Sunday, May 12, 2013

Ina ng mga Walang Mag-ampon





Mahal na Birheng Maria, Ina ng mga Walang Mag-ampon,

dalhin sa iyong puso ang aming munti at malaking kabiguan
dalhin sa iyong puso ang paninigas at panlalamig ng aming pandama

dalhin sa iyong puso ang unti-unting panlalabo ng ningas ng aming pag-asa
upang sa pagtibok din doon ng Kamahal-mahalang Puso ni Kristo ay
maghilom ang aming mga sugat nang walang iniiwang pilat
sumigla ang aming buhay sa pagsapit ng tapat na pagmamahal
mag-ugat ang butil ng pag-asang nasa palad ng dumaramay.


No comments :

Post a Comment