Ginanap sa kasalukuyang Bikol, masugid na deboto si Mando (Paulo Avelino) ng Birhen ng Penafrancia. Naging debosyon niya iyon para sa ikararami ng kanyang ani. Dahil hindi pa panahon ng anihan, kumikita si Mando sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga orchids sa gubat at ipinagbibili niya ito sa kabayanan. Isang araw, nakakita siya ng napakagandang orchid. Nang subukan niyang kunin iyon, nawalan siya ng balanse at nahulog mula sa puno.
Tinulungan siya ni Saling (Mara Lopez), isang mabait ngunit misteryosang dalaga na mag-isang nakatira sa gubat. Dahil sa kanilang pagkagusto sa musika, pareho silang nabitag ng kanilang pag-ibig. Kahit sinsero ang pagmamahal ni Mando kay Saling, nanatiling misteryosa ang dalaga. Pagtagal-tagal ng kanilang pagkakakilala, ipinakita na ni Saling ang misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao na nagdulot ng pagdistansya nila mula sa isa't isa. Hindi matanggap ni Mando na umiibig siya sa isang engkantada. Kay Oryol na sa sinaunang kuwentong Bikolano ay ang babaing isinumpang maging ahas.
Napatanong ako sa sarili nung pinanonood ang pelikula: iiwan na ba talaga ni Mando si Saling? O pipiliin niya ang pag-ibig kaysa pagdistansya. Ang pelikulang Debosyon ay hindi lang kuwento ng pagmamahal ng maraming beses at pagkasakit dahil sa pag-ibig, kundi isa ring salamin ng malalim na obserbasyon sa kultura at debosyong Filipino.
Ang Debosyon ay kuwentong naririnig natin mula sa mga taong nasa laylayan. Sa mga gilid gaya ng gubat, taniman at tabing-dagat. Ito'y tila nabasa ko na noong bata pa ngunit may kung anong lalim at bigat ang tema. Hindi ako makapaniwala sa katapusan ng eksena at para sa akin ay hindi dapat doon natapos iyon. Pero naunawaan ko naman pagkatapos na maganda rin naman pala ang katapusan ng pelikula. Binigyang-diin at bigat ang pagpapalitan ng salita nina Mando at Saling. Nakakaantig sa puso, at kaalinsabay niyon, napag-iisip kang talaga.
Sa katapusan ng pelikula, tinanong ni Saling si Mando kumbakit binalikan pa siya ng binata. Simple pero may lalim ang sagot ni Mando. Nakita niya ang mga mata ni Saling sa mga mata ng Ina ng Penafrancia. May nais sabihin ang Debosyon. Na ang pag-ibig ni Saling ay tumatalab sa puso ng binata. Hindi sumpa ang ibigin si Saling. Isa itong biyaya. Iyon ang mga matang maawain, maalam at matamis ng Mahal na Ina.
Gaya ni Mando, nahuhumaling na rin ako sa aking pagdedebosyon sa Mahal na Ina. Hindi sa Ina ng Penafrancia kundi sa Ina ng Walang Mag-ampon. Yung makita lang siya sa altar ng simbahan tuwing Lunes (para sa pagrorosaryo sa Monday Devotion) ay talagang nakagagaan ng pakiramdam. Tila ba binibigyan ako ng lakas para sa mga susunod na araw ng pagbibiyahe at pagtatrabaho. At nang sa pagbabalik ulit ng Lunes ay sabik akong muli na umuwi mula sa trabaho, nagmamadali upang makahabol sa pagrorosaryo at pagdarasal sa Mahal na Ina.
At naniniwala ako na ang bawat puso ng mga Pilipino ay may nakalaang puwang para sa mga Ina. Sa mga inang nag-aruga sa atin mula pagkabata, at sa namumukod-tanging Ina sa lahat ng mga ina.
Thursday, August 8, 2013
Debosyon.
Labels:
Debosyon
,
movie
,
ola
,
Penafrancia
,
reflection
,
Virgin Mary
Wednesday, August 7, 2013
Divine Providence.
Humingi ka sa Diyos ng isang kendi, at bibigyan ka Niya ng dalawa.
