Saturday, September 7, 2013

Salamat sa lamat.

Blogging-mood na ang pakiramdam ko simula pa nung isang araw at masayang-masaya ako na nakaabot ako ng 23 taon ng pag-iral at buhay. Nararamdaman kong sobra akong blessed na nabuhay ako ng 23 taon sa pagmamahal at pagkalinga ng maraming kaibigan at kapamilya. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa hindi mabilang na biyayang ibinigay Niya sa akin, marami roon hindi ko naipagpapasalamat noon, at nakakapangliit man ay buong pakumbaba kong ipinagpapasalamat ang Kanyang dakilang kabutihan at pagmamahal.


Wala akong oras o kapasidad na pasalamatan ang lahat agad-agad, nawa'y ang mga mensaheng ito ay magsilbing ekspresyon ng aking walang hanggang pasasalamat sa bawat isa.



Sa Diyos


Salamat po sa pagkakataong mabuhay, sa pagbibigay Mo sa akin ng aking buhay, at sa pagmamahal Mo sa kung sino ako. Salamat sa pagpili Mo at paghahangad Mo sa akin, sa pag-ibig Mong kaytamis, kaylalim, perpekto at bukaspalad. Salamat sa pagbabahagi Mo ng buhay na puspos ng pag-ibig sa akin at ang mga adventure ko kasama Ka ay mananatili sa aking puso magpakailanman. Salamat sa pagtulong Mo sa akin habang patuloy ako sa aking discernment sa pipiliin kong bokasyon, at sa kaakibat nitong surpresang yaman ng mga relasyong dumarating. Salamat po sa lahat-lahat. Ikaw ang pinakadakila at pinakamagaling.



Kina Mama at Papa


Salamat sa pagdadala sa akin dito sa mundo. Sa inyong napakaraming sakripisyo, luha, at pag-ibig na naging halaga ng pagpapalaki ninyo sa akin. Alam niyo na kung gaano ko kayo kamahal. Patawarin niyo po ako sa aking mga pagkukulang. Ang bawat birthday ko ay nagpapaalala sa akin na walang hanggan ang aking utang na loob sa inyo. Masuwerte ako na kayo ang aking mga magulang, simple ngunit napakadakilang mga tao na ibinigay ang lahat at inibig ako ng lampas pa sa naiisip kong pagmamahal. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na mahalaga ako at sa pagtitiwala ninyo sa akin. Mahaba pa ang listahan ng aking mga pasasalamat sa into at ayaw kong maging litanya iyon dito. Hangad ko lamang na magsilbing karangalan sa inyo ang buhay ko at maging masaya kayo lagi sa buhay dito sa mundo.



Sa aking mga kapatid at kamag-anak


Proud ako na kayo ang aking mga kapamilya. Sa tatlong kapatid kong babae na nakabahagi ko sa aming childhood, sa tawanan at iyakan; sa mga tito at tita na pumuspos sa akin ng pagmamahal at pagtuturo sa akin sa buhay; sa mga lolo at lola na nagbahagi sa akin ng kanilang kayamanan sa talino at eksperiyensya. At sa pinakamamahal kong pamangking si Kyllie na nagpakita sa akin kumbakit sa lahat ng tao ay mga bata ang higit na iniibig ni Hesus. Sa inyong lahat, salamat sa pagbabahagi ng buhay.



Sa mga brothers at sisters ko sa Mhafans


Paano ko malilimutan yung mga kapatid kong tumutulong at gumagabay sa akin na isabuhay ang isang buhay na puno ng discernment, tuwa at debosyon? Kayo ang mga kapatid kong hiniling sa Diyos na magkaroon ako. Hindi na mabubura ang lamat na itinatak ninyo sa aking buhay. Ang mga mukha ninyo ang pumupuno sa aking mga litrato at pinaganda ninyo ang kulay ng mga taon ko bilang kabataan. Nais kong magpasalamat nang higit sa lahat kina Sister Abigail, Bro Idris, Bro Matthew at Master Jerome sa pagtuturong muli sa aking puso na mas paigtingin pa ang debosyon sa pinakamawain, pinakamaalam at pinakamatamis na inang nakilala ko, ang Ina ng mga Walang Mag-ampon. Salamat sa lahat at sa patuloy na paglago sa buhay at bilang ng pinakamahalagang grupo sa aking buhay, ang Mhafans.



