Thursday, July 11, 2013

Ang Diyos ay hindi malayo.

Kadalasan, pakiramdam natin kailangan nating hanapin ang Diyos, paghahanap na maaaring nasa porma ng walang humpay na pagtatanong tungkol sa kahulugan (o kawalang kahulugan) ng ating buhay o patuloy na pagkilos upang makamit ang pabor mula sa Diyos. Minsan nakikita ang Diyos bilang "Somebody-out-there" na kailangang sundin at i-please.

Subalit sa katahimikan ng ating pananalangin at sa pagsusuri ng puso, napagtatanto natin at nararamdaman na ang Diyos ay di kailan man umaalis sa atin. Na hindi kailan man tayo iniiwan ng Diyos. Ang Diyos ay ang Diyos na pumipiling manahan sa ating mga puso hindi dahil perpekto ang ating mga puso kundi dahil sa minamahal Niya tayong lahat. Kahit na anong panahon, Pasko man o hindi, Siya ang Emmanuel na sumasaatin. God is with us. Na laging gumagabay at nagmamahal sa atin.

Ang Diyos natin ay hindi malayo. Lumalayo man tayo, malapit pa rin Siya sa ating piling.


No comments :

Post a Comment