Nakakaramdam ako ng LSS at sa di ko malamang dahilan, patuloy ang pagtugtog nito sa aking utak. Nang tahimik. Naiiyak ako, pero napipigilan ko naman, kapag tinutugtog ito sa Komunyon sa bawat pagdalo ko ng Misa sa BPI Chapel. Hindi ko maipaliwanag: nagsasalita sa akin, kinakausap ako, ng walang pasubaling Pag-ibig ng Diyos.
You who dwell in the shelter of the Lord
Who abide in His shadow for life
Say to the Lord
“My refuge, my rock in whom I trust!”
And He will raise you up on eagles’ wings
Bear you on the breath of dawn
Make you to shine like the sun
And hold you in the palm of His hand.
The snare of the fowler will never capture you
And famine will bring you no fear
Under His wings your refuge
His faithfulness your shield.
And He will raise you up on eagles’ wings
Bear you on the breath of dawn
Make you to shine like the sun
And hold you in the palm of His hand.
You need not fear the terror of the night
Nor the arrow that flies by day
Though thousands fall about you
Near you it shall not come.
And He will raise you up on eagles’ wings
Bear you on the breath of dawn
Make you to shine like the sun
And hold you in the palm of His hand.
For to His angels He’s given a command
To guard you in all of your ways
Upon their hands they will bear you up
Lest you dash your foot against a stone.
And He will raise you up on eagles’ wings
Bear you on the breath of dawn
Make you to shine like the sun
And hold you in the palm of His hand…
Friday, April 26, 2013
On Eagles' Wings
Labels:
LSS
,
music
,
On Eagles' Wings
,
song
Friday, April 19, 2013
San Pedro Calungsod
A conversation with a friend goes like this:
M: Keith, hindi na pala ilalabas bukas si San Pedro Calungsod.
K: E sa 4th Saturday na lang nila ilabas.
M: Yup, sure yun. Ang labo lang talaga nila.
K: Hehe. Baka naman pinaasa nila si San Pedro e lumabas yun mag-isa.
M: Yun lang. Baka magtampo yun.
Napaisip ako hanggang sa makatulog: magagawa kaya niyang magtampo? Nanaginip akong inilabas ko siyang mag-isa kaso hinabol ako ng guwardiya. Akala siguro nanakawin ko. Pero sa totoo lang, kahit hindi siya ilabas, magagawa niyang makalabas. At makapasok sa puso ng bawat Pilipino. Kung bukal sa loob natin siyang tatanggapin at hahayaang gabayan tayo sa mga hamon ng buhay at bawat nating paglalakbay.
O San Pedro Calungsod, huwaran naming mga kabataan, gabayan at ipanalangin mo po kami.

conversation
,
Filipino
,
saint
,
San Pedro Calungsod
Thursday, April 18, 2013
Huwag limutin.
H'wag limutin nakaraang araw,
sariwain kahit balik tanaw.
Takipsilim di man mapigilan,
sandali lang ang dilim.
'Yong bilangin ang bawa't sandaling
kagalaka'y wari'y walang patid.
Magkasama tayo sa pagsapit
ng 'sang langit sa daigdig.
Minamahal kitang tunay
ang tinig Ko sa'yo'y bubuhay.
Sambitin mo ang aking himig
at Ako sa iyo'y aawit
Alaala ng pagkakaibigan,
sa puso itago't ingatan.
Sa pagsilay ng bukas tingnan,
ala-ala't puso'y iisa!
Nakita ko nang magbago ang mga tao – may patungo sa mabuti at may patungo sa masama. May mga kaibigan akong nawala. Mayroon pa ngang basta na lang nawala. May mga bagong kaibigan naman akong natagpuan. Nakita ko na ring nagbago ang takbo ng oras. Napakabilis ng panahon kung masaya ka, napakabagal naman kung kalungkutan ang nadarama. Naranasan ko ring magbago ng relasyon. May mga relasyon akong binuo, binuno at pagkatapos ay itinapon. May mga relasyon akong di ko na mabalikan. May mga relasyon akong sa alaala ko na lang nababalikan. Samantala, may mga relasyon din naman akong natutuklasan ngayon at pinipili kong patatagin at pagyamanin. Nagbago rin ang mga pangako. May mga natupad subalit mas tumatatak sa alaala ang mga pangakong nasira. Mayroon din namang mga pangakong muling binuhay, kalakip ng bagong pag-asa at tiwalang ito’y matutupad.