Hilingin mong mangyari nawa sa iyo ang mga masasamang bagay at ibibigay iyon sa iyo ng Diyos sa paraang makapagpapabago ng iyong persepsyon sa kabutihan. Huwag kang humiling at masusurpresa ka sa mga ipagkakaloob Niya sa iyo na mabubuting bagay.
Ito ang aking mga karanasan sa mahabagin at mapagmahal na Diyos. May mga pagkakataon din na nararamdaman ko ang sobrang takot at kawalang-pag-asa at nagagawa kong akusahan ang Diyos noon na hindi nakikinig sa akin. Pero sa huli, lagi akong nakakaramdam na maging mapagkumbaba. Limitado ang aking pag-iisip at di kayang unawain ang mga kilos ng Diyos. Hindi ko naiintindihan yung maliliit na mga bagay at pangyayari na ipinadadala Niya sa akin, pa-isa-isa, upang maging solusyon sa mga problema ng tulad kong kayhilig magprotesta sa Kanya.
Noong bagong graduate lang ako ng Masters’ mula sa Ateneo, halos dalawang buwan akong walang mahanap na trabaho. Buong lakas ng loob akong nag-apply sa mga kompanya subalit parang walang may gustong tumanggap sa akin. Nanalangin ako sa Kanya para sa inaaasam na trabaho, yung sasapat para sa aking pamilya ang kikitain ko. At yung hindi ako mahihirapan sa gawain. Sinagot Niya ang aking dasal. Narito ako ngayon sa bangko, bilang isang officer, at masaya sa mga gawain araw-araw. Mayroon pa akong oras para magsimba at magsilbi sa Banal na Misa.
Subalit hindi agad nakahain sa isang pinggan ang pagsagot ng Diyos. Naiintindihan ko na ang Kanyang pagsagot ay kinapapalooban ng hamon para mas mapatatag pa ang aking pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Mahirap man pero nauunawaan ko na ngayon na ang Kanyang sagot ay hindi laging ang sagot na nais kong marinig o makuha. May pananampalataya ako sa Kanya kaya’t tinatanggap ko ang katotohanan at pinaniniwalaan ko nang buong puso na ang sagot Niya ang tamang solusyon sa iniluluhog kong problema.
Kumikilos ang Diyos sa Kanyang pamamaraan at sa Kanyang oras. Laging mabuti ang Kanyang gawa. Hindi ako natatakot na walang tutulong sa akin sa kadiliman ng aking buhay. Hindi Niya tayo iiwan at pababayaan kailanman.
Noon, maraming pagkakamali at pagbagsak ang aking naranasan na siyang naghasik sa aking puso ng takot at kawalang-paniniwala. Nagigimbal ang aking damdamin sa tuwing may kinakaharap akong problema. Kaybuti ng Diyos sapagkat hindi Niya ako binitiwan. Kaysaya ng bawat sandaling nawawalan ako ng problema.
Kaybuti ng Diyos at ang Kanyang kabutihan ay lampas sa kaya nating maunawaan. Sa grabeng kabutihan Niya, isinugo Niya ang sariling Anak upang mailigtas ang tao. Yung isipin lang ito – iyan ang nakapagpapanatag ng aking diwa. Ganoon kagaling, kabuti, kabait, kaibig-ibig ang Diyos. Mapagbigay Siya sa lahat ng oras, sa kahit na anong panahon.
Hilingin mong mangyari nawa sa iyo ang mga masasamang bagay at ibibigay iyon sa iyo ng Diyos sa paraang makapagpapabago ng iyong persepsyon sa kabutihan. Huwag kang humiling at masusurpresa ka sa mga ipagkakaloob Niya sa iyo na mabubuting bagay.
Ito ang aking mga karanasan sa mahabagin at mapagmahal na Diyos. May mga pagkakataon din na nararamdaman ko ang sobrang takot at kawalang-pag-asa at nagagawa kong akusahan ang Diyos noon na hindi nakikinig sa akin. Pero sa huli, lagi akong nakakaramdam na maging mapagkumbaba. Limitado ang aking pag-iisip at di kayang unawain ang mga kilos ng Diyos. Hindi ko naiintindihan yung maliliit na mga bagay at pangyayari na ipinadadala Niya sa akin, pa-isa-isa, upang maging solusyon sa mga problema ng tulad kong kayhilig magprotesta sa Kanya.
