking
On the same road, except it’s winter now;
She’s telling me that when you love the world you hear celestial music:
Look up, she says. When I look up, nothing.
Only clouds, snow, a white business in the trees
Like brides leaping to a great height–
Then I’m afraid for her; I see her
Caught in a net deliberately cast over the earth–
In reality, we sit by the side of the road, watching the sun set;
From time to time, the silence pierced by a birdcall.
It’s this moment we’re trying to explain, the fact
That we’re at ease with death, with solitude.
My friend draws a circle in the dirt; inside, the caterpillar doesn’t move.
She’s always trying to make something whole, something beautiful, an image
Capable of life apart from her.
We’re very quiet. It’s peaceful sitting here, not speaking, The composition
Fixed, the road turning suddenly dark, the air
Going cool, here and there the rocks shining and glittering–
It’s this stillness we both love.
The love of form is a love of endings.
***
Nagdesisyon akong magpatuloy sa pagbasa dahil sa unang linya: “I have a friend who still believes in heaven.” Dito marami tayong makikitang konotasyon: Hindi naniniwala yung persona sa isang Makapangyarihang Naglalang at hindi niya nirerespeto ang mga naniniwala rito, pero mayroon siyang kaibigang naniniwala rito. Pinakita ng buong tula ang pagkakaiba ng personalidad ng dalawa: ang realistang persona ay hindi nakaririnig ng “celestial music” at natatakot para sa kanyang kaibigan na mabitag sa isang “net deliberately cast over the earth,” na nakakulong sa isang sistema na nagpapaniwala sa mga tao na mayroong elementong lampas pa sa realidad. Ang kaibigan niya naman ay “literally talks to heaven” at mukhang may kapayapaan at kapanatagan ng isip na paglaon ay inamin ng persona na wala
siya ng ganito.
Ang mahalagang imahe ng tula ay ang namamatay na higad (caterpillar) sa dumihan. Isang nilalang sa kalikasan na hindi naabot ang kanyang buong potensya – ang maging isang paru-paro (butterfly). Lumalayo ang tingin ng persona samantalang payapang tinitingnan ng kaibigan yung higad. Pinulot pa nga niya ito, inalisan ng mga langgam at iniayos sa kalsada. Naniniwala yung kaibigan na natural na proseso ang pagkamatay, at ito marahil ang kanyang pinananaligan kaya nahaharap niya ang mga “real events” sa buhay niya nang tahimik at may lakas ng loob sa pagtanggap.
Nakikitaan ko ng ironiya, sa ikatlong taludtod, yung kaibigan sa pagsasabing may “aversion” sa realidad ang persona dahil ipinipikit niya ang mata sa Diyos. Emosyonal para sa akin yung sandali sa tula na sinabihan ng kaibigan ang persona na para siyang “child who tells herself / That light causes sadness” – na para bang ang maniwala sa Diyos ay nagdudulot ng miserableng buhay. Sinabi naman ng persona sa kanyang kaibigan na para siyang isang ina na nagpupumilit sa kanya: “wake up an adult like herself, a courageous person.” Interesante yung yugtong ito sapagkat sa pag-uusap nilang ito, parang pumapayag yung persona, o tinatanggap niya kung hindi man agarang pagpayag, ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na tila siya isang bata.
Sa nabasa naman sa ikaapat na taludtod, nasiguro nga nating hindi naniniwala ang persona sa ginawa ng kanyang kaibigan. Hindi naririnig ng persona ang celestial music – subalit nakakakita siya ng kagandahan sa kapaligiran: “clouds, snow, a white business in the trees / Like brides leaping to a great height.” At sa ikalimang taludtod, lahat ng kanyang naririnig ay “silence pierced by a birdcall.” Iyon ang lahat ng kanyang naririnig at nadarama – ang realidad, kung ano man ang nasa eksistensyal na mundo.
Ngunit, in reality, mas mainit ang hangin, maging ang atmosphere sa pagitan ng kaibigan at ng persona. Nakaupo sila sa tabi ng kalsada at pinanonood ang paglubog ng araw. Sa ganitong panganorin, payapa ang pakiramdam ng persona. “It’s this moment we’re trying to explain,” naisip niya, “the fact / that we’re at ease with death, with solitude.” Kahit matindi ang pagkakaiba ng kanilang reaksyon sa namatay na higad at kahit nagtutunggalian ang kanilang paniniwala at personalidad, pareho silang nakakatagpo ng kapayapaan sa usapin ng katapusan, gaya ng paglubog ng araw, kamatayan at pag-iisa.
Gumuhit ng bilog ang kaibigan sa palibot ng patay na higad, bilang representasyon ng kanyang buhay na nakatapos ng isang siklo (come in full circle) nang magbalik ito sa alikabok kahit na alam naman nating hindi nito nakamit ang kabuuan ng buhay. Napansin ng persona na ang kanyang kaibigan ay laging ginagawang buo, maganda at may kakayahang mabuhay ng hiwalay sa sarili ang kahit na anong nilalang – na sa hinuha ko’y naniniwala ang kaibigan sa afterlife. Gayunman, pareho silang nakakaramdam ng kapanatagan sa kalikasan.
Sa huling linya, “The love of form is a love of endings,” marahil pinapatungkol ito ng persona sa porma ng mga bagay na kanyang nakikita, naririnig at nadarama: papalubog na araw, mga bato, ang kalsada, ang hangin, ang huni ng mga ibon. Marahil may kaugnayan ito sa Theory of Forms ni Platon. Ayon sa pilosopong si Platon, ang porma ang pundamental na esensya ng mga bagay at ito’y hindi nagbabago at eternal, kung kaya’t ang mga porma na nakikita at nadarama natin dito sa mundo ay pawang mga yari sa kopya. Gamitin natin ang komento ng kaibigan sa persona na may “aversion to reality.” Mukhang naniniwala ang kaibigan na ang “real” ay yaong mga porma, samantalang iniiwasan ng persona na maniwala sa ganitong mga porma. Subalit gusto ng persona ang mga kopyang ito na pawang naglalaho sa paglipas ng panahon – katulad ng sa kanyang kaibigan. Pareho nga silang may pagmamahal sa mga “endings” nito.
Samakatuwid, kahit magkaiba ang kanilang paniniwala sa kung mayroon bang lampas pa sa ano mang naririto sa mundo, pareho silang nagkakasundo sa nahahawakan at nadadamang mga porma na kahit na naglalaho at hindi perpekto ay mayroon pa ring kagandahang taglay.
Hindi layon ng tula na sabihin sa ating mga mambabasa kung mas makabubuti ba ang maniwala o hindi. Nagustuhan ko yung tula sa pagsasabi ng mga simpleng bagay: na ano man ang iyong pinaniniwalaan, may kagandahan pa ring taglay ang mundo. At may dalawang taong panatag sa isa’t isa at sa kariktan ng mundo kahit magkaiba ang pinaniniwalaan nila kung saan nagmumula ang ganda.
No comments :
Post a Comment