Sa mga naging benefactors at spiritual help


Nais ko ring pasalamatan yung kahit hindi ko nakilala yung iba ay patuloy na sumuporta sa akin, materyal at ispiritwal. Hindi ko kayo mapapangalanan dito ngunit nais ko pa ring ipabatid ang aking pasasalamat at pananalangin sa inyo. At sa mga nananalangin para sa akin, sa mga lalaki at babaeng nakilala ko sa daan ng buhay, maraming salamat.



Sa mga naging guro, kaklase at kaeskwela


Espesyal ang pasasalamat ko sa mga nakilala ko't nakasalamuha rito sa Marikina, mula sa pagkabata hanggang ngayon, tinuruan niyo akong magpakumbaba. Sa kaisa-isa kong kaklase noong kindergarten na naging kaibigan ko ngayon, sa mga kapwa Atenistang gumagawa na ngayon ng mga marka sa ating lipunan, sa mga nakasamang Sta. Elenian na nagbahagi ng saya noong high school, at sa lahat ng aking mga naging guro at propesor, salamat nang marami sa pagpapatingkad sa kulay ng aking buhay.



Sa mga kabataang nakilala ko


Sa aking mga naging estudyante at kaibigan, binigyan niyo ako ng kasiyahan at inspirasyon na magpatuloy. Salamat sa pagtitiwala at pagtawag sa akin bilang kuya. Salamat sa mga program officers, youth volunteers at participants ng Pathways; sa mga nakasamang delegado sa katatapos lang na local World Youth Day celebration na ginanap sa Don Bosco Makati; sa dedikadong mga Obreros de la Nuestra Señora de los Desamparados; sa mga talentado kong kasamahan sa BPI Chapel Choir; at sa mga katrabaho sa BPI. Maraming salamat sa pagbabahagi ng buhay at kasiyahan sa akin. Napakarami ninyo, sobrang dami ng mga pangalang nais kong pasalamatan.



Sa mga online friends at acquaintances


Ano kaya ang aking online social life kung wala kayo? Sa mga nakilalang kaibigan sa Facebook, Blogger, Twitter at Instagram, maraming salamat po.



Hindi ko hangad o intensyon na maglimot ng mga pangalan at tao, kaya gusto kong pasalamatan kayong lahat na makababasa nito. Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko. Sa pag-iiwan ng lamat (o marka) sa akin, salamat sa lamat. Lagi ko po kayong ipinagdarasal. Pagpalain po tayo nawa ng ating mahabaging Diyos, ngayon at magpakailanman.

Friday, September 6, 2013

The Word Today.

Luke 5:33-39

Some people asked him, “The disciples of John fast often and say long prayers, and so do the disciples of the Pharisees. Why is it that your disciples eat and drink?” Then Jesus said to them, “You can’t make wedding guests fast while the bridegroom is with them. But later the bridegroom will be taken from them, and they will fast in those days.” Jesus also told them this parable: “No one tears a piece from a new coat to put it on an old one; otherwise the new will be torn, and the piece taken from the new will not match the old. No one puts new wine into old wineskins; otherwise the new wine will burst the skins and be spilled, and the skins will be destroyed as well. But new wine must be put into fresh skins. Yet no one who has tasted old wine is eager to drink new wine, but says, ‘The old is good.’”


Jesus paints himself as the bridegroom in his response to the question asked of him in our Gospel passage today. While the bridegroom is present, the wedding guests do not need to fast. When one is with Christ, the bridegroom, there is no need for anything else but what pleases the bridegroom.

It is only when the wedding guests are separated from the bridegroom, when the bridegroom will be taken from them, that the guests need to fast and sacrifice. We can be separated from Christ by sin. In these occasions, we need to do all things within our power, including fasting and sacrifice, to remove the things which separate us from Christ, so that we may again be like wedding guests in the presence of the bridegroom.

Jesus was teaching things about God which the people of his time found to be different from the things they were previously taught. Countless rules and practices were taught as part of the worship of God. Matters of personal hygiene, like washing the hands before eating, prohibitions against eating fish without scales, and other matters like these became part of religious rituals and obligations. The teaching of Jesus was like a “new coat.” To tear a part of it would damage the new coat and would not match the old one. What Jesus taught was like new wine that would burst an old skin. But those who have learned and gotten used to the old teachings would say, “The old is good.” And they went to the extent of crucifying the one who taught the really important things about God.

Lord Jesus, give us the grace to walk with you always, and remove the things which may separate us from you.

Tuesday, September 3, 2013

Never war again. War never again.