Maraming tao, oras, relasyon at pangako ang nagbabago. Ano pa nga ba ang hindi nagbabago?
Naniniwala akong ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago. Kung ang pagbabago ay magagawa ng isang hindi suheto sa Kanyang paglalang, yung isa na ‘yun ay dapat na makapangyarihan din tulad Niya. Pero hindi. Walang ibang Diyos na kayang pasimulan ang pagbabago. Consistent ang Diyos. Suminag na ang Kanyang pag-ibig bago pa man sumikat ang araw. Walang hanggan ang Kanyang awa at patuloy ang pagbabantay Niya sa Kanyang mga nilalang kahit sa panahong may dilim. Siya lamang ang makapag-aayos ng mga nasira ng pagbabago, lahat-lahat, sa pamamagitan lamang Niya – ng Kanyang dakilang pag-ibig.
Kahit na ang lahat ay nagbabago, wala sa ating pumipilit makalimot. Kailangan lang talagang magpatuloy. At kahit tayo naman ang magbago, nariyan pa rin ang Diyos na tatanggap sa atin bilang Kanyang mga kaibigan.

God
,
Huwag Limutin
,
prayer
,
reflection
,
song
Wednesday, April 17, 2013
Iyong-iyo
Aking ipinaubaya sa 'yong tanging pagkalinga
Ang puso kong ibinukod sa Kanyang paglilingkod.
O Ina, ako'y tulungang tupdin ang buhay-binyagan.
Puso mo'y kalinis-linisan: hubugin mo ako nang lubusan!
Maria, mahal kong Ina! Puso ko, sa 'yo nakatalaga.
Ako'y gawin mong iyung-iyo, at ihandog mo ang buhay ko kay Kristo!
Iyo ang aking pamilya, pati ang aking bansa.
Nasa 'yong pangangalaga ang buong sangkatauhan.
Maria, mahal kong Ina! Puso ko, sa 'yo nakatalaga.
Ako'y gawin mong iyung-iyo, at ihandog mo ang buhay ko kay Kristo!
Prayer:
My most loving God, allow me to express my prayer of gratitude before You, for the grace You have bestowed upon me in giving me to Your holy Mother through the devotion to Our Lady of the Abandoned, that she may be my advocate in the presence of Your majesty and my support in life. I am so wretched that without this dear Mother I should be certainly lost. Yes, Lord, Mary is necessary for me at Your side and everywhere, that she may calm down Your just wrath, because I have so often offended You; that she may save me from the eternal punishment of Your justice, which I deserve; that she may contemplate You, speak to You, pray to You, approach You and please You; that she may help me to save my soul and the souls of others; in short, Mary is necessary for me that I may always do Your holy will and seek Your greater glory in all things. O Holy Spirit, give me great devotion to Mary. In Jesus’ name, I humbly pray. Amen.

Iyong-Iyo
,
prayer
,
song
,
Virgin Mary
Wednesday, April 10, 2013
Without seeing You, we believe.
Without seeing You, we love You.
Without touching You, we embrace.
Without knowing You, we follow.
Without seeing You, we believe.
We return to You deep within, leave the past to the dust.
Turn to you with tears and fasting, You are ready to forgive.
The sparrow will find a home near to You oh God.
How happy we who dwell with You, forever in Your house.
For You are our shepherd there is nothing that we need.
In green pastures we will find our way, in waters of peace.
