Ang katahimikan ay nakabibingi rin minsan dahil kapag inalis mo ang ingay sa labas, mapapansin mo ang ingay sa loob mo. Gumagawa tayo ng maraming ingay. Tayong mga Pinoy ay kilala na masayahin, kaya't katambal nito ang matatawanin at may mataas na cheerfulness level. Ngunit meron ding ibang nibel ng ingay na ang wavelengths ay hindi kayang maabot ng ating mga tainga. May ingay sa pang-araw-araw na buhay, mga bagay na hindi naman kailangan at walang pakinabang pero ginagawa pa rin natin nang hindi alam kumbakit. May ingay ang paligid, yung mga prejudices at stereotypes na nakikibahagi tayo dahil iyon ang common o kalakaran. Marami pa ang mga ingay na labas sa atin. Kapag pinansin natin ang mga ito at hininaan ang kanilang volume, mas mapapansin na natin ang ingay sa loob natin.
Ang ingay sa loob natin ay mas mahirap kaharapin. Kapag ang isip ay masyadong abala sa ibang bagay, nawawala tayo sa pokus kung ano ang mahalaga. At kapag ang puso ay sumabog dulot ng kinimkim na mga damdamin at mga isyu at trauma na takot tayong harapin, makakaya kaya natin? Mas nangangailangan sa atin ang ingay sa loob natin upang payapain. Tunay na pokus at disiplina ang susi.
At ito marahil ang tunay na halaga ng paanyaya ni Papa Francisco sa atin na manalangin at magtika sa Sabado, Setyembre 7, para sa bansang Syria. (Sa bansang ito nagpahayag si Hesus ng Kanyang mga turo. Dito Niya itinatag ang Simbahan na ipinagkatiwala Niya kay San Pedro.) Iniimbitahan tayo ng Papa na itama ang ating pokus at disiplina, mahahalagang bagay na hindi pinahahalagahan ng mundo. Never war again. War never again.
No comments :
Post a Comment