Wednesday, August 28, 2013

Happy Feast of St. Augustine!

"What then, brethren, shall we say of God? For if you have been able to comprehend what you would say, it is not God; if you have been able to comprehend it, you have comprehended something else instead of God. If you have been able to comprehend Him as you think, by so thinking you have deceived yourself. This then is not God, if you have comprehended it; but if it be God, you have not comprehended it. How therefore would you speak of that which you can not comprehend?" - St. Augustine


HAPPY FEAST OF ST. AUGUSTINE!  (Aug 28)

Tuesday, August 27, 2013

Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos at pagpalain kailanman.

Ngayong araw ipinagdiwang ng Simbahan ang dakilang araw ng kapistahan ni Sta. Monica. Siya ang ina ni San Agustin na nanalangin nang mataimtim sa loob ng mahabang taon. Sa edad na tatlumpu, sumagot sa tawag ng grasya ng Diyos si San Agustin. At alam na natin ang sumunod na mga istorya. Ginamit ng Diyos si San Agustin upang maipalaganap ang Mabuting Balita, matulungan ang Simbahan sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat. Patuloy na nakapagpapabago ng buhay ang kanyang otobayograpiya, ang Confessions.

Sa dami ng mga Internet searches, email shopping, text messages, tweets at instant credit, umiiksi ang ating pasensya sa mga bagay-bagay na nakauubos ng ating oras. Gayundin, gusto natin ng instant na sagot sa ating mga panalangin. Si Sta. Monica ay modelo ng birtud ng pasensya. Ang kanyang mahabang panahon ng pananalangin, na sinamahan ng matatag at disiplinadong karakter sa buhay, ang siyang naging dahilan ng pagbabalik-loob ng kanyang mainipin at mainising asawa, matapobreng biyenang babae, at ang kanyang matalino ngunit napariwarang anak na si San Agustin.

Si Sta. Monica ay patron ng mga ina. Kasinghalaga rin ng pagdiriwang ngayon ang kaarawan ng aking ina. Salamat kay Mama na nagdala sa akin dito sa mundo. Sa kanyang napakaraming sakripisyo, luha at pagmamahal na siyang nagpalaki sa akin bilang ako ngayon. Alam mo kung gaano kita kamahal. Patawad sa aking mga pagkukulang. Ilang linggo na lang, ako naman ang magdiriwang ng kaarawan. Sa bawat kaarawang iyon, pinaaalalahanan ako kung gaano kalaki ang aking utang na loob sa iyo. Masuwerte ako na kayo ni Papa ang naging mga magulang ko. Napakadakila niyong mga magulang na nagbigay ng pag-ibig sa kabila ng lahat. Salamat sa pagtitiwala at pagpaparamdam na ako'y taong may dangal. Mahaba ang listahan ng aking mga ipinagpapasalamat ngunit natatakot akong baka maging litanya lamang dito. Hiling ko lang na sana ano man ang maging buhay ko ay magbigay nawa ng karangalan sa inyo at maramdaman niyo sana kung gaano ako kasaya na binuhay at ginabayan niyo ako.

Panalangin ko na sa pamamagitan ni Sta. Monica ay mapuspos ka pa ng pag-ibig para sa aming lahat na iyong pamilya. Ipinagdarasal kita palagi. Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain kailanman. <3

Monday, August 26, 2013

Best things in life are free.

Hesus Ng Aking Buhay
 Arnel Aquino, SJ
Sikat ng umaga
Buhos ng ulan
Simoy ng dapithapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso
Tinig ng kaibigan
Oyayi ng ina
Pag-asa ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso

***
Kahit na ang presyo sa merkado ay nagtataasan, naniniwala pa rin akong yung mahahalagang bagay sa buhay ay nananatiling libre. Salamat sa Diyos, libre pa rin sila dahil kung hindi ay bibilhin na natin ang bawat bag ng hangin, bawat baso ng tubig, bawat kap'rasong bahagi ng mundo na ating natatapakan, at bawat sinag ng araw na nagbibigay-liwanag sa ating buhay. Madalas hindi ako nakapagpapasalamat sa mga simpleng bagay. Inaakalang habambuhay ko itong magagamit o mararanasan.

