Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng Pagpapahayag ng Diyos kay Maria sa pamamagitan ni Anghel Gabriel, o ang Solemn Feast of the Annunciation. Inaalala natin kung paanong dalawang libing taon na ang nakalipas ay humingi ng pabor ang Diyos sa tao. Nangyari ito noong hilingin ng Diyos kay Maria na maging ina ng Kanyang Anak, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Tinanong si Maria. Mayroon siyang pagpipilian. Maaari siyang humindi lalo na't alam naman nating nakatakda siyang pakasal kay Jose. Subalit, narinig natin ang matamis niyang "Oo." At dahil sa kanyang pagpayag, natupad ang plano ng Diyos na tayo ay matubos sa kasalanan.
Sa maraming pagkakataon, humaharap tayo sa mga sitwasyon na nangangailangan ng mabigat at seryosong pagdedesisyon. Ang bawat desisyon ay may nakaambang marami pang pagdedesisyon kalaunan.
Ang kababaang-loob ng ating Diyos ang misteryo ng bawat bokasyon. Ang Diyos, na Siyang nakababatid ng lahat—na nakakakilala sa ating lahat, kung sino tayo, ano ang kaya at himdi natin kayang gawin—ay salamin ng pagpapakumbaba. Na sa tuwing tatawag Siya sa atin, una Niyang gagawin ay tanungin muna tayo: "Is it alright for you..." dahil nirerespeto Niya ang ating kalayaang pumili.
Nahihiwatigan talaga ako kung naiisip na katumbas ng pagpapakumbaba ng Diyos ang kalayaan natin bilang tao. Na tunay ngang nais ng Diyos na tayo'y maging masaya sa bawat natin pagdedesisyon, sagutin man natin ng "oo" o "hindi" ang Kanyang tawag o imbitasyon.
No comments :
Post a Comment