Noong bagong graduate lang ako ng Masters’ mula sa Ateneo, halos dalawang buwan akong walang mahanap na trabaho. Buong lakas ng loob akong nag-apply sa mga kompanya subalit parang walang may gustong tumanggap sa akin. Nanalangin ako sa Kanya para sa inaaasam na trabaho, yung sasapat para sa aking pamilya ang kikitain ko. At yung hindi ako mahihirapan sa gawain. Sinagot Niya ang aking dasal. Narito ako ngayon sa bangko, bilang isang officer, at masaya sa mga gawain araw-araw. Mayroon pa akong oras para magsimba at magsilbi sa Banal na Misa.
Subalit hindi agad nakahain sa isang pinggan ang pagsagot ng Diyos. Naiintindihan ko na ang Kanyang pagsagot ay kinapapalooban ng hamon para mas mapatatag pa ang aking pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Mahirap man pero nauunawaan ko na ngayon na ang Kanyang sagot ay hindi laging ang sagot na nais kong marinig o makuha. May pananampalataya ako sa Kanya kaya’t tinatanggap ko ang katotohanan at pinaniniwalaan ko nang buong puso na ang sagot Niya ang tamang solusyon sa iniluluhog kong problema.
Kumikilos ang Diyos sa Kanyang pamamaraan at sa Kanyang oras. Laging mabuti ang Kanyang gawa. Hindi ako natatakot na walang tutulong sa akin sa kadiliman ng aking buhay. Hindi Niya tayo iiwan at pababayaan kailanman.
Noon, maraming pagkakamali at pagbagsak ang aking naranasan na siyang naghasik sa aking puso ng takot at kawalang-paniniwala. Nagigimbal ang aking damdamin sa tuwing may kinakaharap akong problema. Kaybuti ng Diyos sapagkat hindi Niya ako binitiwan. Kaysaya ng bawat sandaling nawawalan ako ng problema.
Kaybuti ng Diyos at ang Kanyang kabutihan ay lampas sa kaya nating maunawaan. Sa grabeng kabutihan Niya, isinugo Niya ang sariling Anak upang mailigtas ang tao. Yung isipin lang ito – iyan ang nakapagpapanatag ng aking diwa. Ganoon kagaling, kabuti, kabait, kaibig-ibig ang Diyos. Mapagbigay Siya sa lahat ng oras, sa kahit na anong panahon.
Labels:
anecdote
,
Divine Providence
,
God
,
introspection
,
reflection
Saturday, August 3, 2013
Gospel reflection.
God’s prophets suffer persecution or death. In a world that rejects the truth of God’s Word, it is not uncommon that bearers of the Word are hated. Our Gospel today presents us with the beheading of John the Baptist, a cruel display of abuse of power. Kings and queens claim a divine right conferred upon them, yet they do not behave according to what they claim is a sacred trust.
Today, most people in authority are no different from those of the past. Their claims to a divine right do not reflect a respectful and proper worship of God. Even those of us who think that we have made it big in life reflect a god of our own making, fashioned according to personal illusions of grandeur, righteousness, power, authority, fame, wealth, beauty, talent, knowledge, and so on. How many atrocities and wrongdoings are done in the name of God? Truth is no longer absolute but made relative according to our interpretations and illusions. Sin is conveniently put under various excuses to fit one’s desires.
Today, only a few like John the Baptist have the courage to stand their ground to correct what is wrong and hold the truth for others to hear and see. Are we the persecutors of these prophets, or do we hear their message and follow the path to life?
Tuesday, July 30, 2013
Kaya ko palang sumayaw para sa Kanya. #WYD2013
Matagal ko nang alam ang mga Taize chants at mga acoustic songs of worship. Estudyante pa ako sa Ateneo noon. Pero ngayon ko ito mas nagustuhan. Ngayon ko ito mas kinasabikan.