Lord, the lyrics of this song was so striking when I first heard this played at the Mass awhile ago. I remembered what You have said to your apostle St. Thomas, "Blessed are those who have not seen, and yet believe." I want to see You and I want to touch You. But even without seeing and touching you, I will still love You. I believe that learning to love You is a struggle, and if I need to struggle more than what I feel right now, go keep on coming. I don't want to miss life altogether all because I have chosen not to love You. I hope I won't get tired following and loving You, Lord.
Labels:
lyrics
,
prayer
,
song
,
St. Thomas
,
Without Seeing You
Tuesday, April 9, 2013
Pagmumuni-muni Ukol sa Pananalig at Kamatayan
“The world is comic to those who think, and tragic to those who feel.”
Sisimulan ko ang pagmumuni-muni ukol
sa halaga ng pananalig sa pamamagitan ng isang pahayag (ni Horace Walpole) na
nakaagaw ng aking pansin habang nagbabasa ng nobelang gawa ng dati kong guro sa
Panitikan. Tunay nga, hindi maiaalis ang damdamin ng tao sa nangyayaring mga
pagbabago sa mundo. Hindi maikakailang hindi lamang ang isip ang ginagamit
ngayon sa pagharap sa buhay-tao. Nadadala pa nga tayo nang lubusan ng ating
damdamin lalo’t nakapapangilabot ang nangyaring baha sa ating komunidad*.
Mabuting ipakita ko muna kung gaano
nga ba karupok ang mundong ginagalawan ng tao ngayon. Sa ganang akin, ang lahat
ng karupukang ito ay iisa lamang naman talaga ang hantungan, ang kamatayan.
Kung hindi dahil sa posibilidad ng kamatayan noong panahong umaapaw na ang
tubig-baha sa kalunsuran, hindi marahil makararanas ng kakaibang pakiramdam ang
mga tao. Hindi ko pasusubaliang isa ako sa tinutukoy ko. Bibihirang hindi ko
makita ang kamatayan ngayon, kahit hindi na ako magbukas pa ng telebisyon
(dahil wala pa rin namang kuryente). Kahit saan ay may kamatayan. Paano kung
gayon makapagsisimula ang mga nasalanta ng bagyo at pag-apaw ng dam? Ito ang
tiyak na tinatanong ng mga dinatnan ng “mala-delubyong” pangyayari. Waring ito
ang sinasabi ni Rudolf Otto na pagiging tremendum ng numen**. Na sa pamamagitan
nito, nakararanas ang bawat tao ng isang pagkakataong malapit siya sa “banal.”
Ngunit ganito nga ba talaga
nagsisimula ang ating pananalig? Kailangan pa ba talagang makaranas ng isang
kakaibang kaganapan na lubhang makapagbabago sa mundong ginagalawan ng tao?
Ganito ba talaga ang sinasabi ng ilang pilosopo ukol sa kahihinatnan natin
dahil sa pag-iral ng pisikal at moral na mga kasamaan? Hindi maikakailang para
sa iba, ngayon nagsisimula ang pagbabago. Pero ngayon ba talaga kailangang
manalig? Kung ganito ang sitwasyon ngayon, may puwang pa nga kaya ang pananalig
sa pang-araw-araw na buhay ng tao?
Mahalaga ang pananalig sa buhay ng
tao. Itong pananalig na ito ang kanyang sandigan sa kahirapan ng buhay. Di
hamak na nakatutulong ang pananalig na ito upang kahit papano’y mairaos ng
sinuman ang kanyang mga paghihirap sa buhay. Ngunit gayon nga ba dapat ipakita
ang halaga ng pananalig? Mukhang may iba pang mukha ang halaga ng pananalig.
