Friday, April 19, 2013

San Pedro Calungsod

A conversation with a friend goes like this:

M: Keith, hindi na pala ilalabas bukas si San Pedro Calungsod.
K: E sa 4th Saturday na lang nila ilabas.
M: Yup, sure yun. Ang labo lang talaga nila.
K: Hehe. Baka naman pinaasa nila si San Pedro e lumabas yun mag-isa.
M: Yun lang. Baka magtampo yun.


Napaisip ako hanggang sa makatulog: magagawa kaya niyang magtampo? Nanaginip akong inilabas ko siyang mag-isa kaso hinabol ako ng guwardiya. Akala siguro nanakawin ko. Pero sa totoo lang, kahit hindi siya ilabas, magagawa niyang makalabas. At makapasok sa puso ng bawat Pilipino. Kung bukal sa loob natin siyang tatanggapin at hahayaang gabayan tayo sa mga hamon ng buhay at bawat nating paglalakbay.

O San Pedro Calungsod, huwaran naming mga kabataan, gabayan at ipanalangin mo po kami.

No comments :

Post a Comment