Hesus Ng Aking Buhay
Arnel Aquino, SJ
Arnel Aquino, SJ
Sikat ng umaga
Buhos ng ulan
Simoy ng dapithapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Buhos ng ulan
Simoy ng dapithapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso
Tinig ng kaibigan
Oyayi ng ina
Pag-asa ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Oyayi ng ina
Pag-asa ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso
***
Kahit na ang presyo sa merkado ay nagtataasan, naniniwala pa rin akong yung mahahalagang bagay sa buhay ay nananatiling libre. Salamat sa Diyos, libre pa rin sila dahil kung hindi ay bibilhin na natin ang bawat bag ng hangin, bawat baso ng tubig, bawat kap'rasong bahagi ng mundo na ating natatapakan, at bawat sinag ng araw na nagbibigay-liwanag sa ating buhay. Madalas hindi ako nakapagpapasalamat sa mga simpleng bagay. Inaakalang habambuhay ko itong magagamit o mararanasan.
Ang bawat relasyon din ay libre. Ang relasyon natin sa Diyos ay talagang libre. Ang relasyon natin sa ibang tao ay libre rin, kung bukal sa loob at tapat tayo sa pagpasok sa relasyong iyon. Ang relasyon natin sa ating sarili ay libre rin. Ang mga relasyon, kahit na libre, ay kailangan pa ring payabungin. Pinagyayaman natin ang mga relasyon sa pamamagitan ng pakikisama, na nagpapakita ng ating pag-aalala. Kahit na simpleng ngiti na nagsasabing, "lagi akong narito." Pero madalas napapabayaan natin ang ating mga relasyon. Akala natin habambuhay silang nariyan, at habambuhay natin silang kasama.
Maraming bagay ang libre. Lahat sila hindi natin nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga. Bakit hindi natin simulan ngayon ang magpasalamat, alagaan at pagyamanin ang mga regalong ito ng relasyon? Kailangan pa bang magkaroon ng presyo bago natin makita ang halaga ng mga importanteng bagay sa ating buhay?
Hinanap ko itong kantang ito kasi nung napakinggan ko ito sa isang misa, nagandahan ako. :)
ReplyDelete