Ang bawat relasyon din ay libre. Ang relasyon natin sa Diyos ay talagang libre. Ang relasyon natin sa ibang tao ay libre rin, kung bukal sa loob at tapat tayo sa pagpasok sa relasyong iyon. Ang relasyon natin  sa ating sarili ay libre rin. Ang mga relasyon, kahit na libre, ay kailangan pa ring payabungin. Pinagyayaman natin ang mga relasyon sa pamamagitan ng pakikisama, na nagpapakita ng ating pag-aalala. Kahit na simpleng ngiti na nagsasabing, "lagi akong narito." Pero madalas napapabayaan natin ang ating mga relasyon. Akala natin habambuhay silang nariyan, at habambuhay natin silang kasama.

Maraming bagay ang libre. Lahat sila hindi natin nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga. Bakit hindi natin simulan ngayon ang magpasalamat, alagaan at pagyamanin ang mga regalong ito ng relasyon? Kailangan pa bang magkaroon ng presyo bago natin makita ang halaga ng mga importanteng bagay sa ating buhay?

Saturday, August 24, 2013

Proud Katoliko kahit ang Simbahan ko'y nasa iskandalo.


Upang makaengganyo ng marami-raming miyembro sa kanilang kongregasyon, marami sa mga denominasyon ng simbahan ngayon ang ina-advertise ang kanilang sarili, ipinakikita ang pinakamagandang imahe ng kanilang kongregasyon. Pero merong Simbahan na magkasabay na nadadagdagan at nababawasan ng miyembro, na hindi madalas nagsasalita para sa kanyang sarili, at mas maraming masasamang publisidad ang nakukuha kaysa magaganda, hindi ba? Kunsabagay, siya ay Simbahan ng mga makasalanan.

Ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat ko ang pagiging Katoliko. Bilib ako sa Simbahan na nadedekorasyunan ng napakaraming kabalintuan. Hangga't hindi siya titingnan ng isang matang sumasampalataya, hindi nila siya maiintindihan. Kaya nga ang misteryo ay ipinakikita sa mga simple lamang.

Muli at muli, ang Simbahan at kanyang mga lider/miyembro ay nasasangkot na naman sa iskandalo. Naguguluhan ang mga mananampalataya kung paanong ang mga gagabay sa moralidad ng lipunan ay makagagawa ng, o makikibahagi sa, ganitong iskandalo. Nagsisimula silang magtanong, kung importante pa ba ang Simbahan ngayon gayong hindi niya maisabuhay ang kanyang mga ideolohiya? Importante pa ba ang Simbahan ngayon gayong may mga bago at mas nakapupukaw na ideolohiya ang namamayani sa lupaing sekular at paganong pananampalataya? Mahalaga pa kaya ang kanyang mga turo at utos gayong ito'y napakahirap samantalang ang mga alternatibo ay mas madadali?

Nagsisimulang mawalan ng pananampalataya ang mga tao, at sa kawalan ng pananampalataya ay nawawalan na rin sila ng pag-asa hanggang sa mahulog sila sa bitag ng kawalang-katiyakan o pagdududa, at hindi na mapahalagahan ang tama at totoo. Ang tunay at totoong Simbahan ay, siya ay Simbahan ng mga makasalanan. Simula ng maipanganak siya hanggang sa ngayon, siya ay makasalanan. Ang kaniyang mga miyembro ay nahuhulog bawat araw sa mismong mga bagay o pangyayari na ipinupukol nila sa kanilang Simbahan. May bahid siya ng kasalanan, mahina, at nakalilimot sa kung paanong ganon din ang ginagawa ng kaniyang mga miyembro. Oo, hindi perpekto ang aking Simbahan.

Kaya nga siya ang madalas pukulin ng mundong nagmamalaki ng kanyang balikong pagpapahalaga. Tinitingnan siya bilang tradisyonal at lumang relikya ng nakaraan na dapat maalis sa post-moderno at masalimuot na mundo. Iniinsulto siya bilang ganid, pangit at kalaban ng kaginhawahan. Gayon ang trato sa kanya ng mga tao dahil nakikita nila ang repleksyon ng kanilang tunay na mukha sa Simbahan. Pinapaalala kasi ng Simbahan ang kanilang kapangitan gayong kumbinsido na sila sa kanilang bagong mukha at pilit nilang kinakalimutan ang kapangitan at pagkamakasalanan.