Ang mabilis na ikot ng mundo at ang dami ng mga teknolohiyang maaaring gamitin sa panahon ngayon ang punong dahilan kumbakit imposible para sa isang taong tulad ko ang maging tahimik – ang magnilay sa katahimikan. Mula Lunes hanggang Biyernes, marami akong gawain at trabahong dapat tapusin sa itinakdang oras. Subalit ang ingay na dulot nitong aking mundo ang nagpapausbong sa kasabikan at uhaw ko para makamit ang katahimikan sa aking sarili.
Ang mabilis na ikot ng mundo at ang dami ng mga teknolohiyang maaaring gamitin sa panahon ngayon ang punong dahilan kumbakit imposible para sa isang taong tulad ko ang maging tahimik – ang magnilay sa katahimikan. Mula Lunes hanggang Biyernes, marami akong gawain at trabahong dapat tapusin sa itinakdang oras. Subalit ang ingay na dulot nitong aking mundo ang nagpapausbong sa kasabikan at uhaw ko para makamit ang katahimikan sa aking sarili.
Maliban sa araw-araw kong gawain bilang isang empleyado, may ibang mga bagay sa aking buhay na kumokontrol sa akin. Ginagamit ko ang Blog na ito upang makapagsulat ng aking mga repleksyon at panalangin. Ginagamit ko ang Facebook, Twitter, at Instagram upang makipag-usap sa mga kaibigan, makita ang kanilang mga litrato at makapagpakita rin ako ng aking mga litrato. Nagbabasa rin ako ng mga libro paminsan-minsan. Nakikinig din ako ng mga awit sa aking cellphone. Sa mga gawaing ito, mukhang hindi ko makakamit ang maging payapa kahit na isang minuto.
Pero nagkakamali ako. Ang nangyari sa Local World Youth Day sa Don Bosco Technical Institute (Makati) – ang naranasan kong pagdarasal kasama ng mga kapwa kabataan mula sa iba’t ibang diyosesis at organisasyong pangkabataan sa Metro Manila – ang nagturo sa akin muli kung ano ang pundamental nating pangangailangan, ang katahimikan. Nung isinaisantabi ko ang lahat ng aking mga gawain at alalahanin, katahimikan ang tanging natira sa akin. Sa katahimikan ng aking puso, doon ko sinimulang kausapin ang Diyos. Ang karanasang magdasal nang mataimtim kasama ng mga kabataan ay nagturo sa akin kung paano magtiwala at magmahal sa Diyos at pahalagahan kahit ang maliliit na kakayahan at talentong taglay ko. Ipinakita sa akin ng World Youth Day ang marami at kakaibang aspeto ng buhay ko na madalas ay hindi ko napapansin. Kaya ko palang sumayaw para sa Kanya. Kaya ko palang lumuhod sa harapan Niya nang pagkatagal-tagal. Kaya ko palang kalimutan at huwag munang alalahanin yung mga gawain ko sa labas.
Nagkaroon ako ng pagkakataong damhin ang kapayapaan sa gitna ng aking mga gawaing pinagkakaabalahan. Kahit tapos na ang dalawang araw ng pagsasama ng mga kabataan, at kahit lahat kami ay nakauwi na sa kani-kaniyang mga tahanan, patuloy pa rin ang paglalakbay tungo sa kapayapaan at katahimikan.
Kung susumahin ko ang aking karanasan sa Local World Youth Day, masasambit ko iyon sa tatlong salita: “Pag-ibig ng Diyos.” Sapagkat ang lahat ng kayang gawin ng Diyos ay umibig, hindi dahil sa atin kundi dahil sa Siya mismo ang pag-ibig. At ang pinakamahalagang desisyon o commitment na inialay ko sa huling Misa na pinangunahan ng butihing Arsobispo ng Maynila, Cardinal Tagle, ay ang maghamal hanggang sa masaktan, hanggang sa hindi na ako masaktan at tanging pag-ibig na lang ang aking maramdaman. Ang sikreto pala ay ang isuko sa Diyos ang lahat ng ating minamahal at kalimutan ang ating mga sarili sa ano mang kalooban Niya, nang may buong pagtitiwala na ang lahat ay mabuti basta’t Siya ang may gawa.