Ang katahimikan ay nakabibingi rin minsan dahil kapag inalis mo ang ingay sa labas, mapapansin mo ang ingay sa loob mo. Gumagawa tayo ng maraming ingay. Tayong mga Pinoy ay kilala na masayahin, kaya't katambal nito ang matatawanin at may mataas na cheerfulness level. Ngunit meron ding ibang nibel ng ingay na ang wavelengths ay hindi kayang maabot ng ating mga tainga. May ingay sa pang-araw-araw na buhay, mga bagay na hindi naman kailangan at walang pakinabang pero ginagawa pa rin natin nang hindi alam kumbakit. May ingay ang paligid, yung mga prejudices at stereotypes na nakikibahagi tayo dahil iyon ang common o kalakaran. Marami pa ang mga ingay na labas sa atin. Kapag pinansin natin ang mga ito at hininaan ang kanilang volume, mas mapapansin na natin ang ingay sa loob natin.

Ang ingay sa loob natin ay mas mahirap kaharapin. Kapag ang isip ay masyadong abala sa ibang bagay, nawawala tayo sa pokus kung ano ang mahalaga. At kapag ang puso ay sumabog dulot ng kinimkim na mga damdamin at mga isyu at trauma na takot tayong harapin, makakaya kaya natin? Mas nangangailangan sa atin ang ingay sa loob natin upang payapain. Tunay na pokus at disiplina ang susi.

At ito marahil ang tunay na halaga ng paanyaya ni Papa Francisco sa atin na manalangin at magtika sa Sabado, Setyembre 7, para sa bansang Syria. (Sa bansang ito nagpahayag si Hesus ng Kanyang mga turo. Dito Niya itinatag ang Simbahan na ipinagkatiwala Niya kay San Pedro.) Iniimbitahan tayo ng Papa na itama ang ating pokus at disiplina, mahahalagang bagay na hindi pinahahalagahan ng mundo. Never war again. War never again.

Monday, September 2, 2013

Luke 4:22

“They were all well impressed with him and marveled at the eloquent words that he spoke” (Luke 4:22). Another translation of Luke 4:22 reads, “All bore witness about him and were astonished at the works of grace.”

When Jesus read the Scriptures in Nazareth, people were already watching him. What he said disturbed them and made them react violently toward him.

One thing we can say about Jesus is that he was very purposeful. He did things for a reason. He did not beat around the bush. He told people what was happening. He told the truth.

This made the people angry enough to want to push Jesus down a cliff. Jesus knew this would happen, but he did not retract. He said what he said and bravely faced the crowd.

John Hemer said, “Our own Catholic faith is tremendously challenging and stretching. It is continually reminding us that God is bigger than the little world we inhabit. Are we able to rise to the challenge?”

Sunday, September 1, 2013

Sino ang humble?

Maganda yung homily ni Bishop Francis kanina sa OLA Parish Church para sa ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (Taon K). Tungkol sa pagpapakumbaba bilang anyaya ni Kristo sa ating lahat. Hindi dapat magmalaki kung wala ka namang sinasabi. Hindi dapat magmataas kung wala ka namang binatbat. At pinakanagustuhan ko sa pasaring niya yung hindi dapat magpa-istar kung istariray naman.

Nagbigay siya ng halimbawa para ilarawan ang kahulugan ng humility o pagiging humble. Nagtanong siya kung sino sa tatlong estudyante ang humble.

A. Nakakuha ng 90 at nang tinanong ay sumagot na 80 ang nakuha niya
B. Nakakuha ng 80 at nang tinanong ay sumagot na 90 ang nakuha niya
C. Nakakuha ng 90 at nang tinanong ay sumagot na 90 ang nakuha niya

Hula kong sagot ay yung nauna. Ang sagot daw ayon kay Bishop Francis ay yung nakakuha ng 90 at nang tinanong ay sumagot na 90 ang nakuha niya. Napaisip tuloy ako. Kung ano ba ang tamang depinisyon ng humility. Sabi niya, humble ka kung ipinakikita mo yung katotohanan. You are humble when you hold on to truth. May punto siya. Kayabangan yung pagsasabi ng mataas na marka kahit mababa naman talaga. Parehong pagsisinungaling kapag mali ang sinabi mo at hindi yung tunay na marka. Humble ka kapag pinanghahawakan mo yung totoo.

Magaling yung ginamit na talinghaga ni Hesus sa Pariseo. Kung inimbita ka sa handaan, huwag yung kabiserang upuan ang kunin mo. Dun ka sa pinakaabang upuan. Kung sakaling dun ka naman talaga pauupuin ng nag-anyaya, mabuti sapagkat hindi ka na lilipat ng puwesto. At kung sakaling dun ka naman pala sa kabisera pauupuin ng nag-anyaya, mabuti sapagkat mas pararangalan ka. Dahil ang mataas ay ibababa samantalang ang mababa ay itataas.