Kahit madilim ang mga kuwentong bumabalot sa aking Simbahan, nananatili pa rin siyang maganda. Hindi lang dahil sa kanyang ginagawa, kundi dahil siya ang pinili. Hindi siya umiral dito dala ng kanyang sariling kagustuhan o ng pagkamasigasig ng labindalawa. Gaano man siya kamakasalanan, dinamitan siya ng pinakamalinis at pinakamaputing damit pangkasal upang maging kabiyak. Kahit galing siya sa putik at dumi, si Kristo mismo ang pumili sa kanya upang maging asawa.

Oo, tayo ay Simbahan ng mga makasalanan. At oo, yung tinatawag nating mga Santo at Santa ay makasalanan din at ang iba pa'y makasalanan din, mula sa pinakamakapangyarihang tao sa tuktok ng hirarkiya hanggang sa pinakamaliit at hindi kilalang miyembro. Ngunit heto ang Simbahan ng mga makasalanan na iniligtas, inililigtas, at ililigtas ng isang Dakilang Mangingibig na inibig siya hanggang sa Kanyang huling hininga. Sapagkat ang pagkamakasalanan ng Simbahan ay walang-wala kung ikukumpara sa pagmamahal na mayroon Siya para sa atin.

Sa kanyang imperpeksyon ginawa siyang perpekto. Sapagkat kung noon pa'y perpekto na siya, hindi na niya kakailanganin ang kanyang Kristo. Hindi na niya kakailanganin ang Pag-ibig subalit lubos niya itong kailangan sapagkat ang pinakamalalim na sugat ng sangkatauhan ay naghuhumiyaw para sa kanyang paggaling. Kaya kinuha ng Groom ang kanyang bride sa karumihan at nilinis. Binasbasan Niya ito sa Kanyang kagustuhan at ginawang maganda. Ang pribilehiyong ito, hindi man karapat-dapat tanggapin, ay hindi malalampasan ninuman at siyang dahilan ng inggit ng mundong ayaw nang makibahagi sa pag-iisang-dibdib na ito.

Tinatawag nila tayong makasalanan at totoo naman ito. Ngunit nakikita ba nila tayong nagsusumikap bumangon muli? Nakikita ba nila ang ating ginagawa upang maabot ang nakadipang mga kamay ni Kristo na humihiling sa ating bumalik sa ating mga paa, sa dati nating dignidad? Hindi, nakikita lang nila tayong nahuhulog at gusto nilang makita tayong mahulog sapagkat napakagandang balita iyon para sa kanila. Kaya nga nagagalak tayo sa ating kahinaan. Ngunit hindi nila malalaman na sa ating kahinaan ginagawa tayong malakas ng Diyos na Siyang ating lakas. Diyos ang pumili sa atin. We are the bride of Christ. 

Katoliko ako. Hindi ako perpekto ngunit nagsusumikap akong magiging perpekto sa pamamagitan Niya na Siyang aking lakas.

Thursday, August 15, 2013

Panalangin at Pangako.

Sabi ko sa unang blogpost ko, ikukuwento ko ang aking debosyon kay San Pedro Calungsod. Ito na yun. Nais kong ilahad dito yung usapan naminyung panalangin at pangako ko sa kanyanung nagpunta ako sa Cebu noong Nobyembre para sa National Thanksgiving Mass. May idinalangin ako kay San Pedro Calungsod tungkol sa buhay na pinagdaraanan ko noon. May ipinangako ako sa kanya. Siyam na buwan na ngayon ang nakalipas, nais kong ibahagi yung resulta ng aming pag-uusap. (Pagbigyan niyo na ako: sa amin na lang ni San Pedro Calungsod yung napag-usapan namin.)

