Tuesday, July 30, 2013

Kaya ko palang sumayaw para sa Kanya. #WYD2013

Matagal ko nang alam ang mga Taize chants at mga acoustic songs of worship. Estudyante pa ako sa Ateneo noon. Pero ngayon ko ito mas nagustuhan. Ngayon ko ito mas kinasabikan.

Ang mabilis na ikot ng mundo at ang dami ng mga teknolohiyang maaaring gamitin sa panahon ngayon ang punong dahilan kumbakit imposible para sa isang taong tulad ko ang maging tahimik – ang magnilay sa katahimikan. Mula Lunes hanggang Biyernes, marami akong gawain at trabahong dapat tapusin sa itinakdang oras. Subalit ang ingay na dulot nitong aking mundo ang nagpapausbong sa kasabikan at uhaw ko para makamit ang katahimikan sa aking sarili.



Maliban sa araw-araw kong gawain bilang isang empleyado, may ibang mga bagay sa aking buhay na kumokontrol sa akin. Ginagamit ko ang Blog na ito upang makapagsulat ng aking mga repleksyon at panalangin. Ginagamit ko ang Facebook, Twitter, at Instagram upang makipag-usap sa mga kaibigan, makita ang kanilang mga litrato at makapagpakita rin ako ng aking mga litrato. Nagbabasa rin ako ng mga libro paminsan-minsan. Nakikinig din ako ng mga awit sa aking cellphone. Sa mga gawaing ito, mukhang hindi ko makakamit ang maging payapa kahit na isang minuto.

Pero nagkakamali ako. Ang nangyari sa Local World Youth Day sa Don Bosco Technical Institute (Makati) – ang naranasan kong pagdarasal kasama ng mga kapwa kabataan mula sa iba’t ibang diyosesis at organisasyong pangkabataan sa Metro Manila – ang nagturo sa akin muli kung ano ang pundamental nating pangangailangan, ang katahimikan. Nung isinaisantabi ko ang lahat ng aking mga gawain at alalahanin, katahimikan ang tanging natira sa akin. Sa katahimikan ng aking puso, doon ko sinimulang kausapin ang Diyos. Ang karanasang magdasal nang mataimtim kasama ng mga kabataan ay nagturo sa akin kung paano magtiwala at magmahal sa Diyos at pahalagahan kahit ang maliliit na kakayahan at talentong taglay ko. Ipinakita sa akin ng World Youth Day ang marami at kakaibang aspeto ng buhay ko na madalas ay hindi ko napapansin. Kaya ko palang sumayaw para sa Kanya. Kaya ko palang lumuhod sa harapan Niya nang pagkatagal-tagal. Kaya ko palang kalimutan at huwag munang alalahanin yung mga gawain ko sa labas.

Nagkaroon ako ng pagkakataong damhin ang kapayapaan sa gitna ng aking mga gawaing pinagkakaabalahan. Kahit tapos na ang dalawang araw ng pagsasama ng mga kabataan, at kahit lahat kami ay nakauwi na sa kani-kaniyang mga tahanan, patuloy pa rin ang paglalakbay tungo sa kapayapaan at katahimikan.

Kung susumahin ko ang aking karanasan sa Local World Youth Day, masasambit ko iyon sa tatlong salita: “Pag-ibig ng Diyos.” Sapagkat ang lahat ng kayang gawin ng Diyos ay umibig, hindi dahil sa atin kundi dahil sa Siya mismo ang pag-ibig. At ang pinakamahalagang desisyon o commitment na inialay ko sa huling Misa na pinangunahan ng butihing Arsobispo ng Maynila, Cardinal Tagle, ay ang maghamal hanggang sa masaktan, hanggang sa hindi na ako masaktan at tanging pag-ibig na lang ang aking maramdaman. Ang sikreto pala ay ang isuko sa Diyos ang lahat ng ating minamahal at kalimutan ang ating mga sarili sa ano mang kalooban Niya, nang may buong pagtitiwala na ang lahat ay mabuti basta’t Siya ang may gawa.

Bilang pangwakas nitong pagninilay, lubos akong nagpapasalamat sa mga kaibigang nakasama ko sa dalawang araw ng pagtitipon at sa mga bagong nakilalang sana’y maging kaibigan ko rin sa mga susunod pang imbitasyon ng Diyos at ng Simbahan sa aming mga kabataan. Hanggang sa susunod na pagsasama, pagsayaw, pag-awit, paglalakbay, at pagdarasal! Mahal na mahal tayong lahat ng Diyos. Amen.