Bilang pangwakas nitong pagninilay, lubos akong nagpapasalamat sa mga kaibigang nakasama ko sa dalawang araw ng pagtitipon at sa mga bagong nakilalang sana’y maging kaibigan ko rin sa mga susunod pang imbitasyon ng Diyos at ng Simbahan sa aming mga kabataan. Hanggang sa susunod na pagsasama, pagsayaw, pag-awit, paglalakbay, at pagdarasal! Mahal na mahal tayong lahat ng Diyos. Amen.
Magwawala ako sa harap ng Panginoon
Aawit kahit wala sa tono.
Sasayaw ako ng buong laya.
Ito'y munting handog ko sa Kanya.
Eh ano! Eh ano!
Kung mukha akong baliw.
Eh ano! Eh ano! Eh ano!
Eh ano! Eh ano!
Kung mukha akong baliw.
Eh ano! Eh ano! Eh ano!
'Di ko maitago, pag-ibig kong ito
Eh ano!
Basta't mahal ko si Kristo.
Labels:
Cardinal Tagle
,
prayer
,
reflection
,
World Youth Day
Saturday, July 27, 2013
Saan/Ano nga ba ang kaharian ng Diyos?
Matthew 13:24-30
Jesus told them another parable, “The kingdom of heaven can be compared to a man who sowed good seed in his field. While everyone was asleep, his enemy came and sowed weeds among the wheat, and went away. When the plants sprouted and produced grain, the weeds also appeared. Then the servants of the owner came to him and said, ‘Sir, was it not good seed that you sowed in your field? Where did the weeds come from?’ He answered them, ‘This is the work of an enemy.’ They asked him, ‘Do you want us to go and pull up the weeds?’ He told them, ‘No, when you pull up the weeds, you might uproot the wheat with them. Let them just grow together until harvest; and at harvest time I will say to the workers: Pull up the weeds first, tie them in bundles and burn them; then gather the wheat into my barn.’”
Ang ideya ng kaharian sa langit o ng kaharian ng Diyos ay siyang mahalagang tema ng ating Diyos sa Kanyang mga pangangaral. Ito yung pinakaugat ng Kanyang ministri na ipinagkatiwala Niya sa mga disipulo. Subalit ang kaharian sa langit o ang kaharian ng Diyos ay hindi madaling maintindihan para sa Kanyang mga tagapakinig noon – maging ngayon din naman sa atin. Kaya Siya gumamit ng maraming parabula upang ilarawan ang kahariang ito. Ano nga ba itong kaharian ng Diyos? Sa totoo lang, hindi sinabi ni Hesus na ito'y isang lugar. Mas maiintindihan natin ang "kaharian ng Diyos" bilang "paghahari ng Diyos." Sa ganitong pag-uunawa, makakaalis tayo sa ideya ng lugar o lokasyon.
Makikita nating parehong umuusbong at nagtatalaban ang mabuti at ang masama sa maraming sitwasyon. Ipagdasal natin na, sa ating mga pamilya, pamayanan, bayan at sa buong mundo, manaig nawa ang paghahari ng Diyos. Dapat din nating maunawaan, na maging sa ating sariling buhay at puso, sabay na namamahay ang kabutihan at kasamaan. Ang tanong ngayon: paano natin mapatutuloy ang Diyos na maghari sa ating mga puso at buhay? Ano ang maaari nating gawin upang lumaganap ang Kanyang paghahari sa mundo?
Habang isinusulat ko ito, naghahanda ako sa pagdalo sa local celebration ng World Youth Day sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City. Nasasabik ako sa pagtitipong ito. Huli akong nakadalo sa isang youth/Eucharistic Congress noong 2005 at 2011 pa. Pangarap ko mula pa noong high school na makasama sa World Youth Day sa ibang bansa. Hindi ko nakamit ngayong taon sa Rio de Janeiro sa Brazil. Sana sa susunod makasama na ako at aking mga kaibigan. Kabataan pa naman kami.