May anim na pagbabago sa takbo ng buhay ko. Iisa-isahin ko na ngayon.
  • Nagbago ang pang-araw-araw kong gawain. Nagkaroon ako ng panahon para mas mataimtim ang pananalangin. Ganito ang naging iskedyul ko kada araw:
          05:30 AM: Lauds
          06:30 AM: Pag-alis ng bahay; Biyahe papasok sa Makati
          07:00 AM: Morning Prayer; Rosary
          08:30 AM: Simula ng walong oras na trabaho
          12:00 NN: Midday Prayer; Angelus (Regina Coeli kapag Easter season)
          12:15 PM: Mass sa BPI Chapel (at choir member na ako!)
          01:00 PM: Lunch kasabay ang mga katrabaho
          01:30 PM: Balik sa trabaho
          06:00 PM: Pagbibiyahe pauwi ng bahay; Vespers habang nagbibiyahe
          07:30 PM: Dinner
          10:30 PM: Evening Prayer; pagbabasa ng Didache readings para sa susunod na araw

        Kapag Sabado at Linggo, siyempre, may oras ako para mas makapagpahinga sa bahay. Sa hapon o sa gabi naman ako nagsisimba sa DSPOLA. May oras din ako para sa mga kaibigan, lalo na sa paggagala at paglalaro ng badminton at/o bowling. At kapag Lunes, sabik pa rin akong makauwi ng maaga para makasama ang mga Obreros de la Nuestra Señora de los Desamparados sa pagrorosaryo at pagdarasal sa Birhen ng Marikina sa ganap na ikasiyam ng gabi.
  • Nagagamit ko ang aking oras sa makabuluhang bagay. Dahil alam kong ilang oras lamang ang pagitan mula sa umaga hanggang sa tanghali at mula sa hapon hanggang gabi, bawat oras ay ginagamit ko nang maayos. Naiiwasan ko na ang ma-stress sa oras. Mas nasasabik ako sa bawat oras na daraan.
  • Kakaiba ito pero napansin kong mas pinahalagahan ko ang oras ng pagkain. Hindi lang dahil sa masarap na pagkain at masasayang kasama o kasabay sa pagkain. Ang pagkain sa takdang oras sa bawat araw ay nangangailangan ng sakripisyo: binibigyang importansya ko na ang pagkain kaysa ibang gawain. Kapag nagsabi akong kakain ako sa ganap na ala una ng hapon, hindi ko iyon ipinagpapaliban. Ang resulta ay nasasabik ako sa bawat oras ng pagkain sapagkat naghahatid ito sa akin ng saya na kaya kong isakripisyo ang ibang gawain para sa biyayang ito.
  • Sabi ko ihahabilin ko sa Diyos ang aking buhay. Siya ang bahala sa akin. Sa hinaharap. Na sampu o dalawampung taon mula ngayon, magtitiwala pa rin ako sa Kanyang kabutihan. Pero hindi lang pala dapat ganito. Dahil sa naging takbo ng buhay ko araw-araw, mas isinuko ko ang buhay ko sa Diyos bawat araw, bawat oras. Mas nagtiwala ako sa Kanya, na may Divine Providence at Divine Intervention. Kumikilos ako sa bawat araw nang iniisip na nariyan ang Diyos na gumagabay sa akin.
  • Hindi ako sanay sa interruptions o biglaang pagkaantala. Hindi na ngayon. Sapagkat natutuhan ko nang ilagay sa perspektibo ang aking mga plano. Madami akong ginagawa sa trabaho pero hindi nahahadlangan nito ang aking oras para magdasal at magsimba. Dati naiinis ako kapag oras na para sa Misa o sa pagkain ngunit hindi pa ako tapos sa aking ginagawa sa trabaho. Parang ayaw kong tumayo. Gusto ko lang munang tapusin. Pero nakakatuwa na dahil pinipili kong sundin ang oras na itinakda ko para sa aking sarili, mas napapayapa ako sa bawat araw. Pinaaalalahanan ko ang aking sarili na hindi (lang) trabaho ang sentro ng aking buhay. 
  • Ang sentro ng buhay ko ay inilalaan ko sa Diyos. Gusto kong kausapin Siya palagi. Parang mas napapalaya ako ng pagtiktak ng oras. Pinipili kong sundin ang oras bilang pagsunod ko rin sa Diyos. Mas nagiging sentro ko na Siya kaysa ibang bagay. Mas sumasaya ako sa bawat araw. Sana nga laging ganito ang araw ko.
Simple lang talaga yung usapan namin ni San Pedro Calungsod. Na turuan niya akong manalangin. Gabayan niya ako sa aking mga panalangin. At tulungan niya akong gawing sentro ng buhay ko ang pananalangin. 