Magwawala ako sa harap ng Panginoon
Aawit kahit wala sa tono.
Sasayaw ako ng buong laya.
Ito'y munting handog ko sa Kanya.

Eh ano! Eh ano!
Kung mukha akong baliw.
Eh ano! Eh ano! Eh ano!
Eh ano! Eh ano!
Kung mukha akong baliw.
Eh ano! Eh ano! Eh ano!
'Di ko maitago, pag-ibig kong ito
Eh ano!
Basta't mahal ko si Kristo.





Saturday, July 27, 2013

Saan/Ano nga ba ang kaharian ng Diyos?

Matthew 13:24-30

Jesus told them another parable, “The kingdom of heaven can be compared to a man who sowed good seed in his field. While everyone was asleep, his enemy came and sowed weeds among the wheat, and went away. When the plants sprouted and produced grain, the weeds also appeared. Then the servants of the owner came to him and said, ‘Sir, was it not good seed that you sowed in your field? Where did the weeds come from?’ He answered them, ‘This is the work of an enemy.’ They asked him, ‘Do you want us to go and pull up the weeds?’ He told them, ‘No, when you pull up the weeds, you might uproot the wheat with them. Let them just grow together until harvest; and at harvest time I will say to the workers: Pull up the weeds first, tie them in bundles and burn them; then gather the wheat into my barn.’”


Ang ideya ng kaharian sa langit o ng kaharian ng Diyos ay siyang mahalagang tema ng ating Diyos sa Kanyang mga pangangaral. Ito yung pinakaugat ng Kanyang ministri na ipinagkatiwala Niya sa mga disipulo. Subalit ang kaharian sa langit o ang kaharian ng Diyos ay hindi madaling maintindihan para sa Kanyang mga tagapakinig noon – maging ngayon din naman sa atin. Kaya Siya gumamit ng maraming parabula upang ilarawan ang kahariang ito. Ano nga ba itong kaharian ng Diyos? Sa totoo lang, hindi sinabi ni Hesus na ito'y isang lugar. Mas maiintindihan natin ang "kaharian ng Diyos" bilang "paghahari ng Diyos." Sa ganitong pag-uunawa, makakaalis tayo sa ideya ng lugar o lokasyon.

Makikita nating parehong umuusbong at nagtatalaban ang mabuti at ang masama sa maraming sitwasyon. Ipagdasal natin na, sa ating mga pamilya, pamayanan, bayan at sa buong mundo, manaig nawa ang paghahari ng Diyos. Dapat din nating maunawaan, na maging sa ating sariling buhay at puso, sabay na namamahay ang kabutihan at kasamaan. Ang tanong ngayon: paano natin mapatutuloy ang Diyos na maghari sa ating mga puso at buhay? Ano ang maaari nating gawin upang lumaganap ang Kanyang paghahari sa mundo?

Habang isinusulat ko ito, naghahanda ako sa pagdalo sa local celebration ng World Youth Day sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City. Nasasabik ako sa pagtitipong ito. Huli akong nakadalo sa isang youth/Eucharistic Congress noong 2005 at 2011 pa. Pangarap ko mula pa noong high school na makasama sa World Youth Day sa ibang bansa. Hindi ko nakamit ngayong taon sa Rio de Janeiro sa Brazil. Sana sa susunod makasama na ako at aking mga kaibigan. Kabataan pa naman kami. 

At hindi kami makakadalo sa 4th Saturday Devotion dahil dito. Maiintindihan naman iyon siguro ni Mama OLA. Sa susunod na buwan. siguradong babawi kami.

Lord, gabayan Mo po kaming lahat ng kabataan na dumudulog sa Iyong banal na presensya. Maghari ka nawa sa aming buhay ngayon at magpakailanman. Amen.

Thursday, July 25, 2013

I have a friend who still believes in heaven.


Celestial Music
Louise Glück


I have a friend who still believes in heaven.
Not a stupid person, yet with all she knows, she literally talks to God.
She thinks someone listens in heaven.
On earth she’s unusually competent.
Brave too, able to face unpleasantness.

We found a caterpillar dying in the dirt, greedy ants crawling over it.
I’m always moved by disaster, always eager to oppose vitality
But timid also, quick to shut my eyes.
Whereas my friend was able to watch, to let events play out
According to nature. For my sake she intervened
Brushing a few ants off the torn thing, and set it down
Across the road.

