Ang isang lider na nagmamalasakit ay hindi lamang tinatawag na lider. Sa Simbahang Katolika, ang tawag sa kanya ay Pastol. Kapag sinabi mong pastol...ang pastol ay nangangalaga sa kanyang mga tupa. Ano ba'ng pagkakaiba ng tupa sa ibang hayop? Ang isang tupa ay medyo may 'katangahan'. Alam ninyo kumbakit? Sapagkat lagi silang magkakasama at nagkakatipon ng mga kasama niyang tupa. Maya-mayang kaunti, maghahanap siya ng 'greener pasture' at lalayo pa ng kaunti at merong makikita sa bandang dulo, tumitingin siya sa mga kasama, nandoon pa rin sila at malilibang siya.
At kapag siya ay nalibang, siya'y mawawala at kapag hindi niya nakita ang mga kasamahan niyang tupa, hindi siya maghahanap. Ang isang tupang nawawala ay iikot nang iikot, hindi katulad ng aso. Kapag ang aso ay nalibang at nawala, walang hanggang amuyan papunta sa kanyang tahanan. Ang tupa ay iikot nang iikot lamang.
Alam niyo ang gagawin ng pastol? Ang pastol ay iiwan ang 99 na tupa at hahanapin iyong nag-iisa. Kapag hindi iyon nahanap, ang tupang iyon ay mamamatay sa kaiikot. Nakita niyo na ba, na kapag ang isang tupa ay natagpuan ng pastol, hindi ito hinahatak. Ito'y binubuhat sa kanyang balikat sapagkat karaniwan ang tupa ay hilong-hilo na. At iyan ang isang pastol...may malasakit sa kanyang mga tupa.
Hinahanap ng tupa ang tinig ng kaniyang pastol, at silang lahat ay sumusunod sa kanya. Ang ating Santo Papa, kasama ng mga Obispo at buong kaparian, ay mga pastol. Pinakikinggan natin sapagkat sila'y nagsasalita at nangungusap. Sa pamamagitan ng kanilang katungkulan, binibigkas nila ang salita ng tunay na Pastol, si Hesukristo.
Ikaw, bilang tupa, nakikinig ka ba sa iyong Pastol?