Sapagkat nang makilala ko siya nung naging katekista ako noong 2005, napansin kong may kakaiba siyang aura. Kung ano yun, saka ko na lang napag-isip-isip. Na maikli man ang naging buhay niya, inialay niya iyon sa Diyos sa bawat niyang pananalangin, pagsama sa misyon at pag-aalay ng buhay para sa kapwa. 

Friday, August 9, 2013

Far greater love.

Ilan sa mga markang iniwan niya noon ay baha sa halos buong bahagi ng Kamaynilaan, mga sibilyang istranded sa kanilang opisina o tahanan, naglulutangang mga kotseng inabandona sa highway at kalsada, nasirang mga imprastraktura na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso, at listahan ng mga namatay na daan-daang biktima na marahil hanggang sa huling sandali ay ginawa ang lahat upang makaligtas, subalit kahit ang hangaring mabuhay ay hindi napagtagumpayan sa huli. Yung nangyaring Ondoy noong 2009 at ng Sendong noong 2011 at ng Habagat noong 2012 ay tunay ngang hindi lang mga bagyo ng mundo, kundi mga bagyo ng ating buhay.
Noong panahong yaon, wala akong magawa, ngunit ang isiping wala akong magawa ay di kailanman naging opsyon para sa akin. Yung mga taong may halaga sa akin, lahat-lahat ay nasa bahay samantalang ako'y malayo at wala akong paraan upang malaman ang eksaktong nangyayari sa kanila at kung sila ba'y ligtas. Sinubukan ko talagang magpakatatag. Pinagsikapan kong magdasal nang mas mataimtim kaysa ano mang dasal na nagawa ko noon dahil iyon ang tangi kong magagawa at ang magtiwala - na bubuti ang lahat. Lahat ng misteryo ng Sto. Rosario, sunod-sunod na pananalangin, ang siyang nakasama ko noon. Nung mga panahong yaon, nalaman ko kung paano ang mag-isa.
Sana isa akong superhero noon para makalipad at magkaroon ng mga superpowers upang makuha ko ang aking mga mahal sa buhay at matiyak ang kanilang kaligtasan. Subalit hindi ko kaya at hindi kailanman mangyayari iyon. Gaya ng text sa akin ng isang kaibigan noon, "Gusto kong mailigtas lahat sila ngunit wala akong nailigtas kahit isa." Hinangad ko rin iyon. Pero naisip ko pagkatapos na may nailigtas pala ako noon - ako mismo. Dahil nailigtas ko ang sarili, nailigtas ko rin ang lahat ng posibilidad na nasa akin, at ang mawala ang aking sarili ay ang mawala rin ang lahat ng posibilidad na nasa akin. Sa palagay ko, ako at ang ibang tao ay maiintindihan ang naramdaman kong takot na mawala ang lahat ng aking minamahal, hindi lang dahil maiiwan tayong mag-isa at hindi na madarama ang kanilang pagmamahal, kundi dahil hindi na natin maibibigay ang ating pag-ibig, paglilingkod at buong buhay sa kanila kailanman. 
Ito ang pinakamalupit na trahedyang maiiwan ng kahit anong bagyong daraan sa ating bayan at sa ating buhay; na hindi na natin kailanman malalaman kung gaano kaimortal tayong nilalang ng Diyos at kung gaano tayo katatag sa kaya nating maibahagi at maihandog na lampas pa sa ating buhay.
The storms of life may shake our ground, but a greater peace still dwells in our heart. Fear no harm for we are ruled by a far greater love. 

Thursday, August 8, 2013

Debosyon.