My friend says I shut my eyes to God, that nothing else explains
My aversion to reality. She says I’m like the child who
Buries her head in the pillow
So as not to see, the child who tells herself
That light causes sadness–
My friend is like the mother. Patient, urging me
To wake up an adult like herself, a courageous person–

In my dreams, my friend reproaches me. We’re walking
On the same road, except it’s winter now;
She’s telling me that when you love the world you hear celestial music:
Look up, she says. When I look up, nothing.
Only clouds, snow, a white business in the trees
Like brides leaping to a great height–
Then I’m afraid for her; I see her
Caught in a net deliberately cast over the earth–

In reality, we sit by the side of the road, watching the sun set;
From time to time, the silence pierced by a birdcall.
It’s this moment we’re trying to explain, the fact
That we’re at ease with death, with solitude.
My friend draws a circle in the dirt; inside, the caterpillar doesn’t move.
She’s always trying to make something whole, something beautiful, an image
Capable of life apart from her.
We’re very quiet. It’s peaceful sitting here, not speaking, The composition
Fixed, the road turning suddenly dark, the air
Going cool, here and there the rocks shining and glittering–
It’s this stillness we both love.
The love of form is a love of endings.


***


Nagdesisyon akong magpatuloy sa pagbasa dahil sa unang linya: “I have a friend who still believes in heaven.” Dito marami tayong makikitang konotasyon: Hindi naniniwala yung persona sa isang Makapangyarihang Naglalang at hindi niya nirerespeto ang mga naniniwala rito, pero mayroon siyang kaibigang naniniwala rito. Pinakita ng buong tula ang pagkakaiba ng personalidad ng dalawa: ang realistang persona ay hindi nakaririnig ng “celestial music” at natatakot para sa kanyang kaibigan na mabitag sa isang “net deliberately cast over the earth,” na nakakulong sa isang sistema na nagpapaniwala sa mga tao na mayroong elementong lampas pa sa realidad. Ang kaibigan niya naman ay “literally talks to heaven” at mukhang may kapayapaan at kapanatagan ng isip na paglaon ay inamin ng persona na wala
siya ng ganito.

Ang mahalagang imahe ng tula ay ang namamatay na higad (caterpillar) sa dumihan. Isang nilalang sa kalikasan na hindi naabot ang kanyang buong potensya – ang maging isang paru-paro (butterfly). Lumalayo ang tingin ng persona samantalang payapang tinitingnan ng kaibigan yung higad. Pinulot pa nga niya ito, inalisan ng mga langgam at iniayos sa kalsada. Naniniwala yung kaibigan na natural na proseso ang pagkamatay, at ito marahil ang kanyang pinananaligan kaya nahaharap niya ang mga “real events” sa buhay niya nang tahimik at may lakas ng loob sa pagtanggap.


Nakikitaan ko ng ironiya, sa ikatlong taludtod, yung kaibigan sa pagsasabing may “aversion” sa realidad ang persona dahil ipinipikit niya ang mata sa Diyos. Emosyonal para sa akin yung sandali sa tula na sinabihan ng kaibigan ang persona na para siyang “child who tells herself / That light causes sadness” – na para bang ang maniwala sa Diyos ay nagdudulot ng miserableng buhay. Sinabi naman ng persona sa kanyang kaibigan na para siyang isang ina na nagpupumilit sa kanya: “wake up an adult like herself, a courageous person.” Interesante yung yugtong ito sapagkat sa pag-uusap nilang ito, parang pumapayag yung persona, o tinatanggap niya kung hindi man agarang pagpayag, ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na tila siya isang bata.

Sa nabasa naman sa ikaapat na taludtod, nasiguro nga nating hindi naniniwala ang persona sa ginawa ng kanyang kaibigan. Hindi naririnig ng persona ang celestial music – subalit nakakakita siya ng kagandahan sa kapaligiran: “clouds, snow, a white business in the trees / Like brides leaping to a great height.” At sa ikalimang taludtod, lahat ng kanyang naririnig ay “silence pierced by a birdcall.” Iyon ang lahat ng kanyang naririnig at nadarama – ang realidad, kung ano man ang nasa eksistensyal na mundo.

Ngunit, in reality, mas mainit ang hangin, maging ang atmosphere sa pagitan ng kaibigan at ng persona. Nakaupo sila sa tabi ng kalsada at pinanonood ang paglubog ng araw. Sa ganitong panganorin, payapa ang pakiramdam ng persona. “It’s this moment we’re trying to explain,” naisip niya, “the fact / that we’re at ease with death, with solitude.” Kahit matindi ang pagkakaiba ng kanilang reaksyon sa namatay na higad at kahit nagtutunggalian ang kanilang paniniwala at personalidad, pareho silang nakakatagpo ng kapayapaan sa usapin ng katapusan, gaya ng paglubog ng araw, kamatayan at pag-iisa.