Hindi lang ito nariyan upang patatagin ang mahihina ang loob at palakasin ang
nahihirapan na sa buhay. Ang pananalig mismo ang siyang bumubuhay sa tao. Ito
ang mismong umaagapay sa pagpapatuloy ng buhay. Subalit hindi yata ito ang
nosyon natin sa pananalig ngayon. Nariyan laamang ang pananalig sa panahong
ito’y kailangan. Halimbawa, ngayong nag-abot-abot ang sakuna at trahedya sa
kalunsuran. Matapos makabangon at malimutan ang trahedya, babalik at babalik na
naman ang tao sa kanyang dating gawi, at maisasantabi na naman ang pananalig na
parang perang itatago muna sa pitaka at kukunin lamang kung ito’y kakailanganin
na. Mahahawakan lang ang rosaryo at mapapansin ang inaagiw nang Sto. Niño sa panahong gaya nito.
Hindi kinakailangang mapadpad ang
sinuman sa isang mundong marupok para magkamit ng pananalig. Pero dahil
naririto nga tayo sa mundong marupok at walang kasiguraduhan kung tayo’y kaya
nitong bigyan ng matitirhan, hindi maaaring mawala ang pananalig. Sasabihin ng ilang
pilosopo’t teologo, basta maniwala ka, manalig ka. Aanhin nga ba ang pananalig
sa mundo natin ngayon? Kung tatanungin iyan ng isang inang namatayan ng anak o
asawa dahil sa leptos pirosis o ng amang siya na lamang ang natirang buhay
matapos anurin ng baha ang kanilang bahay kasama ng mga mahal sa buhay, marahil
hindi nila mauunawaan kung para saan ang pananalig. O marahil maunawaan nila
kung talagang ito ang sandigan nila ngayon. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa
rin ito mahiwatigan.
Kung kaya’t magtatanong ako sa aking
sarili, bakit ba natin nararanasan ang ganito kakomplikadong sitwasyon? Paano
masasagot ng aking pananalig ang tanong at hiyaw ng mga namatayan at nawalan na
ng matitirhan? Para bang kayhirap na ngayong manalig at hindi kumilos para sa
kapwa. Aba, pagkilos. Hindi kaya ang pananalig ay isang pagkilos? O kaya’y
nangangailangan ng pagkilos ang pananalig? Marahil kailangan ngang kumilos para
sa aking pananalig.
Magtataka ang marami kung bakit
kahit nananalig ka na, gayon pa rin ang nararanasan natin sa mundong ito.
Simple lang siguro ang sagot. Hindi lang nga pananalig ang kailangan, mahalaga
rin ang pagkilos. Hindi ko sinasabing tumigil na sa pagluluksa at magsawalang
kibo at kumilos na para sa ikauunlad muli ng bayan. Delikado ito kung hindi
maiintindihan. At mas delikado kung pati ang tunay na halaga ng pananalig ay
hindi nauunawaan.
Paano nga ba uunawain ng mga
nasalanta ang tunay na halaga ng pananalig sa gitna ng kadalamhatiang kanilang
nararanasan? Kahit saan man ang kamatayan, hindi naman nagtatapos doon ang
lahat. Hindi natatapos ang pananalig, hindi rin ito nagsisimula ngayon. Matagal
nang mayroon tayo nito. Hindi lang talaga pansin dahil walang nag-uudyok sa
atin na pansinin ito. Pero ang mahalaga’y pinanghahawakan natin ang
paniniwalang may pananalig tayo sa isang naglalang. Basta maniwala, sabi nga ni
Pascal, walang masama kung pupusta ka sa pananalig kaysa ang wala kang gawin.
Sa puntong ito, sasabihin kong hindi
mahalaga kung matuklasan ko ang halaga ng pananalig. Kung basta mananalig ako,
at sigurado naman akong nananalig ako’t may mapapala ako rito, hindi ko na
kailangang alamin pa ang halaga nito. Sapat na sa akin ang manalig at humarap
sa hamon ng buhay gamit ang pananalig na pinanghahawakan ko.
Narito ang isang tulang aking nagawa
matapos pagmuni-munihan ang isang bagay na hindi naman talaga malapit sa akin
pero naramdaman kong malapit pala talaga ako, gaya ng ibang tao, sa kamatayan.