Ginanap sa kasalukuyang Bikol, masugid na deboto si Mando (Paulo Avelino) ng Birhen ng Penafrancia. Naging debosyon niya iyon para sa ikararami ng kanyang ani. Dahil hindi pa panahon ng anihan, kumikita si Mando sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga orchids sa gubat at ipinagbibili niya ito sa kabayanan. Isang araw, nakakita siya ng napakagandang orchid. Nang subukan niyang kunin iyon, nawalan siya ng balanse at nahulog mula sa puno.

Tinulungan siya ni Saling (Mara Lopez), isang mabait ngunit misteryosang dalaga na mag-isang nakatira sa gubat. Dahil sa kanilang pagkagusto sa musika, pareho silang nabitag ng kanilang pag-ibig. Kahit sinsero ang pagmamahal ni Mando kay Saling, nanatiling misteryosa ang dalaga. Pagtagal-tagal ng kanilang pagkakakilala, ipinakita na ni Saling ang misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao na nagdulot ng pagdistansya nila mula sa isa't isa. Hindi matanggap ni Mando na umiibig siya sa isang engkantada. Kay Oryol na sa sinaunang kuwentong Bikolano ay ang babaing isinumpang maging ahas.

Napatanong ako sa sarili nung pinanonood ang pelikula: iiwan na ba talaga ni Mando si Saling? O pipiliin niya ang pag-ibig kaysa pagdistansya. Ang pelikulang Debosyon ay hindi lang kuwento ng pagmamahal ng maraming beses at pagkasakit dahil sa pag-ibig, kundi isa ring salamin ng malalim na obserbasyon sa kultura at debosyong Filipino.

Ang Debosyon ay kuwentong naririnig natin mula sa mga taong nasa laylayan. Sa mga gilid gaya ng gubat, taniman at tabing-dagat. Ito'y tila nabasa ko na noong bata pa ngunit may kung anong lalim at bigat ang tema. Hindi ako makapaniwala sa katapusan ng eksena at para sa akin ay hindi dapat doon natapos iyon. Pero naunawaan ko naman pagkatapos na maganda rin naman pala ang katapusan ng pelikula. Binigyang-diin at bigat ang pagpapalitan ng salita nina Mando at Saling. Nakakaantig sa puso, at kaalinsabay niyon, napag-iisip kang talaga.

Sa katapusan ng pelikula, tinanong ni Saling si Mando kumbakit binalikan pa siya ng binata. Simple pero may lalim ang sagot ni Mando. Nakita niya ang mga mata ni Saling sa mga mata ng Ina ng Penafrancia. May nais sabihin ang Debosyon. Na ang pag-ibig ni Saling ay tumatalab sa puso ng binata. Hindi sumpa ang ibigin si Saling. Isa itong biyaya. Iyon ang mga matang maawain, maalam at matamis ng Mahal na Ina.

Gaya ni Mando, nahuhumaling na rin ako sa aking pagdedebosyon sa Mahal na Ina. Hindi sa Ina ng Penafrancia kundi sa Ina ng Walang Mag-ampon. Yung makita lang siya sa altar ng simbahan tuwing Lunes (para sa pagrorosaryo sa Monday Devotion) ay talagang nakagagaan ng pakiramdam. Tila ba binibigyan ako ng lakas para sa mga susunod na araw ng pagbibiyahe at pagtatrabaho. At nang sa pagbabalik ulit ng Lunes ay sabik akong muli na umuwi mula sa trabaho, nagmamadali upang makahabol sa pagrorosaryo at pagdarasal sa Mahal na Ina.

At naniniwala ako na ang bawat puso ng mga Pilipino ay may nakalaang puwang para sa mga Ina. Sa mga inang nag-aruga sa atin mula pagkabata, at sa namumukod-tanging Ina sa lahat ng mga ina.



Wednesday, August 7, 2013

Divine Providence.

Humingi ka sa Diyos ng isang kendi, at bibigyan ka Niya ng dalawa.

Hilingin mong mangyari nawa sa iyo ang mga masasamang bagay at ibibigay iyon sa iyo ng Diyos sa paraang makapagpapabago ng iyong persepsyon sa kabutihan. Huwag kang humiling at masusurpresa ka sa mga ipagkakaloob Niya sa iyo na mabubuting bagay.