Gumuhit ng bilog ang kaibigan sa palibot ng patay na higad, bilang representasyon ng kanyang buhay na nakatapos ng isang siklo (come in full circle) nang magbalik ito sa alikabok kahit na alam naman nating hindi nito nakamit ang kabuuan ng buhay. Napansin ng persona na ang kanyang kaibigan ay laging ginagawang buo, maganda at may kakayahang mabuhay ng hiwalay sa sarili ang kahit na anong nilalang – na sa hinuha ko’y naniniwala ang kaibigan sa afterlife. Gayunman, pareho silang nakakaramdam ng kapanatagan sa kalikasan.

Sa huling linya, “The love of form is a love of endings,” marahil pinapatungkol ito ng persona sa porma ng mga bagay na kanyang nakikita, naririnig at nadarama: papalubog na araw, mga bato, ang kalsada, ang hangin, ang huni ng mga ibon. Marahil may kaugnayan ito sa Theory of Forms ni Platon. Ayon sa pilosopong si Platon, ang porma ang pundamental na esensya ng mga bagay at ito’y hindi nagbabago at eternal, kung kaya’t ang mga porma na nakikita at nadarama natin dito sa mundo ay pawang mga yari sa kopya. Gamitin natin ang komento ng kaibigan sa persona na may “aversion to reality.” Mukhang naniniwala ang kaibigan na ang “real” ay yaong mga porma, samantalang iniiwasan ng persona na maniwala sa ganitong mga porma. Subalit gusto ng persona ang mga kopyang ito na pawang naglalaho sa paglipas ng panahon – katulad ng sa kanyang kaibigan. Pareho nga silang may pagmamahal sa mga “endings” nito.

Samakatuwid, kahit magkaiba ang kanilang paniniwala sa kung mayroon bang lampas pa sa ano mang naririto sa mundo, pareho silang nagkakasundo sa nahahawakan at nadadamang mga porma na kahit na naglalaho at hindi perpekto ay mayroon pa ring kagandahang taglay.

Hindi layon ng tula na sabihin sa ating mga mambabasa kung mas makabubuti ba ang maniwala o hindi. Nagustuhan ko yung tula sa pagsasabi ng mga simpleng bagay: na ano man ang iyong pinaniniwalaan, may kagandahan pa ring taglay ang mundo. At may dalawang taong panatag sa isa’t isa at sa kariktan ng mundo kahit magkaiba ang pinaniniwalaan nila kung saan nagmumula ang ganda.





Tuesday, July 23, 2013

Kung ikaw ay mahulog sa bangin ay sasaluhin kita. Huwag kang matakot.


Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay...


Napakaganda ng pahiwatig ng awit na ito sa aking buhay ngayon. Marahil, ito rin ang nais ipagbigay-alam ng Diyos sa sinumang nagnanais na sumunod sa kanya. "Huwag kang matakot, 'di kita pababayaan, nandito lang ako." 

Naisip ko noong marahan akong bumababa sa bundok ng Daguldul sa Batangas kasama ng aking mga kaibigan. Kumakatok ang Diyos sa ating mga puso, palagi, at ang pinakamaliit na bagay na maaari nating magawa ay magpatuloy sa Kanyang tawag. Dahil madalas ay pinipili nating huwag damhin ang pagkatok Niya sa ating mga puso, nami-miss natin yung sandaling iniimbitahan Niya tayong marinig ang bawat pagtawag Niya. 

Habang nababalot kami ng dilim at kawalan sa tuktok ng bundok, sinubukan kong pagmunihan kumbakit dapat manalig sa Kanya. Bumukas sa aking isip ang ganitong realisasyon. Na hindi sa lahat ng pagkakataon madadala natin ang mga bagay na gusto nating dalhin. Lalo na sa pag-akyat sa bundok. Mayroon kang dapat iwan. Kaya nga sabi ni Hesus noon sa Kanyang mga alagad: humayo kayo sa bawat bayan bilang mga sugo Ko nang walang dalang lukbutan ni mga pansapin sa paa. Naisip ko, kung gayon, ang pananalig ang simula ng bawat nating pagbubukas ng puso at pagpapaunlak sa Diyos na manahan sa ating piling. Tila ito pagsusugal sa ating buhay. At inaatasan tayong sumugal nang lahat-lahat sa atin. Sapagkat matalo man tayo at maubos ang ating mga dalahin, patuloy pa rin naman ang ragasa ng pag-ibig ng Diyos. Iyon ang pananalig. Kahit ang pinakamatulis na bato sa gubat ay napakikinis ng patuloy na ragasa ng tubig.