At hindi kami makakadalo sa 4th Saturday Devotion dahil dito. Maiintindihan naman iyon siguro ni Mama OLA. Sa susunod na buwan. siguradong babawi kami.
At hindi kami makakadalo sa 4th Saturday Devotion dahil dito. Maiintindihan naman iyon siguro ni Mama OLA. Sa susunod na buwan. siguradong babawi kami.
Lord, gabayan Mo po kaming lahat ng kabataan na dumudulog sa Iyong banal na presensya. Maghari ka nawa sa aming buhay ngayon at magpakailanman. Amen.
Labels:
God
,
kaharian ng Diyos
,
reflection
,
World Youth Day
Thursday, July 25, 2013
I have a friend who still believes in heaven.
Celestial Music
Louise Glück
I have a friend who still believes in heaven.
Not a stupid person, yet with all she knows, she literally talks to God.
She thinks someone listens in heaven.
On earth she’s unusually competent.
Brave too, able to face unpleasantness.
We found a caterpillar dying in the dirt, greedy ants crawling over it.
I’m always moved by disaster, always eager to oppose vitality
But timid also, quick to shut my eyes.
Whereas my friend was able to watch, to let events play out
According to nature. For my sake she intervened
Brushing a few ants off the torn thing, and set it down
Across the road.
My friend says I shut my eyes to God, that nothing else explains
My aversion to reality. She says I’m like the child who
Buries her head in the pillow
So as not to see, the child who tells herself
That light causes sadness–
My friend is like the mother. Patient, urging me
To wake up an adult like herself, a courageous person–
In my dreams, my friend reproaches me. We’re walking
On the same road, except it’s winter now;
She’s telling me that when you love the world you hear celestial music:
Look up, she says. When I look up, nothing.
Only clouds, snow, a white business in the trees
Like brides leaping to a great height–
Then I’m afraid for her; I see her
Caught in a net deliberately cast over the earth–
In reality, we sit by the side of the road, watching the sun set;
From time to time, the silence pierced by a birdcall.
It’s this moment we’re trying to explain, the fact
That we’re at ease with death, with solitude.
My friend draws a circle in the dirt; inside, the caterpillar doesn’t move.
She’s always trying to make something whole, something beautiful, an image
Capable of life apart from her.
We’re very quiet. It’s peaceful sitting here, not speaking, The composition
Fixed, the road turning suddenly dark, the air
Going cool, here and there the rocks shining and glittering–
It’s this stillness we both love.
The love of form is a love of endings.
***
Nagdesisyon akong magpatuloy sa pagbasa dahil sa unang linya: “I have a friend who still believes in heaven.” Dito marami tayong makikitang konotasyon: Hindi naniniwala yung persona sa isang Makapangyarihang Naglalang at hindi niya nirerespeto ang mga naniniwala rito, pero mayroon siyang kaibigang naniniwala rito. Pinakita ng buong tula ang pagkakaiba ng personalidad ng dalawa: ang realistang persona ay hindi nakaririnig ng “celestial music” at natatakot para sa kanyang kaibigan na mabitag sa isang “net deliberately cast over the earth,” na nakakulong sa isang sistema na nagpapaniwala sa mga tao na mayroong elementong lampas pa sa realidad. Ang kaibigan niya naman ay “literally talks to heaven” at mukhang may kapayapaan at kapanatagan ng isip na paglaon ay inamin ng persona na wala
siya ng ganito.
Ang mahalagang imahe ng tula ay ang namamatay na higad (caterpillar) sa dumihan. Isang nilalang sa kalikasan na hindi naabot ang kanyang buong potensya – ang maging isang paru-paro (butterfly). Lumalayo ang tingin ng persona samantalang payapang tinitingnan ng kaibigan yung higad. Pinulot pa nga niya ito, inalisan ng mga langgam at iniayos sa kalsada. Naniniwala yung kaibigan na natural na proseso ang pagkamatay, at ito marahil ang kanyang pinananaligan kaya nahaharap niya ang mga “real events” sa buhay niya nang tahimik at may lakas ng loob sa pagtanggap.
