Sa Lunes naman sasariwain ang Annunciation. Bilang paghahanda sa dalawang mahalagang araw, sinimulan ko mula noong Mahal na Araw ang pagdarasal ng mga misteryo ng rosaryo sa tuwing mababakante ako ng anumang gawain. Kahit sa bahay, kahit sa opisina, kahit sa pagbibiyahe. Ito ang aking regalo at nais kong magpatuloy itong debosyon kong ito kalaunan.
Naisip ko, dahil marami namang Hail Mary's sa pagrorosaryo, iaalay ko ang mga ito sa mahahalagang tao sa aking buhay. Bawat butil ng rosaryo ay katumbas ng isang kahilingan at panalangin para sa isang partikular na tao.
At siyempre, nais ko rin ng blowout sa kapistahan ni Mama OLA. Blowout naman po diyan, Mama OLA! Hehe. (Basta. Nasa atin na lang dalawa yun Mama OLA. Alam mo na yun.)
Totus tuus ego sum, et omnia mea tua sunt. Accipio te in mea omnia. Praebe mihi cor tuum, Maria. (I belong entirely to you, and all that I have is yours. I take you for my all. O Mary, give me your heart.)
No comments :
Post a Comment