Ang katotohanan ay simple lang. Ganun kasimple na kapag sinubukan mong ipaliwanag o bigyang pakahulugan ay lalo lamang nagiging komplikado. Kung pinanghahawakan mo yung totoo lamang, hindi ka makagagawa ng samot-saring sapot o kawing-kawing na sitwasyong di mo na maaaring labasan. Gaya ng nangyayari sa bansang Pilipinas ngayon. Nagsisilabasan ang noo'y hindi inilalantad. Sapagkat tunay nga ang ipinababatid sa atin ng Diyos - na lalabas ang katotohanan kahit ano pang gawin mo para lang mapagtakpan.

Dalangin ko ngayong buwang ito ng Setyembre na matutuhan ko ring panghawakan ang katotohanan. Na nawa'y dun lamang ako pumanig at hindi matukso na magmataas o magmapuri. Kasama ko rin sa panalangin si Bishop Francis, na ayon sa kanya ay ipinagpapasalamat niya ang kanyang ikaanim na taon bilang obispo. Yun sa tingin ko ang humble. Na alam mong hindi mo kakayanin kaya humihiling ka pa rin na ipagdasal ka. :)

Wednesday, August 28, 2013

Happy Feast of St. Augustine!

"What then, brethren, shall we say of God? For if you have been able to comprehend what you would say, it is not God; if you have been able to comprehend it, you have comprehended something else instead of God. If you have been able to comprehend Him as you think, by so thinking you have deceived yourself. This then is not God, if you have comprehended it; but if it be God, you have not comprehended it. How therefore would you speak of that which you can not comprehend?" - St. Augustine


HAPPY FEAST OF ST. AUGUSTINE!  (Aug 28)

Tuesday, August 27, 2013

Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos at pagpalain kailanman.

Ngayong araw ipinagdiwang ng Simbahan ang dakilang araw ng kapistahan ni Sta. Monica. Siya ang ina ni San Agustin na nanalangin nang mataimtim sa loob ng mahabang taon. Sa edad na tatlumpu, sumagot sa tawag ng grasya ng Diyos si San Agustin. At alam na natin ang sumunod na mga istorya. Ginamit ng Diyos si San Agustin upang maipalaganap ang Mabuting Balita, matulungan ang Simbahan sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat. Patuloy na nakapagpapabago ng buhay ang kanyang otobayograpiya, ang Confessions.

Sa dami ng mga Internet searches, email shopping, text messages, tweets at instant credit, umiiksi ang ating pasensya sa mga bagay-bagay na nakauubos ng ating oras. Gayundin, gusto natin ng instant na sagot sa ating mga panalangin. Si Sta. Monica ay modelo ng birtud ng pasensya. Ang kanyang mahabang panahon ng pananalangin, na sinamahan ng matatag at disiplinadong karakter sa buhay, ang siyang naging dahilan ng pagbabalik-loob ng kanyang mainipin at mainising asawa, matapobreng biyenang babae, at ang kanyang matalino ngunit napariwarang anak na si San Agustin.

Si Sta. Monica ay patron ng mga ina. Kasinghalaga rin ng pagdiriwang ngayon ang kaarawan ng aking ina. Salamat kay Mama na nagdala sa akin dito sa mundo. Sa kanyang napakaraming sakripisyo, luha at pagmamahal na siyang nagpalaki sa akin bilang ako ngayon. Alam mo kung gaano kita kamahal. Patawad sa aking mga pagkukulang. Ilang linggo na lang, ako naman ang magdiriwang ng kaarawan. Sa bawat kaarawang iyon, pinaaalalahanan ako kung gaano kalaki ang aking utang na loob sa iyo. Masuwerte ako na kayo ni Papa ang naging mga magulang ko. Napakadakila niyong mga magulang na nagbigay ng pag-ibig sa kabila ng lahat. Salamat sa pagtitiwala at pagpaparamdam na ako'y taong may dangal. Mahaba ang listahan ng aking mga ipinagpapasalamat ngunit natatakot akong baka maging litanya lamang dito. Hiling ko lang na sana ano man ang maging buhay ko ay magbigay nawa ng karangalan sa inyo at maramdaman niyo sana kung gaano ako kasaya na binuhay at ginabayan niyo ako.

Panalangin ko na sa pamamagitan ni Sta. Monica ay mapuspos ka pa ng pag-ibig para sa aming lahat na iyong pamilya. Ipinagdarasal kita palagi. Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain kailanman. <3