Nakikitaan ko ng ironiya, sa ikatlong taludtod, yung kaibigan sa pagsasabing may “aversion” sa realidad ang persona dahil ipinipikit niya ang mata sa Diyos. Emosyonal para sa akin yung sandali sa tula na sinabihan ng kaibigan ang persona na para siyang “child who tells herself / That light causes sadness” – na para bang ang maniwala sa Diyos ay nagdudulot ng miserableng buhay. Sinabi naman ng persona sa kanyang kaibigan na para siyang isang ina na nagpupumilit sa kanya: “wake up an adult like herself, a courageous person.” Interesante yung yugtong ito sapagkat sa pag-uusap nilang ito, parang pumapayag yung persona, o tinatanggap niya kung hindi man agarang pagpayag, ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na tila siya isang bata.
Sa nabasa naman sa ikaapat na taludtod, nasiguro nga nating hindi naniniwala ang persona sa ginawa ng kanyang kaibigan. Hindi naririnig ng persona ang celestial music – subalit nakakakita siya ng kagandahan sa kapaligiran: “clouds, snow, a white business in the trees / Like brides leaping to a great height.” At sa ikalimang taludtod, lahat ng kanyang naririnig ay “silence pierced by a birdcall.” Iyon ang lahat ng kanyang naririnig at nadarama – ang realidad, kung ano man ang nasa eksistensyal na mundo.
Ngunit, in reality, mas mainit ang hangin, maging ang atmosphere sa pagitan ng kaibigan at ng persona. Nakaupo sila sa tabi ng kalsada at pinanonood ang paglubog ng araw. Sa ganitong panganorin, payapa ang pakiramdam ng persona. “It’s this moment we’re trying to explain,” naisip niya, “the fact / that we’re at ease with death, with solitude.” Kahit matindi ang pagkakaiba ng kanilang reaksyon sa namatay na higad at kahit nagtutunggalian ang kanilang paniniwala at personalidad, pareho silang nakakatagpo ng kapayapaan sa usapin ng katapusan, gaya ng paglubog ng araw, kamatayan at pag-iisa.
Gumuhit ng bilog ang kaibigan sa palibot ng patay na higad, bilang representasyon ng kanyang buhay na nakatapos ng isang siklo (come in full circle) nang magbalik ito sa alikabok kahit na alam naman nating hindi nito nakamit ang kabuuan ng buhay. Napansin ng persona na ang kanyang kaibigan ay laging ginagawang buo, maganda at may kakayahang mabuhay ng hiwalay sa sarili ang kahit na anong nilalang – na sa hinuha ko’y naniniwala ang kaibigan sa afterlife. Gayunman, pareho silang nakakaramdam ng kapanatagan sa kalikasan.
Sa huling linya, “The love of form is a love of endings,” marahil pinapatungkol ito ng persona sa porma ng mga bagay na kanyang nakikita, naririnig at nadarama: papalubog na araw, mga bato, ang kalsada, ang hangin, ang huni ng mga ibon. Marahil may kaugnayan ito sa Theory of Forms ni Platon. Ayon sa pilosopong si Platon, ang porma ang pundamental na esensya ng mga bagay at ito’y hindi nagbabago at eternal, kung kaya’t ang mga porma na nakikita at nadarama natin dito sa mundo ay pawang mga yari sa kopya. Gamitin natin ang komento ng kaibigan sa persona na may “aversion to reality.” Mukhang naniniwala ang kaibigan na ang “real” ay yaong mga porma, samantalang iniiwasan ng persona na maniwala sa ganitong mga porma. Subalit gusto ng persona ang mga kopyang ito na pawang naglalaho sa paglipas ng panahon – katulad ng sa kanyang kaibigan. Pareho nga silang may pagmamahal sa mga “endings” nito.
Samakatuwid, kahit magkaiba ang kanilang paniniwala sa kung mayroon bang lampas pa sa ano mang naririto sa mundo, pareho silang nagkakasundo sa nahahawakan at nadadamang mga porma na kahit na naglalaho at hindi perpekto ay mayroon pa ring kagandahang taglay.