At salamat sa aking mga kaibigan, sa mga simpleng gimik natin, sa mga kuwentuhan at sharings, sa pagtitiwala ng mga bagay-bagay sa akin. Salamat sa mga simpleng trips natin. Sa pagpapakatotoo, at pagiging tunay na kaibigan. Ang pagiging simple ang pundasyon ng pagkakaibigang ito. Manatili nawa tayong ganito. Salamat sa growth experiences na kasama kayo. Ngunit hindi nananatili rito ang lahat. Kailangan din nating maghanap ng ibang growth sa ibang bagay na patuloy na hinahangad ng puso natin. Nawa ay marami pa tayong gawing alaala na magkakasama. Samahan niyo akong maging panatag sa mga susunod na buwan. Ipagdasal niyo ang aking bokasyon. Upang maging karapat-dapat ang sarili ko para sa kagustuhan ng Diyos sa buhay ko. Salamat sa inyo Idris, Matthew, Abi at Jek na naging bahagi ng buhay ko. ü


















































Take nothing but pictures,
Leave nothing but footprints,
Kill nothing but time.

Thursday, July 18, 2013

Lord, why me?

The seminarian experiences the beauty of that call in a moment of grace which could be defined as “falling in love.”  His soul is filled with amazement, which makes him ask in prayer: “Lord, why me?”  But love knows no “why;” it is a free gift to which one responds with the gift of self.

--Pope Benedict VI in a meeting with seminarians for the Twentieth World Youth Day, 19 August 2005

Wednesday, July 17, 2013

Pagpili, Paglalakad.

Pauwi ako ng bahay galing Ateneo nang magdesisyon akong maglakad kaysa sumakay ng dyip. Habang naglalakad sa Barangka, may napadaang traysikel at bumusina sa akin. Kilala ko yung nagmamaneho ng traysikel dahil madalas akong sumasakay noon sa kanyang traysikel. Sabi niya, “Bakit ka naglalakad? Sakay na, siyete na lang (ibayad mo).” Sagot ko, “Salamat pero hindi na ho.” Saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nung naalala ko ang pangyayaring yun, bigla kong naisipang magnilay tungkol sa simplicity o kapayakan. Hindi dahil sa ayaw kong sumakay ng dyip o traysikel kundi dahil tungkol ito sa pagpili kong maglakad bilang mas maginhawang opsyon para sa akin. Hindi ko tinanggihan ang sumakay kundi pinili ko lang yung simpleng gawin, ang maglakad. Madalas naman akong naglalakad – mula bahay patungong sakayan ng shuttle, o patungong simbahan o noong estudyante pa ako, patungong eskuwelahan. Pero siyempre pinipili ko rin naman ang sumakay kapag malayo-layo ang pupuntahan.

Binibigyan ako ng kakaibigang ligaya kapag naglalakad sapagkat napagmamasdan ko ang paligid at nakikita ko nang malapitan ang ibang tao. Yung oportunidad na makakilala ng kapwa ay naghahatid ng simpleng saya na tanging sa paglalakad ko lamang nakukuha. Kakaibang karanasan at mas malalim na pagkilala sa tao at kapaligiran. Higit sa lahat, mas mabuti sa kalusugan.

Kaya nga nang una kong pagbisita sa Tagaytay kasama ang isang kaibigan, hindi kami sumakay ng dyip o traysikel mula Olivarez rotonda patungong Picnic Grove at People’s Park in the Sky. Pinili naming maglakad sa gilid ng daan, umiiwas sa panaka-nakang harurot ng mga sasakyan. Mabuting tirik man ang araw ay malamig naman. Doon ko napagtanto na sa paglalakad ay hindi ka mauubusan ng salita. Upang hindi maramdaman ang pagod sa paglalakad ng labindalawang kilometro, makikipagkuwentuhan ka talaga. Hindi tulad sa dyip o traysikel na basta ka na lang matatahimik. Mas may umuusbong na komunikasyon sa paglalakad. Ako at ang aking kaibigan. Ako at ang aking sarili. Ako at ang kapaligiran.