Na kung hindi dahil sa nangyaring unos, hindi ko rin mararanasan ang isang
kaganapang tinatawag pala akong muli upang manalig sa isang naglalang. Sa Diyos
na siyang pinagmulan ng lahat, para sa kanya ang akdang nasa ibaba. (Mahalaga
rin pala ang kapwa, dahil sa kasama ko sa bahay, sa eskuwelahan, sa komunidad
ko nakita ang halaga ng pananalig. Ganoon pala talaga ang dinamismo ng
pananalig sa Diyos: hindi lang ang Diyos ang mamahalin mo, pati rin ang kapwa.)
Ukol sa Pananalig
at Kamatayan
Hindi ko (pa rin) alam na hindi ko alam
ang aking pupuntahan
sa
dami ng daang nagsasanga-
sanga
sa aking isipan—
Nawawala na naman ako: matapos
magsermon
ng
pastor sa sinasakyang bus, gasgas na ang
mga turo
gayong
kasisimula pa lamang ng aking pagdidiskurso
ukol
sa pananalig at kamatayan. Hanggang ngayon,
hindi
ko pa rin nauunawaan ang hangganan
ng
pag-ibig sa hinahabing tula, piping saksi
sa
bawat nilang pagtakas tungo sa kabila ng lungkot
hanggang
maranasang mangulila sa buhay
na
mawawala. Hindi ko matanggap-tanggap
ang
katwiran ng maiiwan, gayong kasama rin ako
sa
mga pilit tumatakas sa namumukod-
tanging
katotohanan ng buhay. Hindi ko alam
na
nakita ko na pala sa kausap ang hindi ko nakita
sa
kahuli-hulihan kong tula.
*Una ko itong naisulat noong Oktubre 2009, ilang linggo matapos maranasan ang bahang dulot ng bagyong Ondoy. Ngayon ko lamang nabalikan, nahalungkat sa mga computer folders at napagdesisyunang i-edit muli.
**Ayon kay Rudolf Otto, ang Diyos o ang presensya ng Banal ay parehong nakapapangilabot at nakaaakit. Ika nga niya, "mysterium tremendum et fascinosum."
Labels:
essay
,
pagmumuni-muni
,
philosophy
,
poem
,
reflection
,
religion
,
tula
Saturday, April 6, 2013
Totus tuus, Maria.
Sa isang buwan na ang kapistahan ni Mama OLA, ang Ina ng mga Walang Mag-ampon. Excited ako para sa araw na 'yun kasi first time kong mararanasang makipiyesta. Pero, hindi sa nibel ng pakikikain sa may piyesta! Excited akong makasama sa Misa at prusisyon. Excited ako sa mga gawain ng Obreros, mga tagapangalaga ng imahen ng Mahal na Ina.
Sa Lunes naman sasariwain ang Annunciation. Bilang paghahanda sa dalawang mahalagang araw, sinimulan ko mula noong Mahal na Araw ang pagdarasal ng mga misteryo ng rosaryo sa tuwing mababakante ako ng anumang gawain. Kahit sa bahay, kahit sa opisina, kahit sa pagbibiyahe. Ito ang aking regalo at nais kong magpatuloy itong debosyon kong ito kalaunan.
Naisip ko, dahil marami namang Hail Mary's sa pagrorosaryo, iaalay ko ang mga ito sa mahahalagang tao sa aking buhay. Bawat butil ng rosaryo ay katumbas ng isang kahilingan at panalangin para sa isang partikular na tao.
At siyempre, nais ko rin ng blowout sa kapistahan ni Mama OLA. Blowout naman po diyan, Mama OLA! Hehe. (Basta. Nasa atin na lang dalawa yun Mama OLA. Alam mo na yun.)

Totus tuus ego sum, et omnia mea tua sunt. Accipio te in mea omnia. Praebe mihi cor tuum, Maria. (I belong entirely to you, and all that I have is yours. I take you for my all. O Mary, give me your heart.)