Hindi layon ng tula na sabihin sa ating mga mambabasa kung mas makabubuti ba ang maniwala o hindi. Nagustuhan ko yung tula sa pagsasabi ng mga simpleng bagay: na ano man ang iyong pinaniniwalaan, may kagandahan pa ring taglay ang mundo. At may dalawang taong panatag sa isa’t isa at sa kariktan ng mundo kahit magkaiba ang pinaniniwalaan nila kung saan nagmumula ang ganda.
Labels:
Celestial Music
,
essay
,
Louise Glück
,
poem
,
reflection
Tuesday, July 23, 2013
Kung ikaw ay mahulog sa bangin ay sasaluhin kita. Huwag kang matakot.
Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita
Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot
Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay...
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita
Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot
Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay...
Napakaganda ng pahiwatig ng awit na ito sa aking buhay ngayon. Marahil, ito rin ang nais ipagbigay-alam ng Diyos sa sinumang nagnanais na sumunod sa kanya. "Huwag kang matakot, 'di kita pababayaan, nandito lang ako."
Naisip ko noong marahan akong bumababa sa bundok ng Daguldul sa Batangas kasama ng aking mga kaibigan. Kumakatok ang Diyos sa ating mga puso, palagi, at ang pinakamaliit na bagay na maaari nating magawa ay magpatuloy sa Kanyang tawag. Dahil madalas ay pinipili nating huwag damhin ang pagkatok Niya sa ating mga puso, nami-miss natin yung sandaling iniimbitahan Niya tayong marinig ang bawat pagtawag Niya.
Habang nababalot kami ng dilim at kawalan sa tuktok ng bundok, sinubukan kong pagmunihan kumbakit dapat manalig sa Kanya. Bumukas sa aking isip ang ganitong realisasyon. Na hindi sa lahat ng pagkakataon madadala natin ang mga bagay na gusto nating dalhin. Lalo na sa pag-akyat sa bundok. Mayroon kang dapat iwan. Kaya nga sabi ni Hesus noon sa Kanyang mga alagad: humayo kayo sa bawat bayan bilang mga sugo Ko nang walang dalang lukbutan ni mga pansapin sa paa. Naisip ko, kung gayon, ang pananalig ang simula ng bawat nating pagbubukas ng puso at pagpapaunlak sa Diyos na manahan sa ating piling. Tila ito pagsusugal sa ating buhay. At inaatasan tayong sumugal nang lahat-lahat sa atin. Sapagkat matalo man tayo at maubos ang ating mga dalahin, patuloy pa rin naman ang ragasa ng pag-ibig ng Diyos. Iyon ang pananalig. Kahit ang pinakamatulis na bato sa gubat ay napakikinis ng patuloy na ragasa ng tubig.
At salamat sa aking mga kaibigan, sa mga simpleng gimik natin, sa mga kuwentuhan at sharings, sa pagtitiwala ng mga bagay-bagay sa akin. Salamat sa mga simpleng trips natin. Sa pagpapakatotoo, at pagiging tunay na kaibigan. Ang pagiging simple ang pundasyon ng pagkakaibigang ito. Manatili nawa tayong ganito. Salamat sa growth experiences na kasama kayo. Ngunit hindi nananatili rito ang lahat. Kailangan din nating maghanap ng ibang growth sa ibang bagay na patuloy na hinahangad ng puso natin. Nawa ay marami pa tayong gawing alaala na magkakasama. Samahan niyo akong maging panatag sa mga susunod na buwan. Ipagdasal niyo ang aking bokasyon. Upang maging karapat-dapat ang sarili ko para sa kagustuhan ng Diyos sa buhay ko. Salamat sa inyo Idris, Matthew, Abi at Jek na naging bahagi ng buhay ko. ü
Take nothing but pictures,
Leave nothing but footprints,
Kill nothing but time.
Kill nothing but time.
Labels:
Batangas
,
Daguldol
,
faith
,
God
,
hiking
,
Huwag Kang Matakot
,
mountain
,
pananalig
,
reflection
,
Salamat
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)