Ito ang aking mga karanasan sa mahabagin at mapagmahal na Diyos. May mga pagkakataon din na nararamdaman ko ang sobrang takot at kawalang-pag-asa at nagagawa kong akusahan ang Diyos noon na hindi nakikinig sa akin. Pero sa huli, lagi akong nakakaramdam na maging mapagkumbaba. Limitado ang aking pag-iisip at di kayang unawain ang mga kilos ng Diyos. Hindi ko naiintindihan yung maliliit na mga bagay at pangyayari na ipinadadala Niya sa akin, pa-isa-isa, upang maging solusyon sa mga problema ng tulad kong kayhilig magprotesta sa Kanya.


Noong bagong graduate lang ako ng Masters’ mula sa Ateneo, halos dalawang buwan akong walang mahanap na trabaho. Buong lakas ng loob akong nag-apply sa mga kompanya subalit parang walang may gustong tumanggap sa akin. Nanalangin ako sa Kanya para sa inaaasam na trabaho, yung sasapat para sa aking pamilya ang kikitain ko. At yung hindi ako mahihirapan sa gawain. Sinagot Niya ang aking dasal. Narito ako ngayon sa bangko, bilang isang officer, at masaya sa mga gawain araw-araw. Mayroon pa akong oras para magsimba at magsilbi sa Banal na Misa.

Subalit hindi agad nakahain sa isang pinggan ang pagsagot ng Diyos. Naiintindihan ko na ang Kanyang pagsagot ay kinapapalooban ng hamon para mas mapatatag pa ang aking pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Mahirap man pero nauunawaan ko na ngayon na ang Kanyang sagot ay hindi laging ang sagot na nais kong marinig o makuha. May pananampalataya ako sa Kanya kaya’t tinatanggap ko ang katotohanan at pinaniniwalaan ko nang buong puso na ang sagot Niya ang tamang solusyon sa iniluluhog kong problema.

Kumikilos ang Diyos sa Kanyang pamamaraan at sa Kanyang oras. Laging mabuti ang Kanyang gawa. Hindi ako natatakot na walang tutulong sa akin sa kadiliman ng aking buhay. Hindi Niya tayo iiwan at pababayaan kailanman.


Noon, maraming pagkakamali at pagbagsak ang aking naranasan na siyang naghasik sa aking puso ng takot at kawalang-paniniwala. Nagigimbal ang aking damdamin sa tuwing may kinakaharap akong problema. Kaybuti ng Diyos sapagkat hindi Niya ako binitiwan. Kaysaya ng bawat sandaling nawawalan ako ng problema.

Kaybuti ng Diyos at ang Kanyang kabutihan ay lampas sa kaya nating maunawaan. Sa grabeng kabutihan Niya, isinugo Niya ang sariling Anak upang mailigtas ang tao. Yung isipin lang ito – iyan ang nakapagpapanatag ng aking diwa. Ganoon kagaling, kabuti, kabait, kaibig-ibig ang Diyos. Mapagbigay Siya sa lahat ng oras, sa kahit na anong panahon.

Saturday, August 3, 2013

Gospel reflection.

God’s prophets suffer persecution or death. In a world that rejects the truth of God’s Word, it is not uncommon that bearers of the Word are hated. Our Gospel today presents us with the beheading of John the Baptist, a cruel display of abuse of power. Kings and queens claim a divine right conferred upon them, yet they do not behave according to what they claim is a sacred trust.

Today, most people in authority are no different from those of the past. Their claims to a divine right do not reflect a respectful and proper worship of God. Even those of us who think that we have made it big in life reflect a god of our own making, fashioned according to personal illusions of grandeur, righteousness, power, authority, fame, wealth, beauty, talent, knowledge, and so on. How many atrocities and wrongdoings are done in the name of God? Truth is no longer absolute but made relative according to our interpretations and illusions. Sin is conveniently put under various excuses to fit one’s desires.

Today, only a few like John the Baptist have the courage to stand their ground to correct what is wrong and hold the truth for others to hear and see. Are we the persecutors of these prophets, or do we hear their message and follow the path to life?