Labels:
Annunciation
,
excited
,
marikina
,
obreros
,
ola
,
Totus Tuus Maria
,
Virgin Mary
Tuesday, April 2, 2013
Iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?
Pinagninilayan ko ang eksenang ito kung saan nagtanong si Hesus kay Pedro
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa.” (Juan 21:15)
Iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito? Sa puso ko, narinig ko rin ang tanong na ito, "Keith, anak ni Rolando, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?" At nagsimula akong magtaka, "Ito? Ano'ng mga ito Panginoon? Ito bang mga kamag-anak at kaibigan ko? Ito bang talento at kakayahan ko? Itong mga pagkakamali, kahinaan at problema ko? Itong mga karangalan ko? Itong alaala ko?"
Sumagot ang Diyos sa nagtatakang tanong ko, "Ito." At kahit sobra ang pagtataka ko'y sumagot ako sa tanong Niya, "Oo Panginoon ko. Iniibig kita nang higit sa mga ito."
Mahal na araw noon ng nakaraang taon nang magnilay ako sa tanong na ito. Matapos ang ilang buwan nang pakikipagbuno sa tanong pa rin na ito, matapos ang marami-raming pagkakataon ng soul-searching, at matapos ang napakahabang proseso ng discernment, alam ko sa sarili ko na tinatawag ako ng Panginoon gaya ng ginawa Niyang pagtawag kay Simon Pedro.
Mahaba pa ang lalakbayin ko. Ang opsyon na tanggapin ang hamon ng bokasyon ay unang gumambala sa akin noong kukumpilan ako nung grade 5. Hindi ko maikuwento sa iba sapagkat natatakot akong baka di ako paniwalaan ng mga pagkukuwentuhan ko na noong kinumpilan ako ay talagang naramdaman ko ang presensya ng Diyos, ng dakilang Espiritu Santo. Ipinangako ko noon na gagamitin ko ang aking buhay, sampu ng mga biyaya ng Espiritu Santo sa aking kumpil, sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos. Kaya nga ako sumali sa mga gawain ng aming kapilya bilang katekista at lector. Pero parang nakukulangan ako sa ginagawa ko.
Dinaanan ko ang high school at college na iniisip ang hamon ng bokasyon subalit hindi ko sineryoso. Hanggang sa dumating ang graduation at mas lumakas ang tawag sa akin. Pero nagdesisyon akong pumasok sa corporate world, at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang bangko. Ang mundo ng banking at finance ay masaya at rewarding, subalit sa mga tahimik kong sandali, sa pagitan ng mga pagdarasal, nakikita ko ang sarili ko na may ibang nais gawin sa buhay. Yung lampas sa mundong ginagalawan ko sa ngayon. Matagal pa bago ko iyon matupad. Pero araw-araw akong magtitiwala at maghihintay. At sa bawat araw, sasagot ako ng "Oo" sa mga pagsubok na darating sa buhay ko. Ilalaan ko ang aking buhay hindi dahil ang sundan at gayahin ang buhay ni Kristo ay madali, kundi dahil alam kong napakahirap ang gawin ito. At tinatanggap ko na makasalanan ako pero sasagot pa rin ako ng "Oo" dahil mahal ako ng Diyos.
Sa mukha ng lahat ng ito, iisa lang ang aking sagot sa Kanyang tawag. At iyon ay ang pagsang-ayon. Dahil sa lahat ng paghihirap ko para sa aking pamilya, sa lahat ng pagmamahal ko sa aking mga kaibigan, sa lahat ng mga nakakamit ko sa trabaho, iisa lang ang nakikita ko: na walang mas hihigit pa kaysa sa Kanyang kabutihan. Mas may magagawa Siya kumpara sa kaya kong gawin nang mag-isa. So I let go and let God. Sa kabila ng hindi ko alam at sa kabila ng lahat ng aking pangamba at kinatatakutan, tatanggapin ko ang Kanyang tawag. Sa piling ng Diyos lamang ako mapapanatag.
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)