Naalala ko yung kuwento dati ni Fr. Chito Tagle, na ngayon ay mabunying Arsobispo na ng Arsidiyosesis ng Maynila, na sa pagbibigay niya ng seminar o pagmimisa, mas pinipili niyang maglakad kaysa ang sumakay lalo na kung doon lang naman sa nasasakupan niyang parokya. Sa ganung pagpili raw nagkaroon siya ng oras na mas makilala ang kanyang mga parokyano. Isa pang kuwento niya sa kanyang homiliya noong 1st Ignatian Festival sa Ateneo ay tungkol sa pagpunta-punta niya sa Baguio City para magbigay ng annual retreat. Sa pagpili raw ng sasakyang bus ng Victory Liner – kung airconditioned o ordinary – pinipili niya kung saan makakasalamuha ang karaniwang tao at masusundan ang daan ni Kristo. Saka siya nagbigay ng halimbawang maka-Atenista: kung bibili raw ba o hindi ng Starbucks coffee sa Katipunan, iisipin daw kung saan masusundan ang daang tinahak ni Kristo. Discernment parati, sapagkat hinubog daw ang Atenista bilang mga ka-diwa ni San Ignacio de Loyola.


Hanga ako sa kanyang kapayakan kaya’t pinipili ko siya bilang aking modelo. Kardinal na siya, subalit puno pa rin ng kababaang-loob at kapayakan sa pagkilos. Simpleng buhay pero malaki ang epekto sa paningin ng mga tao, kasama na ako.

Tuesday, July 16, 2013

I can never be ready; I can always try.

Last night, I was with Abi and Jerome to attend the Monday Devotion to OLA. Our Obreros friends, Idris and Matthew, were not able to attend for they have work and school classes, respectively, every night. At least, other Obreros are friendly. Before praying rosary, I had the opportunity to visit first the Blessed Sacrament in the Adoration Chapel at the right side of the church. I had the opportunity to ask Him questions that haunt me the last night.

When will I be ready?

Am I worthy?

What should I do to follow You?


I told Him that I am willing to wait for His answers. And I started praying that He use other people as His instruments in answering my questions. I now have my own answer: “I can never be ready; I can always try.” But I never expected I could encounter His answer right there, right then, that same night.

I was surprised that Fr. Mike, the assistant Parish Priest of OLAP, saw us while waiting for our ordered fishball-turned-to-kikiam-because-fishballs-are-already-soldout after we left the church. He started a short conversation. He asked us how was our bowling experience which he failed to join last Sunday. Then he turned to me once more before he left us. “Kailan ka papasok...Paano mo malalaman ang kasagutan sa bokasyon mo kung hindi mo susubukan? Post ka lang ng post sa FB, wala ka namang ginagawang hakbang. Pagnilayan mo.” I was astounded with his remark. These words pondered to my mind that moment until I reach home. Until today.

I am sinful; I have no doubt about it. I have done grave actions that offended God, yet I thought my charity would suffice the emptiness and hurt in my part. A hypocrite! That is what I am. I feel sorry for hiding myself to people who are dear to me as I was afraid that they won’t accept me for who I am. I was afraid to be rejected. Now, I realized that I can’t please everyone, but because of these rejections I realized that I am able to love myself. I will never attain such point wherein I’ll be ready and be worthy of Him, only I can try and prepare.

Every now and then, I choose to go to confession. Just to take suggestions and perspectives of different priests about my concern on vocation.

But how should I really prepare myself? What steps should I take at this moment? There is so much to do in such a span of time. I hope it’s not too late to start again.


On the other note, I was so happy for this week I made such a big decision. I always feel shy inside the church, or the BPI chapel for this matter, where I just take my favorite seat every time I attend Mass. The guitarist, named Arem (I hope I got his name right!), has been seeing me attending Mass every day. In the canteen, he approached me and invited me to join them in the choir. I know I can sing and I love to sing Mass songs, but not to the point of joining any choir. Pero malakas ang hatak ni Lord! Napa-oo ako sa imbitasyon. I believe Arem is made instrument by God to invite me to serve in the Mass at our BPI Chapel. In that big decision, I hope to learn a lot. I hope to make friends with them. I pray to serve Him that way. Finally, I can say I could sing of Your love forever.

Thursday, July 11, 2013

Ang Diyos ay hindi malayo.

Kadalasan, pakiramdam natin kailangan nating hanapin ang Diyos, paghahanap na maaaring nasa porma ng walang humpay na pagtatanong tungkol sa kahulugan (o kawalang kahulugan) ng ating buhay o patuloy na pagkilos upang makamit ang pabor mula sa Diyos. Minsan nakikita ang Diyos bilang "Somebody-out-there" na kailangang sundin at i-please.

Subalit sa katahimikan ng ating pananalangin at sa pagsusuri ng puso, napagtatanto natin at nararamdaman na ang Diyos ay di kailan man umaalis sa atin. Na hindi kailan man tayo iniiwan ng Diyos. Ang Diyos ay ang Diyos na pumipiling manahan sa ating mga puso hindi dahil perpekto ang ating mga puso kundi dahil sa minamahal Niya tayong lahat. Kahit na anong panahon, Pasko man o hindi, Siya ang Emmanuel na sumasaatin. God is with us. Na laging gumagabay at nagmamahal sa atin.

Ang Diyos natin ay hindi malayo. Lumalayo man tayo, malapit pa rin Siya sa ating piling.


Tuesday, July 9, 2013

Kapag may nakasalubong tayong mahirap, paano ang ating reaksyon?

Kapag may nakasalubong tayong mahirap, paano ang ating reaksyon? Madalas inaabala natin ang ating sarili sa pang-araw-araw na alalahanin kaya wala tayong reaksyon sa nasasalubong. Pero may kabutihang nananahan sa atin kaya nakakaramdam tayo ng simpatiya sa mahirap, na madalas nakikita sa ating pagkikibit-balikat o may impulse ng pagtulong. Pipili ka lang ng reaksyon sa dalawang opsyon, at depende ito sa iyong mood, kung paano ang magiging reaksyon sakaling makasalubong ang mahihirap.

May ilang taong nagkikibit-balikat at patuloy lang sa paglalakad, habang sinasabi sa sarili: “Talagang ganyan ang mundo.” May ilang tao namang nagkikibit-balikat din ngunit nag-aalay ng panalangin para sa mahirap habang tahimik na naglalakad palayo. May nananalangin sa Diyos na alisin sa kaawa-awang kondisyon yaong nakasalubong na mahirap kahit man lang isang araw. May nagkikibit-balikat at napapabuntong-hininga: “Kung mayaman lang ako, natulungan na sana kita. Kaso sa sitwasyon ko rin ngayon, mas mayaman lang naman ako ng kaunti kaysa sa iyo.”

Subalit relatibo ang kahirapan. Sino ba ang tunay na mahirap sa usaping ito? May mga pahayag sa Bibliya, lalong-lalo na ang Beatitudes, na nagpapakitang paborito at binibigyang-halaga ng Diyos ang mahihirap. Mas higit ang Kanyang pagmamahal sa kanila. Mas nangangailangan sa Diyos ang mahihirap, samantalang hindi na pinapansin paminsan-minsan ng mayayaman ang Diyos. Naka-angkla ang buhay ng mahihirap sa maawain at umaapaw na grasya ng Diyos samantalang madalas na nabubulag ang mayayaman sa materyal na
bagay.

Sino ang mas nakaaangat---ang salat sa materyal na pag-aari o yung salat sa pagmamahal ng Diyos? Yung maglakad sa kalsada o eskinita o footbridge o underpass ng may napakagarang sandalyas na pinupuri ng mga tao, o yung walang masuot na panyapak ngunit puspos ang pagmamahal ng Diyos? Ano ang pipiliin mo?


Panalangin: 
Panginoon, huwag sanang magmaliw ang pag-ibig Mo sa akin. Maghirap man ako sa materyal na bagay, makamit ko naman sana ang kayamanan ng Iyong awa at pag-ibig. Hindi ko hahangarin na mag-ari ng yaman dahil sasapat na ang makapiling Ka sa bawat araw. Amen.

Saturday, July 6, 2013

Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay.

I no longer call you servants, because a servant does not know his master's business. Instead, I have called you friends, for everything that I learned from my Father I have made known to you. You did not choose me, but I chose you and appointed you to go and bear fruitfruit that will last. Then the Father will give you whatever you ask in my name.
— John 15:15-16


Binibigyang depinisyon
ko ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagkilala sa puso ng iba at pagbabahagi ko naman ng sariling puso sa kapwa. Ibinabahagi kasi natin ang nilalaman ng ating puso sa mga taong pinagkakatiwalaan natin, at pinagkakatiwalaan natin yung mga taong may pakialam sa buhay natin. Nagbabahagi tayo sa ating mga kaibigan dahil sigurado tayong gagamitin nila ang ibinigay nating personal na kuwento at impormasyon sa pagtulong sa atin, hindi sa ating pagkasira. Ganun din naman ang ating mga kaibigan sa atin sa parehong kadahilanan.

Madalas nating itinuturing si Hesus bilang ating kaibigan dahil alam nating ang tanging nais Niya ay yaong makabubuti sa atin. Ibinabahagi natin sa Kanya ang kuwento ng ating buhay dahil nagtitiwala tayo sa Kanya. Pero ganoon nga rin ba Siya sa atin?

Sinimulan Niyang tawagin ang mga disipulo hindi bilang tagasunod kundi bilang kaibigan dahil ipinagkatiwala Niya sa kanila ang lahat na narinig Niya mula sa Ama (Juan 15:15). Naniniwala si Hesus na gagamitin ng Kaniyang mga kaibigang disipulo ang lahat ng Kaniyang naibahagi para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.


Kahit alam naman nating kaibigan si Hesus, masasabi ba nating kaibigan din tayo ni Hesus? Nakikinig ba tayo sa Kanya? O gusto nating sa atin lang makikinig ang Diyos? Gusto ba nating malaman kung ano ang nasa puso Niya? O gusto nating tayo lamang ang magbabahagi kung ano ang nasa puso natin? Upang maging kaibigan ni Hesus, kailangan nating makinig sa nais Niyang malaman natin at magamit ang mga impormasyong iyon upang madala rin ang ibang tao sa pakikipagkasundo o pakikipagkaibigan sa Diyos.


Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay,
walang hihigit sa yaring pag-aalay. 

Tuesday, July 2, 2013

Altar of Secrets.

Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil regalo itong tinanggap ko sa aking mga magulang. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil dito ko nahahanap ang paraan ng pagpapabuti ng pagkatao: sa Salita ng Diyos, sa Banal na Eukaristiya, sa sakramento ng pakikipagkasundo, sa mga turo at aral ukol sa maraming isyu ng buhay. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil sa kabutihang idinudulot niya sa buong mundo sa pamamagitan ng kaniyang mga institusyon: sa edukasyon, kagalingang panlipunan at kalusugan. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil sa mga lalaki’t babaeng, lahat ng nabubuhay at maging mga yumao na, nagbigay ng kahulugan ng pagiging-tao para sa ibang tao. Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil sa mga katulad ko ring pilgrims--mga kapatid ko sa pananampalataya--na naging mabubuting halimbawa at inspirasyon ko; na ang kahinaan nila ay nagpaalala sa akin ng kahinaan ng tao pero minamahal ng Diyos.

Hindi perpekto ang Simbahang Katolika. Hindi ito kailanman magiging perpekto sapagkat mga tao ang nagpapatakbo sa kanya. Subalit hindi siya katulad ng ibang institusyon sapagkat may divine intervention sa bawat pagkilos niya. Binubuo ang Simbahang Katolika ng mga tao, pamayanan ng mga mahihina, mahihirap at nagkakasalang mga tao. Ang bawat isa ay naglalakbay patungo sa hinahanap na kahulugan ng kani-kaniyang buhay.

Nasasaktan ako kapag nasasaktan ang Simbahang Katolika dahil sa mga iskandalo at kawalan ng pagkakaisa. Nakakasakit ng damdamin kapag, minsan, hindi ang criteria ng Ebanghelyo ang ginagamit nating criteria sa ating mga pagpili. Nakakasama ng loob kapag inaatake ang Simbahang Katolika, madalas ay hindi patas, ng mga puwersang nasa labas niya. Pero mas nasasaktan ako kapag napahihina ang Simbahang Katolika ng mismong kapalaluan o kayabangan ng miyembro nito.

Masakit mabasa ang mga paglalahad sa librong Altar of Secrets. Pero mahal ko ang Simbahang Katolika at hindi magigiba nito ang pananampalataya ko.

Sumasampalataya ako sa Simbahang Katolika sapagkat personal ang aking pagdanas dito ng presensya ng Diyos sa marami’t ordinaryong paraan. Iyon ang sa tingin ko ay mahalaga. Hindi lang mga pamantayan, ritwal, at programa ang mahalaga, kundi ang madanas ang presensya ng tunay na Diyos sa mga pamantayan, ritwal at programa ng Simbahang Katolika.

At ito ang isa pang dahilan kumbakit mahal ko ang Simbahang Katolika. Tinutulungan niya akong huwag gumawa at sumamba ng diyos na naaayon sa sarili kong pamantayan. Tinutulungan niya akong huwag mahulog sa patibong na sambahin ang sarili.

Mahal ko ang Simbahang Katolika dahil iyon ang ibinilin ni Hesus. Itinatag Niya ito upang makasama’t maalala natin Siya kahit noon pa Siya bumalik sa Ama. Kahit dahil lang dito, sapat na ang mahalin ko ang Simbahang Katolika.